Arziah's POV
Nandito ako ngayun sa garden nakaupo sa ilalim ng punong kahoy. nag iisip ng kahit ano vacant kasi namin kaya dito ako dumiritso.
Pangit ba talaga ako? kaya nila ako pinag lalaruan tao naman ako katulad nila.
kahit pangit ako Hindi ba nila inisip na may damdamin din ako at marunong masaktan anong klasing tao sila?
Bumuntong hininga nalang ako
Tinignan ko yung relo ko kung anong oras na baka ma late nanaman ako 9:45 na pala tumayo na ako para bumalik sa room.
Nag lalakad naako papuntang room. Hindi ko nalang pinansin yung mga matang naka tingin saakin sanayan nalang to.
Patuloy parin ako sa pag lalakad ng bilang* booooogggggssshhh*
"Haha hahaha" tawanan ng lahat
A-ahw sakit ng pwit ko na dulas kasi ako. sino ba kasing matinong tao na nag lagay ng napaka raming balat ng saging dito?
Hindi ako nakatayo agad masanay kana arziah ganyan na ang turing nila sayo kaya masanay kana.
Tumayo ako at agad tumakbo papuntang room.
Wala akung paki kung anong pinag bubulong bulongan nila I know naman na ako yun!
Pumasok naako sa room at agad umopo. wala ako sa mode para makinig sa discuss ni sir kaya mabuti pang matulog nalang.
"Ziah ziah ziah"
Ano bayan natutulog pa yung tao ginagambala nyo tssssk!
"Ziah gising na lunch break na"
Minulat ko yung isa Kong mata para matignan kung sinong hayop ang gumambala sa pag tulog ko.
Nang nakita ko na kung sino yun agad akong Napa pa upo ng maayos nakakahiya ka arziah si sir yung gumising saakin.
Pinahiran ko yung gilid ng labi ko dahil alam ko may laway yun. nakakahiya ka arziah nag lalaway kapa.
Nag smile ako Kay sir at agad niligpit yung mga gamit ko. "thanks sir sa pag gising"
At agad akong kumaripas ng takbo letche!! Nakakahiya.
Patay ako nito binilisan ko ng takbo para maka abot sa canteen. pag pasok ko sa canteen agad akong pumunta sa table kung saan sila Mich.
"Why are you late!" Sigaw nya
Ito nangang sinasabi ko patay ako nito. nakakatakot yung mata nya parang kakain sya ng buhay na nerd.
"A-ahm sorry ka-kasi.."
"Kasi ano!" Sigaw nya ulit.
Napalunok ako huhuhu nagalit ko yung dragon.
"Nakatulog ako kaya na late ako" diritso kung sabi.
"Ulitin mo pa na ma late gugupitin ko Yang magulo mong buhok pangit ka!" Sigaw nya ulit.
"E kuha mo kami ng pag kain namin bilis!" Utos nya
" ano ba gusto nyong pag kain?" Tanong ko alangan naman kukuha ako ng pag kain nila na Hindi ko alam.
malalagot nanaman ako pag Hindi nila gusto yung kinuha ko na pag kain kaya mabuti nang mag tanong ako para sure diba?
"1 Burger and orange juice"
"spaghetti and soft drink"
"Burger and guava juice" sabi nilang tatlo.
Agad akong pumila para maka bili agad.
"Kyaaaaaahhh!" Sigawan ng lahat at nag sitakbohan papuntang pinto. napatingin ako sa bandang pinto kaya pala anjan yung mga Prince nila. tssssk! bakit ba sila baliw na baliw dyan Hindi naman sila pina pansin!
Omorder ako agad ng pag kain at agad pumuntang table nila Mich. wala sila dun kaya nilapag ko nalang yung pag kain nila sa table din umalis.
Pano ako lalabas dito eh naka harang yung mga hari kuno?
Tumingin nalang ako saka nila.
"Hoy pangit halika dito may ipapagawa ako sayo' tawag saakin ni Mich lumapit naman ako sa kanya.
" ano yun" tanong ko
"Nakita mo yung lalaki na sa gitna?" Tinuro nya yung apat na lalaki.
"Oo bakit among gagawin ko sa kanila" tanong ko.
"Nakita mo yung lalaking naka headphone si brylle?!"nahulog yung panga ko bakit sya pa sa dinami daming lalaki dito sya pa talaga errrr!?...
" anong gagawin ko Kay alei.. Este brylle?" Tanong ko.
"Simple lang naman pangit" ngumisi sya sa akin kinakabahan ako sa ngiti nyang parang baliw.
"Ano nga" tsssk naiinis naako sa bruhang to gusto ko ng umalis dito bigla syang nag salita ng ikina lalag ng panga ko.
"Lapitan mo sya at sabihin mo na ikaw ang girlfriend nya got it!?" Nalalag na yung panga ko sa sinabi nya. ano daw ulit sabi nya gusto nya talaga akong mamatay?
"Ano!" Pabagsak kung sabi.
"Bingi ka ba pangit ka nanga bingi ka pa!" Pataray nyang sabi.
"Ah oo na alam ko na"sabi ko nalang baka ano pang gawin nila saakin.
"Oh ano pang hinihintay mo lumapit kana dun or tadyakan kita pa punta dun!" Sigaw nya, gusto talaga nya akong mawala sa mundong to! kaya ko ba gawin ang pina gagawa nya? huhuhu! help me what should I do! Nag lakad naako paplapit sa apat nag si alisan naman yung mga naka paligid sa ka nila. para bang reyna ako hahaha lol feeling mo arziah !
Kumunot ang mga noo ng apat. ng nakita nila ako sino bang Hindi ma pa kunot ang noo kung ang isang pangit na nerd naka gaya ko at lumapit sa sikat na kagaya nila!
Kinabahan ako habang palapit ng palapit ako. nag Simula nanaman yung mga bubuyog sa pag bubulongan. nag stop ako sa harap nilang apat tinaasan ako ng kilay ni alien. na pa sulyap naman ako Kay kuya tinignan nya ako ng masama at para bang nag sasabi na wag kung ituloy ang gagawin ko. huhuhuhu! pero kuya lagot ako Kay bruhang Mich nito anong gagawin ko tulonnngg pls! !! Ilang minuto naakong nakatayo sa harap nila parang pagud na nga silang titigan ako hahaha.
"Hoy pangit umalis ka nga sa harapan nila!" Napa tingin ako sa babaeng sumigaw
"Oo nga baka mahawa pa sila sa kapangitan mo!" Sigaw nanaman nung isang babae.
"Lumayas kana o kami pa ang kakalakad sayo paalis Jan!" Sigaw nung matabang babae.
Anong gagawin ko susundin ko ba si Mich or aalis nalang ako dito? lalo lang akong pag iinitan ng mga students dito pag ginawa ko yun. pero pag diko naman yun ginawa lagot ako sa kanya huhuhu help me please lupa lamonin mo na ako.
Nataohan ako ng may pumitik sa noo ko. nagulat ako ng nasaharapan ko na ang alien na'to at ng lilisik na naman yung brown eyes nya. katakot huhuhu!
Hindi ko na hinintay na mag salita sya tumakbo na ako palabas ng canteen. pumuntan akong garden para doon mag pahinga umupo ako sa ilalim ng puno.
Patay ako Kay bruhang Mich nito diko nagawa ang gusto nya anong gagawin ko!
*oh wooh wooh she is a wild heart she is a wild heart I got a wild heat* calling*
Kinuha ko yung phone ko sa bulsa at agad ko itong sinagot.
"Hello"
"Arziah.... Kyaaaahhhh!! I miss you bruha!"sigaw sa kabilang linya ang sakit sa tinga!ugh!
" cas ikaw to?!"
"Hindi bruha ikaw to hahaha"
Wala pading pinaga bago tong bruhang to pelosopo pa din!
"Bruha ka I miss you too where's jammy?"
"Hoy bruha give me that phone hinahanap ako ni ziah!"
"No! Hindi pa nga kami tapos mag usap sisingit ka!"
Nag aaway nanaman yung mga isip bata kung kaibigan.
"Give me that cass!"
"No!mamaya ka na!"
"Hoy kayung dalawa tumahimik nga kayo para kayong mga bata!" Saway ko sa kanila.
"Ito naman kasi si jammy ang kulit sabing mamaya na!"
"What did you say ako pa talaga!"
" what whatin ko yang mukha mo can you stop speak English!"
"Oo na oo na"
Nakakatawa talaga tong dalawa to parang baliw lang na miss ko na sila.
"Ziah are you there?"
"Yeah tapos na ba kayong mag bangayan?"
"He he pag pa sinsyahan na si jam ziah"
"Hoy bakit ako?"
"Tumahimik ka nga"
"Ziah uuwina kami Jan sa pinas bukas" masayang sambit ni Cass
"Sure ka uuwi kayo bukas?"
"Hindi nag bibiro lang ako ziah" pelosopong sagot nya
" Hindi ako maka pa niwala bruha"
Hindi talaga ako maka paniwala na uuwi sila.
"Edi paniwalaan mo hahaha!"
"Tawapa bruha gusto mong ma sapak!"
"Na alala mo na?"
"Huh anong sinasabi mo?"
"Wala haha "
"Baliw!"
"Oo ikaw hahaha!" Baliw talaga tong babae na to.
" ohsya may pasok pa ako hihintayin ko nalang kayo bukas bye!" Pinatay ko na yung call Hindi ako maka paniwala na uuwi yung mga bruha kung kaibigan masaya ako dahil uuwi sila dito at may kakampi na ako hahaha!