Nakatanghod siya dito habang nagluluto ng aming hapunan. Kasi nga naman di naman siya marunong magluto. Kaya watcher nalang siya sa mga ginagawa nito. "Can you teach me how to do that?" sabi ko dito. "No, tamad akong magturo. Diyan ka lang sa harap ko para ma inspired naman akong magtrabaho dito." sabi nito na kumindat pa sa kanya. "Daming alam! kailan ba malalaman kung tama yung sabaw ng sinaing?" tanong ko dito. "Technique is kung gaano ang dami ng bigas yun din ang dami ng tubig." sagot nito. "E paano siya hindi masusunog?" tanong ko uli. "Wag mong lagyan ng apoy." nakangising sagot nito. "Tukmol ka talaga!" ingos ko dito. "Hay naku Tala. Isang halik nga diyan medyo nakakangalay mag kudkod ng niyog e." pang uuto nito. "Ito baka gusto mo?" sabi ko sabay amba ng suntok sa lalaki.

