Magkakasama silang namalengke maging si Greg at ang kapatid nito ay nahila nila na sumama sa kanila. "Ay may crabs doon tara!" Si Jullianne. Pagkarinig ng mga masisiba ay mabilis pa sa alas kwatro na nakarating ang mga ito sa nagbebenta ng alimango. Sariwang sariwa pa ang mga alimango buhay pa nga e. "Saan ba makakabili ng gata dito?" Tila nahihilo na tanong ni Tamara sa kanila ni Judith. "Si Kuya Greg na ang bahala dun." Biro ni Judith. "Baka nasa probinsiya tayo Amiga." Pang aasar ni Trina. "Ay oo nga pala! Marami palang niyog sa likod ng bahay nyo no." Nakangiwing sabi nito. Kaya naman napagpasyahan na nilang umuwi at iluto ang mga nabili nila. Dahil sariwa ay tuwang tuwa si Juliane ito kasi ang taga luto talaga. "Grabe naman ang bango bango ng niluluto mo!" Si Jana na panay ang

