Natapos ang aming lunch, papasok na sana kami sa susunod na subject ng may tumawag sa pangalan ko at hinarang ako sa pinto ng isang SSG PRESIDENT"
"Jess pinapatawag ka ng principal
"Bakit naman best? oo kaibigan ko ang lalaking to kaya matapang ako sa school pero pag daging sa kanya tiklop din ako, para kuna syang kuya.
"Arayy!!!! binatukan lang naman ako ng magaling na ssg na to,
"Galangin muko nasa school tayo. Pagalit nyang sabi sakin.
"Opo ba't mo nga pala ako pinapatawag?
"Aba sino ba ang babaeng matapang na nanampal ng isang teacher? balik na tanong neto sakin,
"Ouyy!! wag kang mag biro ng ganyan tska pinag tanggol ko lang naman ang sarili ko, malay ko ba na hindi naman sya yung pumalo ng pwet ko,
"WHAT?????
"Aray ahh!! sakit mo sa tenga."Anong sinasabi mong punalo ng pwet?
"Akala ko kase sya yung pumalo ng pwet ko kanina kaya na sampal ko" E sino pumalo sau?
"E sino pa yung magaling na Amanda na yun pahamak, dapat sya yung pinapatawag eh! madrama kong pagkakasabi.
" Tsk!! halika na at nag aantay na si principal walang epic yang paawa awa mo sakin ngayon JESSICA!! ay galit na.
"Oo na eto naman kung makasigaw e sasama naman ako.
Habang nag lalakad kami papuntang office kinakagat kagat ko ang aking mga daliri, ganto kase ako pag kinakabahan malnarism kuna kung baga, naramdaman ko nalang na hinawakan nya ang aking kamay at pinag siklop ito gamit ang kanyang kamay, alam na alam talaga ng lalaki na to pag kinakabahan ako kaya lagi syang anjan pag may gulo akong ginagawa.
Mabait naman ako simula lang ng mamatay ang aking mga magulang ay nag iba ang ugali ko. Pag pasok namin na abutan ko si sir at principal na nag uusap lumingon sila samin, si Sir naman napakunot ang kanyang nuo ng mapansin nyang mag kadaong palad ang aming kamay ni Joseph,bumati kaming dalawa ng hindi nag hihiwalay ang aming mga kamay.
"Goodmoring Principal & Sir
"Goodmorning Jessica you may now sit. sabi sakin ni principal.
"Hmm" pwede mo na syang iwan Mr? Joseph alcantara. Sabi ni Sir
"Ok joseph go back to your classroom and thank u for bringing her Ms. Jessica. Sabi ni principal.
Bibitawan na sana ni Joseph ang aking kamay pero diko ito hinayaan, alam nya naman kase pag ganto ako e sya lang nag papakalma sakin, at alam yun ng principal. One time kase may sinapak akong lalaki dahil muntik na nya akong halikan, kaya ang bagsak sa principal office na naman kami e yung time na yun, may kaya ang lalaki kayang kaya nilang paikotin ang mga guro, dina ako sumasagot nun kase nanginginig na ako sakto naman ng dumating si joseph pag yakap na pag yakap ko sa kanya bumagsak ang mga luha ko at bigla na lamang akong nahimatay.
Ang gusto kase ng mga magulang nung lalaki na patanggalin ako sa school trinay kong ipag tanggol ang sarili ko kaso talo talaga ko pag dakilang marites ka ng bayan, kesho daw ganto ki babaeng tao na nanapak ng lalaki, e tanongin nya kaya yang anak nyang manyakol na mukhang majimbo.
tinanong din ako ng principal kung anong dahilan diko na sinabi kase nga di ako mananalo dito sabi ko mag sasalita lang ako if andito si joseph.
" Jess!! kaya mo to hah? umiiling ako na nakikiusap na wag akong bitawan.
" Mrs. Principal Sir baka po pwede na dito muna ako hanggang sa matapo- Dina naituloy ni teptep ang sasabihin dahil pingilan na sya ni Sir.
"Mr. Alcantara di ka kasali sa problema na to kaya you may go!! sita ni Sir na naiinis.
" Pero Mrs. Principal baka po mahimatay na naman sya?
" What!!! look Mr. Alcantara mag uusap lang kami tungkol sa behavor nya di namin sya sasaktan.ayy galit na!!
" Sige na Joseph iwan mo na yang kaibigan mo kunting katanungan lang naman para kay Ms. Jessica, kung gusto mo antayin mo nalang sya sa labas.
" Sige po" Jess kaya mo yan ahh" dito lang ako sa labas. Hinawakan nya ang aking pisnge sabay pahid ng kunting luha, tumango nalang ako para matapos na.
"Hawakan mo ang kamay ko para dika na matakot. Sabi sakin ni Sir, diko alam pero parang na hypnotismo nya ako, nakaupo na ako ngayon paharap sa kanya sa unahan naman si Mrs. Principal, Hawak hawak nya pa din ang kamay ko habang pinipisil.
" Let's settle this problem, pahayag ni Mrs.P
_
_
_
_
_
_
_
Kasalukuyan akong pinag titinginan nga mga studyante dito sa quadrangle, yung iba makikita mo na aawa, at yung iba naman tumatawa pa gaya ng grupo nila Angelica rinig ko din ang mga bulungan nilang mga impakto kala mo mga bubuyog, tinarayan ko sila ng papalapit sila sakin.
"Poor!! Jessica" mapangasar na sabi ni ange.
"Masyado ka kaseng matapang yan tuloy ang kinalalagyan mo sabi ni Roselle isa pa tong ipaktita.
"Pathetic!!! sabi ni Mia khalipa , Kapangalan nya yung pornstar.
"Alam nyo kung ako sainyong tatlo aalis na ako kase baka kayo ang pumalit sakin dito, ngisi ko sa kanila nakita ko kung pano sila matakot kaya nagsialis na sila, Paano nga ba ako na punta dito simple lang naman matalino kase ang Sir kong magaling.
*FLASBACK*
"Ms.Jessica i wan't you to apologize to Mr. Samuel sa ginawa mo kanina.
"Pero Mrs.P diko naman po sinasadya yun napag kamalan ko lang po si Sir ang pumalo ng pwet ko tska diko naman po alam na teacher sya dito.
"Kase Bago lang sya Ms. Jessica. Yun na nga po Mrs.P Kas_ diko na naituloy ng sumingit si Sir.
" Oum kahit di kana nag sorry sakin ayos lang yun" sabi nya na nakangisi nakahinga naman ako ng maluwag kala ko wala na ng mag salita ulit sya.
"I wan't a punishment.ngising demonyo
"WHAT!!!!!!
Kaya andito ako ngayon nakatayo sa tapat ng flag ceremony kase ito ang punishment nya sakin para magtanda daw ang mga ibang studyante na mag tatangka na sumuway sa guto o hindi igalang tsk!!! ano ba yang naiisp nya kanina pa ako dito naka bilaf sakit na sa balat.
nauuhaw na din ako at nagugutom ulit, asan na ba kase yung lalaki na yun sabi nya 30minutes lang ako dito pero dalawang oras na ako nakatayo dito wala pa din diko na kaya para na akong mahihimatay, hanggang sa nakita ko na paunti unting lumalapit sakin si teptep ng malapit na sya ay nag dilim na ang aking paningin pero narinig ko pa syang tinawag ang aking pangalan.
"JESSICA!!!!JESSICA!!! WAKE UP"