Chapter 7

1378 Words
Sunod-sunod at mabibigat na hininga ang pinakawalan ko sa pag-asang makakatulong iyon para kumalma ako at hindi na mapalaki pa ang sinimulang gulo ni ate ngunit nang marinig ang malakas na pagkakasara niya sa pintuan ng kwarto pagkalabas niya ay tila sumabay na rin ang pagkakaputol ng pasensya ko sa kaniya. Mabilis at walang alinlangan akong tumayo dahilan ng bahagyang pagkakahilo na agad korin namang inignora. Masyado nag-uumapaw ang inis ko para isipin pa ang pagkahilo. Sa kusina ay dinatnan ko siyang nangangalkal ng kung ano, siguro ay naghahanap ng makakain. Pasensiya siya't wala akong iniuwing pagkain kaya puro tubig lang ang laman ng luma naming ref. "Kung umasta kayo parang kayo lang 'yung pagod..." bulong pa niyang siyang lalong nagpainis sa akin. Tangina, worth it pa ba itong sagutin? Ilang segundo rin akong nakatayo sa may bandang likod niya, pinakikinggan ang bawat bulong at reklamo niyang wala naman sa tama bago nagpasyang maglakad na lang at bumalik sa club. Mas kakayanin ko naman sigurong harapin si Gio kaysa rito sa kapatid kong kung umasta eh parang hindi siya dumadagdag sa mga pabigat sa buhay namin. Ang kaso, palabas pa lang ako ng gate ay siya namang pagpasok ni Mama na may bitbit na isang plastik. Imbes na tumuloy sa pag-alis ay agad na lang akong lumapit sa kaniya para magmano at kuhanin ang dala niyang isang buong inihaw na manok pala. "Saan galing?" Tanong ko habang isinasalin iyon sa plato. "Hindi ako nagsaing, nakalimutan ko," dagdag ko pa. "Naglinis ka na, hindi ka pa nagsaing?" Anang ate na agad kumuha ng kaniyang plato at walang alinlangang kumuha sa manok. Gustuhin ko man siyang sagutin ay minabuti kong huwag na lang dahil bukod sa pagod ako, nakaharap pa si mama. Ayokong makadagdag sa sandamakmak niyang stress. Kayang-kaya ko namang magpanggap na tila walang nangyaring sagutan kanina, bilang respeto sa pagkain at kay Mama. Tahimik kaming tatlo sa hapag at tanging ang lumang tv lang ang nagbibigay ingay sa paligid. Mas gusto ko na ito kaysa sa magbangayan kami. Tatlo na nga lang kami rito sa bahay, palagi pang nag-aaway. Napaka-toxic. Pagkatapos kumain ay si Mama na ang nag presintang maghugas. Hindi ko na inasahan na mag pepresinta si ate lalo na nang makitang hawak niya kaagad ang kaniyang tuwalya at walang alinlangang pumasok sa banyo, taas noong nilagpasan si Mama na siyang abala sa paghuhugas ng mga pinagkainan namin. "Nag-apply ako sa mall, Kate." Hawak ang doorknob ng pintuan patungong kwarto nang mapahinto at lingon ako kay Mama. "'Yung sa mga De Amari? Isinama ako ni mareng Lea kanina, kasama rin ang anak niyang si Pia." "Anong trabaho? Wala ka na sa karinderya?" Sa isang karinderya malapit sa paaralang pang elementarya dito sa baranggay namin nag tatrabaho si Mama. Ilang taon na rin siya roon kaya naman kagulat-gulat ang malamang nag apply siya sa malaking mall ng mga De Amari. Pinanood ko ang marahang pagpupunas niya ng kamay gamit ang lumang apron na nakasabit sa may pintuan ng ref namin. "Nagbabalak pa lang umalis. Kung matanggap ako sa mall, aalis ako, syempre. Ilang taon na rin naman akong nagsilbi sa karinderyang iyon kaya tingin ko naman ay panahon na para humanap ng ibang trabaho." "Anong trabaho ba ang in-apply-an ninyo?" May isang papel siyang inabot sa akin. Isa iyong brochure galing marahil sa mall. Itinuro niya ang isang cellphone number na isinulat gamit ang ballpen na tila paubos na ang tinta, "numero galing sa mall. Nag apply kami bilang tagalinis. Numero mo ang ibinigay ko at ito ang kanilang numero, tandaan mo dahil baka mag text o tumawag sayo, hindi mo mapansin." Tumango ako at saka itinabi ang papel sa bag ko. Mabilis ang kilos nang magpasya akong mag ayos at bumalik sa hot bev's dahil siguraod akong hindi ko kakayaning manatili rio hanggang mamayang gabi lalo na kung hindi aalis si Ate. Sa paraan ng pag-upo niya sa harapan ng tv ay halatang wala siyang lakad para sa araw na ito kaya naman bitbit ang maliit na backpack ay nagpaalam ako kay Mama na babalik sa trabaho. Bukas na lang ako uuwi o kung makalimutan ko na ang inis ko sa kapatid. Habang naglalakad palabas sa kanto at tinitiis ang matinding sikat ng araw ay hindi ko maiwasang hindi alalahanin ang pinipilit na offer ni Gio sa akin. One night stand? Isang gabing pagbibigyan ang libido. Sa paraan ng kaniyang pagkakasabi ay tila sanay na sanay na siya sa mga ganitong...transaksyon? Hindi ko alam kung ano ang itatawag sa ginagawa niya. Siguro nga ay maaari ko na itong tawaging transaksyon dahil kung umasta si Gio ay tila isang business deal ang kaniyang ipinaglalaban. Kung papayag ba ako, ano ang kapalit? Pera? Kung pera, magkano? Wala sa sarili kong itinulak ang salaming pintuan ng hot bev's. Halos sabay-sabay kung lumingon ang mga kasamahan kong nandon na pinangungunahan ni Jeff. Tunay ngang hi di umuwi ang bruha. "Oh, bumalik ka?" Iginala ko ang tingin sa paligid. Malinis na at tahimik. Parang isang coffee shop sa loob ng library sa sobrang tahimik. Hindi mo aakalaing nababalot ito ng alak at gulo tuwing gabi. "Nandito pa si Sir Gio, nasa taas kasama ni Sir." Ikinibit ko lamang ang balikat saka marahang naglakad papunta sa quarters namin. Inaatok pa ako at sobrang sakit ng likod ko kaya naman halos hindi ko na maisara ang pintuan ng aking locker pagkatapos ipasok ang bag ko roon. Nang tuluyan na ngang mai-lock ay walang alinlangan kong inihiga ang sarili sa isang makitid ngunit mahabang bench doon. "Nag away na naman kayo ng ate mo, ano?" Tanging ungol lang ang naisagot ko nang marinig ang boses ni Jeff. Naramdaman ko sa bandang paanan ko ang marahan niyang pag-upo. "Nalaman ni Sir Gio na nandito ka, hinahanap ka at gusto ka raw makausap. Ano ba kasi 'yung offer na sinasabi niya't hindi siya mapakali?" Hindi ako sumagot. Bakit ba hindi na lang nila ignorahin ang bwisit na lalaking iyon? Isa pa, ano pa ba ang hindi niya ma-gets kagabi? Hindi pa ba malinaw sa kaniya na ayaw ko sa offer niya? "Alam mo bang hindi pa iyan umaalis dito mula kagabi? Malamang ay inaantok na rin iyon lalo na't nakainom," kuwento pa ni Jeff na tila ba inaasahan niyang kakaawaan ko ang lalaking iyon. Ilang minutong nanatiling tahimik ang paligid. Buong akala ko nga ay umalis na si Jeff ngunit nang maramdaman ko ang kaniyang magaspang na paa na siyang humahaplos sa naka expose kong paa ay napagtanto kong sadyang nanahimik lang talaga ang bruha. Laking pasasalamat ko na sana kung pinili niyang mas pahabain pa ang katahimikan at hayaan akong matulog kaso, hindi. Hindi yata talaga niya mapigilan ang bunganga niya sa kadadaldal. "Hulaan ko," Pagbasag niya sa pinakaaasam-asam kong katahimikan. "Isang gabing kaligayahan, 'no?" Kahit hindi ako umimik ay namutawing bigla ang malakas niyang tawa sa piligid na may kasama pang paghampas sa aking binti. "I knew it! Baka sa ilang gabi mong pag se-serve sa kaniya ay hindi na niya nakaya, naakit na sa magaganda mong mga hita." Aniya nang walang ano-ano'y naramdaman ko ang bahagya niyang paghaplos sa mga hita ko. Tangina. Mabilis akong umupo kasabay ng pagmulat ng aking mga mata pero imbes na kay Jeff ang tingin ay dumiretso ito sa lalaking nakasandal sa may hamba ng pinutan at masama ang tinging nakatitig sa amin. Mabilis akong napatayo at napahatak pababa sa shorts kong bahagyang tumaas dahil sa pagkakahiga. Napabaling si Jeff kay Gio na ngayon ay nakataas ang kilay sa amin, tila nanghihingi ng paliwanag sa nakita niya. "Gago..." Bulong ni Jeff sabay tago sa bandang likuran ko. Magsasalita na sana ako para magtanong kung ano ang ginagawa ng beast dito sa quarters namin ngunit agad din itong naudlot nang dumating ang aming boss. "What's happening?" Bakas sa boses niya ang kainosentihan. Ang kaniyang tingin ang unti-unting nabaling sa amin na sjyang lalong nagpakaba sa kaibigan kong halos hatakin na ang t-shirt ko sa aking likuran. "Kate? Jeff? Hindi kayo nag off?" "No, po. Like the usual," sagot ko bago muling ibinaling ang tingin kay Gio na tila lalong nagtaka sa sinabi ko. Isang malalim na hininga ang pinakawalan niya bago unti-unting nilingon ang aming boss na kaniya namang kaibigan, base sa source ni Jeff. "Usual? Are you two lovers?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD