CHAPTER-2

3242 Words
Celeste's P.O.V  Nagising ako sa isang puting room habang naka dextrose ako.   "Nasaan ako?!", naguguluhang saad ko.  Nakita ko naman si teacher 41 na papunta sa akin. Anong ginagawa niya dito? "Oo nga pala, i saved you and Dion pero si Cindy, she's dead".  Namatay na pala si Cindy. Napagbayaran na din niya ang kasalanan niya kay Camille. Sana matahimik na ang kaluluwa nilang dalawa. "May kakaharapin ka pang light punishment for not making the task", dagdag pa niya.  Napapaisip ako kung ano ang kakaharapin kong punishment. Hindi naman ako natatakot doon. Pagkatapos kong magpagaling ay agad akong piniringan ng mga guwardiya ni teacher 41.  Madami sila.  Mga nasa 20 yung mga nagbabantay sa akin. Puro lalaki sila lahat. Ginabayan nila ako papunta sa kung saan ang pupuntahan namin. Pagkarating ko dito ay nararamdaman kong mainit. Naririnig ko din na tumatapak kami sa kahoy.  "Tatagal ka dito ng isang linggo. Tingnan natin kung makakatagal pa", sabi ng babae na parang boses ni teacher 41.  "Isang linggong hindi ako kakain o iinom ng tubig?".  Tumawa lang sila sa sinabi ko.  "Mga demonyo", bulong ko.  Tinali nila ako sa isang upuan. Umalis na din sila pagkatapos nun. Tahimik.  Madilim.  Nakakatakot.  Tatagal ba ako sa lugar na ito? O susuko nalang ako? Dalawang araw pa lamang ang nakakalipas ay marami na ang nangyari. Sa dalawang araw na ito ay marami din akong problemang nakaharap. Maraming akong trahedyang nasaksihan. Namatay si Cindy dahil sa akin, dahil sa task na yun.  Namatay din si Clyden dahil din sa akin, dahil sa kapusukan ko.  Lahat ng ito ay dahil sa akin. Ako ang dapat sisihin sa lahat ng nangyari ngayong araw. Tama lang na pagbayaran ko lahat ng kasalanan ko dito sa dark room.  Pawis na pawis na ako habang nagiintay ang pitong araw para makalaya na ako dito. Gutom na gutom na ako sa paghihintay ngunit wala akong magawa hanggang sa nakatulog na ako. Dion's P.O.V  Nagising ako dito sa clinic. Tinanong ko sa nurse kung nasaan si Celeste. Ang sinabi niya ay kinulong daw siya sa isang dark room.  Dark Room? Where it is? Or maybe hidden ang lugar na iyon. Kailangan ko siyang hanapin.  Tumayo na ako at papunta pa lang ako sa pinto ng bigla akong mahilo at matumba.  Hindi ko pa kaya.  Isang saksak lang ang natamo ko at siguro naapektuhan nito ng matindi ang puso ko. Bumalik ako sa kama at humiga. Hindi ko maiwasang maluha tuwing naaalala ko na namatay ang kapatid kong si Cindy. Malalagot sa akin kapag nalaman ko kung sino ang pumatay sa kapatid ko. Sa huling pagkakataon, nag-away pa kami ni Cindy. Hindi ko man lang alam na iyon na pala ang araw na pagsisisihan ko.  Pinag-awayan kasi namin si Camille. Siya kasi ang pumatay sa girlfriend ko pero di ko alam kung bakit. Hindi ko pa nalalaman ang ibang detalye kung bakit pinatay ni Cindy ang girlfriend ko na si Camille. Dapat gumawa na ako ng hakbang para mahanap si Celeste. Siya na lang ang tanging meron ako sa school na ito. Hindi ko dapat siya papabayaan. Ang hakbang na gagawin ko ay it's either maglalakas-loob akong itanong kay teacher 41 kung saan nila kinulong si Celeste or hahanapin ko siya ng mag-isa at magpapaliban muna sa klase.  Kailangan ko ng tulong. Pero kanino? Wala na akong kilalang estudyante dito kundi ang kapatid ko, si Celeste, Tessa at si Mike na mga roommates ko. Siguro it's time to have new friends. Bumangon na ako sa hinihigaan kong kama. Kaya ko na ulit maglakad at hindi na ako nahihilo. Pupunta na ako sa room ko para magluto at kumain ng nakasalubong ko ang misteryosong babae na animo'y nagmamasid. Nilapitan ko ang babae at nagulat ito sa akin.  "Who are you? At anong ginagawa mo diyan", sabi ko.  "Hindi ko sasabihin ang pangalan ko sayo stranger", pagmamataray nung babae. "Sige na nga, basta tutulungan mo akong mahanap ang sikreto ", saad ng babae.  "Btw I'm Camille, nice to meet you", dagdag pa niya.  "Camille? Kapangalan mo pala yung girlfriend ko, baka ikaw na siya".  "What's your name ba".  "Dion".  "Wala akong maalalang Dion na kakilala ko".  "Malapit na magcurfew tara ihahatid kita sa dorm namin", pag iimbita ko. "Ahh, hindi na babalik na lang ako sa dorm ko", sabi nung babae.  "Magkita tayo bukas sa likod ng building na ito", dagdag pa niya.  Umuwi na ako sa dorm namin.  Nakita ko naman si Tessa na nakaupo sa sala at si Mike naman na nagluluto sa kusina. Hindi ko sila medyo close kaya hindi ko rin madalas ibaling ang atensyon ko sa ginagawa nila. Kumain na din ako at naligo bago matulog. Habang naliligo ako ay parang may naamoy ako na masangsang. Hindi ko naman makita kasi may sabon yung mga mata ko.  Pagkatanggal ko ng sabon sa mukha ko ay may pulang nakahalo sa tubig na animo'y dugo.  Pagkatapos ko maligo ay tinanong ko sila kung may nilagay ba silang dye sa tubig. Ang sabi ng isa sa mga roommates ko ay wala daw. "Pero nung pagkahugas ko ng kamay kanina, nakita ko din na kulay pula yung tubig masangsang din yung amoy", saad ni Tessa.  Napaisip naman ako sa kung ano na naman ba ang nangyayari sa university na ito. Marami akong iniisip ngayon. Kung paano ko makikita si Celeste at ngayon itong kulay pula sa tubig.  Baka alam to ni Camille.  Magtatanong na lang ako bukas pero sa ngayon kailangan ko munang magpahinga. Madami na ang nangyari. Celeste's P.O.V  Nanghihina na ako dahil sa wala akong makain.  Nahihilo ako.  Mahihimatay na ako.  Pawis na pawis ako sa init tuwing tanghali. Giniginaw ako sa lamig tuwing gabi. Bukod sa boring ay wala din akong makain o mainom na tubig. Ganyan ba kawalang-hiya ang mga nasa katungkulan sa unibersidad na ito.  Umiiiyak ako ngayon.  Magdadasal na lang muna ako para hindi ako mawalan ng pag-asa. Lord, sana bigyan mo pa ako ng pag-asa na mabuhay. Sana protektahan mo ako at ang pamilya ko sa kamatayan. Nawawalan na ako ng pag-asa lord. Hindi ko na kaya pa ang mga nangyayari. Sana gabayan mo po ako. Pagkatapos ay may narinig ako sa di kalayuan na nagwawalang lalaki. Narinig ko rin ang boses ng mga naglalakad.  Wala akong makita dahil nakapiring ako pero gayunpaman nandiyan pa rin ang sense ko na makarinig.  "Bitawan niyo ako saan niyo ako dadalhin", sigaw ng nagwawalang lalaki.  "Manahimik ka!, Turukan niyo ng pampakalma", saad ng matandang babae.  Biglang kumalma ang tinig ng nagwawalang lalaki.  Rinig na rinig ko ang lubid habang tinatalian itong lalaki katulad ng ginawa sa akin. Pagkatapos ay umalis na rin ang mga naghatid sa nagwawalang lalaki.    "A-ahh anong p-pangalan mo", nanghihinang saad ko.  "Ako si Rex", sabi ng lalaki.  "Ahhm R-Rex bakit ka pala n-napunta dito sa u-unibersidad na ito".  "Palagi na lang kasing g**o dala ko sa bawat school na papasukan ko", naluluhang saad ko. "B-Bakit ka umiiyak?, a-alam mo ako nga n-nawawalan ng pag-asa n-na makalabas pa d-dito".  Hindi ko siya makita gusto ko siyang yakapin ngunit hindi ko magawa kaya papakinggan ko na lang lahat ng sasabihin niya sa kaniyang bibig. "Palagi kasi akong sumasali sa mga Fraternity, sabi nila malakas ka daw at patunay na isa kang lalaki kapag malakas ka", panimula niya.  "Nakapasok naman ako sa fraternity na iyon at nakalagpas ako sa hazing". "Simula nun, tinuruan nila ako kung paano gumamit ng kutsilyo at umasinta ng b***l. Palagi nila akong pinupuri at sinasabi nila sa akin na ako ang pinakamagaling na gumamit ng kutsilyo at ng b***l. Kinainggitan din ako ng ilan at napabayaan ko na ang pag-aaral ko." "Akala ko yung sa fraternity ang dapat kong paniwalaan kaysa sa magulang ko. Palagi kong sinunod yung mga utos nila. Yung una nga nilang utos ay yung magbenta ng shabu sa may gate ng school." "Hanggang sa inutusan nila ako ng magsimula ng g**o sa school. Nagpaputok ako ng b***l at mga lima ang natamaan. Yun pala ay pinagkaisahan nila ako para masira ang reputasyon ko." "May kasong ipinataw sa akin kaya bago pa ako makulong ay naglayas ako sa bahay. Hanggang sa pinatuloy ako ni Aling Rosa sa bahay nila na para akong anak." "Sinabi ko naman kila mama na nandoon ako sa bahay nila at magpakalayo-layo. Gusto ko rin ibahin ang pangalan at identity  ko para hindi na ako masundan ng mga pulis". "Tapos nagtransfer na ako dito sa unibersidad na ito. Hindi ko matanggap yung task na binigay sa akin kaya ako napunta dito sa dark room na ito." "A-Ano ba yung task mo", tanong ko.  "Sunugin daw yung bangkay nung babae na ang pangalan ay Cindy".  "S-Si Cindy? K-Kaibigan ko siya. M-Mga walang puso t-talaga ang mga nasa k-katungkulan ng university na ito", nagagalit na sambit ko. "Huwag muna nating isipin lahat ng masasakit na nangyari sa atin. I'll promise na makakatakas tayo dito. Sa ngayon, matulog muna tayo".  Pinikit ko na ang aking mata at tuluyan na akong natulog. Second Person's P.O.V  Napuputikan na ang mga sapatos ko sa pagtahak sa university na iyon. Nandito ako ngayon sa gitna ng kagubatan papunta sa Acelina habang bilog na bilog ang buwan.  Dito ako pumunta para hindi ako mahalata ng mga guards ng Acelina. Dito rin ako tumakas. Kamusta na kaya ang mga napagexperimentuhan na mga estudyante noon. Nandito pa rin ba sila o lumipat na sa ibang university. Sa tingin ko mga fourth-year na sila kaya malapit na din sila magtapos.  May narinig akong naglalakad sa may likod ko kaya sinuot ko ang maskara na blue para maging tanda na kabilang ako sa mga tagabantay dito na tinatawag na Conquerors. Naglakad ako palapit sa babae at saktong tinawag niya ako. Nagkita din kami..... Dion's P.O.V  Nagising ako sa ingay ng roommates ko. Tinanong ko sila kung anong nangyari. Sabi nila sa akin ay nawalan ng internet connection sa university na ito. Sabi din nila na sinarado na ang gate.  Anong nangyayari? Bakit nila ginagawa ito? Papunta ako ngayon sa likod ng building ng school para makipagkita kay Camille at para malaman din kung ano na ba ang nangyayari sa unibersidad na ito. Nakita ko naman siya na nakasandal sa isang matandang puno na namamatay na at nalalanta na ang mga dahon nito. Pinagmamasdan ko siya. Kamukha niya ang girlfriend ko na namatay na 5 years ago.  Mukhang nakita na niya ako mula sa kalayuan kaya pumunta na ako malapit sa kaniya. "A-Ano ba ang nangyayari bakit pinasara itong school?", tanong ko.  "Kasi nandiyan na siya".  "Sinong tinutukoy mong narito na?".  "Basta, malalaman mo rin, wag mo itong sasabihin sa iba ha, tayong dalawa lang nakakaalam nito".  Naguguluhan ako. Pinasara itong school dahil may dumating. Bakit napakaimportante niya? Siya na ba ang may hawak ng sikreto ng school na ito. Pumunta ako sa library para basahin din itong nirecommend sa akin na book ni Cindy.  "Hell University", pagkakabasa ko dito Mukhang maganda. Isa ito sa favorite niyang basahin tuwing nabobored siya. Binigay niya sa akin ito pagkatapos niyang basahin ng buo noong 1st-year ko pa lang. Ito na lang ang gamit ni Cindy na meron ako pagkatapos ipamigay ang mga natitira niyang damit sa ibang estudyante na kakaunti lang ang merong damit.  "Isang tagong paaralan na hindi saklaw ng gobyerno. Kung saan legal ang pagpatay. Maraming sikreto ang nakakubli. Palaging may mali sa bawat kuwento.", panimula ko. "Once you enter there is no turning back", pagbasa ko sa utak ko.  *Fast Forward* Natapos kong basahin ang chapter 1-5 nito. Nagandahan ako sa kuwento kaya hindi ko namalayan ang oras.  Malapit na magklase!!  Nakabihis na rin naman ako at no need na bumalik sa dorm kaso hindi pa ako kumakain. Magpapaliban na lang ako sa pagkain. Pagkapasok ko sa classroom ko ay nakita ko na kakaunti na lang ang mga classmates ko. Totoo nga na half of the population of the students will die. Marami sa mga classmates ko ay namumutla at yung iba may mga natamong wounds at cuts.  Dumating na ang professor namin at kaagad ay nagturo siya. Himalang walang nagsalita sa speaker hanggang sa natapos ang klase namin. Pagkatapos ng klase ay pumunta ako sa locker ko.  Pagkakita ko sa mga estudyante na nasa paligid ko ay biglang nagopen ang mga hawak nilang cellphone.  Pagkakita ko sa cellphone ko ay bigla din itong nag open at nag pop up yung app na ininstall ng professor ko.  Wala ng signal pero naoopen pa rin itong app na to. "Protect your soulmate", nakalagay sa app.  "Hurry up! If you don't do your task you will get your punishment, you have 1 day to do your task", pagkakabasa ko dito.  Sinong soulmate? Agad na pinuntahan ko si Camille sa meeting place namin pero wala siya doon. Kaya pumunta ako sa may water tank ng school na ito kaso hidden siya.  Ginalugad ko ang school na ito hanggang sa makakita ako ng kuweba malapit sa ilog na maraming body bag at sa tingin ko mga patay na estudyante ang mga nakatambak dito. Pumasok ako sa kuweba na napakadilim. Maraming nest ng paniki ang bumabalot sa kuwebang ito at may iba namang may sulat na galing sa mga g**g dati. Binuksan ko ang flashlight ng cellphone ko at nagpatuloy ako sa dadaanan ko dito. May maliit na parte ng tubig na umaagos sa kuwebang ito palabas. Hanggang sa makalabas ako ng kuweba. Pagkalabas ko dito ay makikita ang naglalakihang mga puno at mga dahon nito na tumatakip sa araw. Marami akong nakitang mga nagbabantay sa may di kalayuan. Pagkahakbang ko dito ay may nagtawag sa akin. "Shh! Wag kang maingay", tinig ng babae na nasa likuran ko.  Pagkaharap ko ay nakita ko si Camille.  "Anong ginagawa mo dito? O baka kasama ka isa ka sa nagtatago ng sikreto ng paaralan na ito".  "Hindi, inaalam ko din ang sikreto nito at nalaman ko na palabas itong gubat na ito sa school natin ngunit malawak nga lamang ang gubat na ito", saad niya. "Wear this mask para hindi ka nila mahalata", dagdag pa niya. Sinuot ko naman yung mask.  May nag pop up naman sa cellphone ka na "Your task is not completed yet".  Sino? Sino ang tinutukoy niyang soulmate ko? Nagpaalam na ako kay Camille at sinabi ko sa kaniya na mag-ingat. Hinubad ko na itong mask na ito at itinago kasi magagamit pa ito kapag pumunta ulit sa lugar na iyon.  Maraming magsisilbing ebidensiya laban sa university na ito kapag napagtagumpayan ni Camille na makalabas sa kagubatan na iyon. Iniisip ko pa din kung sino yung soulmate ko na sinasabi sa task na ito.  Baka si Celeste.  Bigla akong may nabanggang maliit na babae at nahulog yung mga books at notebooks niya na dala-dala. "Diba ikaw yung nagtali sa akin sa upuan sa likod ng school at naglagay ng dugo?", pagtatanong niya.  "Ahh o-oo yeah it's me", nahihiyang sambit ko.  "Ano nga yung pangalan mo ulit?", saad nung maliit na babae.  "Dion, you?". "Aleeza Conrejo".  May nag pop up naman sa screen ng cellphone ko na "your task is not completed yet". Ano? Eh sino yung soulmate na tinutukoy nito? Umalis na siya sa kinaroroonan namin. Umalis na din ako at naglakad lakad. Sa tingin ko ay aabot pa ako hanggang bukas.  Pumunta na ako sa dorm ko at nakita sila Mark at Tessa na nag-uusap.  Baka si Tessa na ang soulmate sa task ko? Nilapitan ko si Tessa kung okay lang siya. "May mga tao ba na balak kang patayin?", tanong ko.  "Kanina nga pala, may mga nakamaskarang lalaki na, color blue yung maskara nila. Muntik na nga akong mapatay kung hindi ako niligtas ni Mike". Bakit nila ito ginagawa kay Tessa? Bakit nila sinasabing si Tessa yung soulmate ko?  "Your task is not completed yet", nakalagay sa screen ng cellphone ko.  Hindi si Tessa.  Hindi si Aleeza.  Hindi si Camille.  Sino yung tinutukoy nila? "Bakit mo natanong?"  Naputol ang katahimikan ng tanungin ako ni Tessa.  "Ahh w-wala, task lang".  Pagkatapos nun ay pumunta na ako sa kama ko. Humiga na ako habang nakatingin sa kisame ng kuwarto ko. Second Person's P.O.V  Sinalubong ako ng buwan habang nandito pa din ako sa kagubatan ng makakita ako ng parang isang bahay na yari sa kahoy.  Dinikit ko ang tenga ko sa dingding ng bahay. Wala akong narinig na ingay. Walang tao sa bahay na iyon. "Siguro bakante lang".  Patuloy akong naglakad para mahanap yung kuweba na iyon. Buti hindi niya ako nahalata kagabi.  Naalala ko na naman siya..... Nahanap ko na ang kuweba na papasok sa school na ito. Pumasok na ako dito at tinahak ang madilim at puno ng nest ng mga paniki ang daan na ito.  Tandang tanda ko pa ang mga vandal ng mga g**g noon. Dito din ako nabully. Nabuo ang galit sa puso ko sa ikalawang pagkakataon. *Flashback* March 19,2015 "Diba sabi ko sundin mo ang utos ko ha!", sabi ni Andree na leader sa sikat na g**g.  Pinagsasapak niya ako hanggang sa manghina ako at hindi na ako makatayo. Pinalo niya naman ako ng baseball bat.  "Tama na", pagmamakaawa ko habang umiiyak sa madilim na kuweba na ito.  "Any last words?".  Patuloy pa din ako sa pag-iyak habang iniinda ang sakit na nararamdaman ko.  "Babe, huwag muna natin siyang patayin, pahirapan muna natin", pang aasar ni Sara.  Pumayag naman si Andree sa kaniya. Narinig kong may paparating kaya nagpatay-p*****n ako. Narinig ko ang tinig ng headmistress namin na si Ma'am Echavaria o mas kilala bilang si Teacher 41.  Bukod sa pagiging headmistress ay isa rin siyang professor. Palagi kasi siyang napupunta at nagiging adviser ng room 41 kaya siya natawag na Teacher 41. "Ang kabayaran na gagawin mo sa pagpatay ng estudyante ay bitay".  Dumilat ako ng bahagya para makita ko kung ano ang nagaganap. Nakita ko na pinagpapalo si Andree sa ulo pati na din yung girlfriend niya. Hanggang sa matumba sila parehas. Sinaksak ng hindi mabilang na beses silang dalawa. Iniwan kaming tatlo ni Headmistress. Hindi niya alam na buhay pa ako kaya hindi niya ako natulungan. *End of Flashback* Hinahawakan ko ang pader ng kuweba na ito. Hinihingal ako sa paglalakad. Kitang kita din na malinis na ang maliit na parte ng tubig dito na dating kanal. Naalala ko pa ang lahat. Ang nasimulan. Raven's P.O.V. Nagising ako na nasa water tank ako. Nakahalo sa tubig ang dugo ko. Pilit kong lumangoy para makatakas dito. Nakalabas na ako at bigla akong napadapa sa tinatayuan kong lupa. Bakit nila ako pinapatay? Dahil ba sa nalaman ko na kung anong nangyari kay Camille. Pero kaunti pa lang na impormasyon yung narinig ko.  May nakita akong kuweba mula sa di kalayuan. Nakita ko din na may lumabas na lalaki mula doon. Nakalayo na yung lalaki. I think palabas iyon ng school namin.  Pilay akong pumasok sa kuwebang ito.  Tinahak ko ang daan papunta rito.  Nang makalabas ako ay nakita ko ang isang kagubatan. Sinalubong ako ng mga malalaking puno na may malalabay na dahon.  Marami din akong nakita na nakabantay sa may di kalayuan. Humanap muna ako ng tiyempo para magpatuloy sa daan.  Nang makalayo na ang mga nagbabantay ay patuloy na tinahak ko ang daan.  Hanggang sa makakita ako ng bahay.  Bumuhos ang malakas na ulan na sinamahan ng nagngangalit na kulog at nagliliwanag na kidlat. Sumilong muna ako sa may bahay.  Dinikit ko ang mga tenga ko sa dingding ng bahay na ito. Yari sa kahoy ang bahay. Wala naman akong narinig na tao at saktong hindi naka lock ang bahay.  Nagulat ako sa nakita ko….
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD