-Lorna- "Salamat, Mel." "You're welcome, Ma'am!" Nakangiting pinagmamasdan ko ang damit na galing daw kay Steve. Pinasabi raw kasi nito na kailangan naming bumisita kay Tita Sylvia. Simple lang siya and I like it. Mula sa malambot na kama ay bumalikwas ako ng bangon. Tinungo ang maliit na banyo ni Steve, nagpasya na akong maligo. Pumasok ako sa loob. Naisipan kong maghubad, ni wala akong itinirang saplot sa aking katawan. Itinapat ang sariling ulo sa malamig na shower. Napayakap ako sa sarili nang maramdaman ang malamig na tubig na nanggaling sa shower. Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto ng banyo. "What the!" Gulat kong bulalas at napayakap sa sarili. "Hmm, naligo ka pala?" Nakangiting tanong ni Steve sa akin. Tila naman biglang pumayapa ang aking damdamin. "Ginulat mo

