Tatlong linggo matapos magsimula ang second semester, nagpatuloy ang pagkakaibigan namin ni Diyes. Ni minsan ay hindi na uli namin pinag-usapan ang tungkol sa nararamdaman niya para sa akin. Bumalik kami sa kung ano kami bago ko pa malaman 'yon. Pero ang nakakatuwa, hindi ako nailang sa kanya bagkus ay mas lalo pa akong napalapit sa kanya. Siguro ganoon lang talaga kapag tunay na kaibigan ang turing mo sa isang tao, walang bagay na makakapagpabago ng pagkakaibigan mo sa kanya kahit ano pa ang mangyari. Diyes is actually an ideal man for me but my heart is never meant to beat for him. Ganoon lang talaga sa buhay, kahit gaano pa ka-worth it mahalin ang isang tao, kung hindi talaga siya ang gustong i-t***k ng puso mo, hindi mo talaga siya magugustuhan. He deserves someone better. 'Yung

