Niccolo POV
Habang hinhintay ko si Almeda sa sasakyan ko kanina sa tapat ng bahay nila. Tumawag ang kaibigan kong si Dr. Marvin para sabihing naka organize na at naka prepare na ang stag party nila para sa akin. Andito daw si Ryden sa Pilipinas dadalo rin daw si Mikael.
" Hep! No backing out bro, this is especially for you, this is your party, See you tonight bro!" Di ko matanggihan ang mga friends ko dahil paminsan minsan lang nangyayari ang pagbobonding namin.
"Okay bro I'll be there!"
Sa isang rest house ni Mikael sa Batangas ang venue ng party, kasama ko ang isa kong tauhan sa isang sasakyan siya ang nagdrive para sa akin at isang sasakyan ng apat ko pang tauhan.
Pagdating ko sa Resthouse ni Mikael, maraming mga naka two piece swimsuit na babae at naka swimming trunks lang na mga lalaki, andoon ang mga friends ko, pinapanhik ako sa loob kaming mga lalaki lang ang nandoon mga matatalik kong kaibigan and some are my business partners.
"Guys! guys listen up! everyone let's make a toast for our groom to be friend! sabi ni Mikael.
"Cheers to happy marriage!"
" Cheers" sabi ng lahat
They offer mi sauvignon wine one of expensive wines in the world.
medyo natatamaan na kmi ng...
"Here comes our very special surprise for you Niccolo!" sabi ni Marvin.
Biglang nagdim ang lights at lumakas ang tugtog ng isang kanta ni Lady Gaga at pinalabas ang isang naka mask na babae at nagsi hiyawan kami at lakas ng mga sipol at nagpalakpakan. Umiling iling na lang ako. Pilyo tong mga kaibigan ko talaga.
Sumayaw sayaw at gumiling giling sa harap namin ang babae. Nagpole dancing din ito. Habang nakaupo kami sa dalawang malalaking couch na pinapanood ang babae. Tuloy tuloy ang pag inom namin sa mamahaling wine.
Hanggang sa maghating gabi na at nakaidlip na ako sa couch.
Almeda POV
Sinabi niyang huwag ko na siyang hintayin, pero kahit anong gawin ko di ako maka idlip. Iniisip ko pa rin kung nasaan si Niccolo ngayon. Mangiyak ngiyak na ako sa ka seselos at pagkakaba kung ano na ang nangyari sa kanya. Oo alam ko may nabuo na akong pagtingin sa kanya. Hindi ko na mapigilan ang sarili kung iwasan siya.
Hawak hawak ko ang binigay niyang cellphone, mag a-ala una na ng umaga wala pa siya. Kaya di ko napigilang tumawag sa kanya.
Matagal nagriring ang cellphone niya hindi niya sinanasagot, mas lalo akong nag ngitngit sa asar.
Tatlong beses kong tinawagan ang cp niya hanggang may sumagot.
Nagulat ako ng boses babae ang sumagot at napakalambing " Yes? whose this? "
Hello, andyan ba si Niccolo? tanong ko..
"Yes and i'm with him"
Parang sinaksak ang puso ko.Ini off ko agad ang cp at biglang namalisbis ang luha ko. Humagulgol ako sa kuwarto, ba't ang sakit sakit ng nalaman kong may iba siyang kasamang babae. Di na ako nagdalawang isip. Kumuha lang ako ng konting gamit ko nilagay ko sa isang bag. At dahan dahan akong lumabas sa kuwarto. Naka idlip ang isang guard sa labas ng kuwarto. Sa labas naman ng door may dalawang guard tamang tama naman na umiihi ung isa at nakaidlip yung isa. Sa gate naman nakayuko ang dalawang guard nanood sa cellphone nila.
Dahan dahan akong naglakad takbo at wag gumawa ng ingay. Hanggang sa nakalabas ng gate. Naglakad takbo ako hanggang nakalayo ako at sa may intersection tamang tama, may isang bumaba sa taxi ng pabalik na yung taxi pinara ko naman. Nakahinga na ako ng maluwag ng nakatakas na ako.
Bahala na diyan, pupuntahan ko na lang si Georgie sa boarding niya magpapatulong ako sa kanya para makalayo dito sa lugar na ito habang di ma ampat ang luha ko. Iniwan ko yung cellphone na ibinigay ni Niccolo sa akin.
Nakarating ako sa tirahan ni Georgie, at nagulat siya.
"My God Almeda! Ano ka ba naman! Ngayon ka nga lang magpaparamdam! Anong nangyari sayo at ganitong oras ka nambabahala!?
" Georgie please! tulungan mo ako! May tinatakasan ako ngayon! I really need your help, ilayo mo ako dito sa lugar na ito, kahit saang sulok ng Pilipinas, please lang Georgie!"
At kinuwento ko sa kanya ang lahat lahat para maintindihan niya.
"Hmmmnnn... "
habang ngingiti ngiti sa akin... "Naisuko mo na pala ang bandila mo ha at sa mayaman at napaka gwapong lalaki pa ha. Sige tutulungan kita sa ngayon punta tayo sa Tita ko sa Palawan, pero pag nahanap ka na ni Niccolo mo wala na akong magagawa... ha beshie?"
Tumango na lang ako kay Georgie, ang importante ngayon oras makalayo ako kay Niccolo.
Mabilis ang pag impake ni Georgie, mag aalas kwatro na ng umaga, hahabulin namin ang flight ng Palawan ng 7am. Alas sais ng umaga ng nakarating kami sa airport at bumili agad ng ticket si Georgie.
Niccolo POV
Alas 2 ng umaga ng magising ako, Ooh s**t! sapo ko ang ulo ko, medyo dizzy pa rin ako dahil sa dami ng wine na nainum namin. Nasa tabi ko ang mga kaibigan ko na nakaidlip pa rin. Nasa isang sulok na upuan din si Ryden na naka idlip. Nakita ko ang babaeng naka mask sa harap pa rin namin na umiinon ng wine. Habang pinapanood kami.
Nakita ko ang cellphone ko na nakalapag nakita ko ang oras at mag 2:30 am na.
" May tumawag pala sa nakalapag na cellphone na yan kaninang ala una pa, sinagot ko kasi ayaw tumigil sa tawag"
"Who called me?" nakita ko ang naka rehistro na "Baby"
" What the f**k!" mabilis akong tumayo at inutusan ko ang driver ko at pinaharurot ang sasakyan pabalik sa mansion.
Dinial ko ng ilang beses ang number ni Almeda pero walang sumasagot! Bigla akong kinabahan... Pero sinasabi ko lang sa isip ko na natutulog lang yun. Pero kabado pa rin ako.
" Don't you ever dare to do nonsense Almeda! Hindi mo gugustuhin ang gagawin ko pag iniwan mo ako! s**t! s**t! I will find you! usap ko sa sarili ko.
Nakarating ako ng mansion 5am na, diritso ako sa kwarto namin. At para akong binuhusan ng malamig na tubig ng hindi ko nadatnan si Almeda sa kwarto! Naiwan sa kama ang binigay kung cellphone.
" Aaaah!!! Almeda!!!"
Kinuha ko ang baril ko at lumabas pinaputukan ko sa mga ulo ang mga tauhan kong nakabantay sa lahat ng door at gate. Wala akong pinatawad. Ganun ako magalit.
" Mga wala kayong kuwenta!, clear everything and assign guards!" pagalit kung sabi sa isang right hand ko.
Nanginginig ako sa galit,
" you can not scape from me Almeda!"
Kinuha ko ang GPS Detector na nakakabit sa kwentas ni Almeda.
Nalaman kung nasa airpot siya ngayon. " Where are you going Almeda? Kahit saang sulok ka pa ng mundo magtatago! I will chase after you! You will regret this!"
" Bantayan ang mga magulang at kapatid ni Almeda, Dont take your eyes off them until I get back!" utos ko sa mga tauhan ko. "Prepare the private plane will go after her!"
At may sumunod sa akin na sampong tauhan ko para sundan si Almeda.
Almeda POV
Nasa himpapawid na kami papuntang Palawan, nakahinga ako ng maluwag. Salamat Dyosko at nakalayo na ako sa lugar ni Niccolo.
Payapa na akong naka idlip. Isang oras din ang flight namin. Ginising ako ni Georgie at sumakay ng taxi papuntang bahay ng tita niya...
Sariwang hangin at matataas na niyog ang sumalubong sa amin sa kanila Tita ni Georgie. Na magmamay ari ng isang beach front.
Nag kumustahan ang dalawa at pinaalam ako na didito muna ako ng ilang araw para magbakasyon. Ipinakilala kami sa isat isa, Tita Anna ang pangalan niya at sobrang bait ng pakitungo niya sa akin. Asikasong asikaso niya kami.
"Mga anak salamat at bumisita kayo dito sa amin, Feel at home, mag -enjoy kayo sa inyong bakasyon. Magpapakuha muna ako ng niyog at hinog na mangga para matikman niyo naman ang prutas dito sa Palawan, hala pahinga muna kayong dalawa sa mga kwarto niyo"
At binigyan kami ng tig iisang cottage. Para may privacy kami.
Simple lang at malawak ang cottage may isang bedroom, double size bed at own cr and shower room sa loob, may wall fan din at may maliit na balkonahe.
Sarap ng simoy ng hangin tapos ang linaw-linaw ng baybayin. Sarap magtampisaw. Nawala sa isip ko na may tinatakasan ako...
Nasa tabi ko kasi si Georgie na bestfriend ko. Alam kung hindi niya ako pababayaan.
" Almeda tara swimming tayo, nakakaakit ang tanawin"
" Mamaya na Georgie, pahinga muna tayo ng dalawang oras, mainit pa naman eh"
Kaya pumasok kami sa kanya kanyang silid namin.
inayos ko ang mga gamit ko sa loob at humiga ako.
Nakapagpahinga na ako ng trenta minutos ng mangkulit ulit si Georgie.
" Baks! tara na! ang sarap sarap kaya ng tubig, sulitin na natin ang paglalangoy habang hindi masyadong mainit, mamaya titirik na ang araw.
"Sandali at magpapalit lang ako ng pangswimming. Wala pa mandin akong dalang two piece!", biro ko kay Georgie
Nagpalit lang ako ng black mini shorts at sports sando, may panlaban naman ako sa kinis ng balat ko kahit morena ako at balingkinitan ako kahit medyo maliit ako...
Woow! ganda mo naman frieny! Kaya nahumaling ang napaka gwapo na Niccolo sayo! ang seksi seksi naman kasi ng beshie ko! Go na tayits!