Prologue

442 Words
Almeda POV Habang naglalakad ako pauwi pagkatapos akong e treat ng dinner ng bestfriend kong si Georgie na bakla dahil kasasahod lang niya bilang Public School Teacher. May anim na matitipunong lalaki na humarang sa aking dinadaanan. "Magandang gabi sayo Miss, gusto kang makausap ni Boss ngayon." Sabi nong isang lalaki. "Sino kayo, saan niyo ako dadalhin? Hindi ko kayo kilala! Wala akong alam na atraso sa inyo!" Pero hindi ako pinansin. Kinaladkad na lamang ako at isinakay sa isang magarang sasakyan at pinagitnahan ako ng dalawang lalaki habang yung apat sumakay sa isang sasakyan at sumunod sa amin. Talumpong minuto akong sigaw ng sigaw at nagmamakaawa na ibalik nila ako sa amin, ngunit wala silang paki alam. Si Boss lang daw ang makapagsasabi kung pwede akong ibalik. Hanggang sa nakarating kami sa mala palasyong bahay at ang daming nakaparadang magagarang sasakyan dito sa labas. Pagkababa namin ng sasakyan, lumabas ang isang mas matipunong lalaki at tumayo sa napakalaking door, nakakabighani ang pagmumukha pero bakit parang galit, napaka pormal ang pagmumukha, masamang nakatingin sa akin. At sa pansin ko, ito ang Boss nila. Niccolo POV Hindi alam ni Almeda na mahigit dalawang linggo na may stalker siya, ngayong hapon habang sinusundan ko siya pagkagaling niya sa trabaho, Nabigla ako ng may kinatagpo siyang isang napaka pormal na lalaki, Hindi ko napaghandaan ang ganitong bagay sobra akong nanibugho, sobrang selos ang naramdaman ko kaya tinawagan ko ang mga tauhan ko para kunin na si Almeda para hindi maagaw ng iba. At ngayon hindi ako makapaniwala na andito na nga siya sa harap ko, nakatayo at nagmamakaawa na ibalik na siya sa kanila. Kailangan daw siya ng mga kapatid niya. Pero hindi ako papayag na magkalayo pa kami. " Lock her in my room." Almeda POV "What ?! No please sir! Akala ko ba gusto niyo lang akong makausap. No please! Ibalik niyo na po ako sa amin" Maawa ka kailangan ako ng mga kapatid ko, nag aaral pa sila. Kailangan nila ang pag asikaso sa kanila" Pero kinaladkad pa rin ako patungo sa room ng Boss. Napakalawak ng kuwarto parang dalawang beses ng lawak ng bahay namin. Sobrang laki ng kama, may isang couch na malaki sa gilid at doon ako umupo. "Almeda mag isip ka kung paano ka makakatakas dito. kausap ko sa sarili ko... Paano ako makakatakas nito dalawang bantay sa door, Sa labas ng balcony ng kuwarto may tatlong nakabantay. Mahigit isang oras na akong nag-iisip ng biglang may nagbukas ng pinto. Napasinghap ako ng makita ko ang Boss na napaka gwapo na masama ang tingin pa rin sa akin at palapit ng palapit sa kinauupoan ko. Sobra akong kinakabahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD