Habang kumakain kami may lumapit na tatlong lalake sa table namin. diko yun pinansin baka si Cass and jam lang yung kailangan nila. patuloy padin ako sa pag kain ng spaghetti ko ng nag salita yung isa sa kanila na ikinagulat ko.
"Sino dito si arziah?" Napalingun ako sa tatlong lalake.
"Bakit?" Tanong ni jam
"Anong kailangan nyo sa kanya!?" Cass
"Kami walang kailangan pero si boss meron!" Sagot ng labanos este ng lalaking Maputi.
"Anong kailangan ng boss nyo saakin at sino naman yang boss na yan!" Tanong ko sakanila.
"Wag ng madaming tanong!" Hinawakan nila yung braso ko at hinila nila ako.
"Uy San nyo ako dadalhin bitawan nyo ako!" Sigaw ako ng sigaw nag si tinginan na lahat ng studyante saamin.
"Hoy mga unggoy San nyo sya dadalhin!?" Sigaw ni Cass sabay takbo palapit saakin.
"Bitawan nyo nga sya!" Singhal ni Cass sa tatlong ugok tumabi naman si jam Kay Cass.
"Oo nga bitawan nyo sya kung ayaw nyong mabalian!" Cool na sabi ni jam.
"Tinatakot nyo ba kami!?" Si labanos.
"Ay hindi !! Bitawan nyo na bilis ngayun na!" Si jam
"Kung ayaw namin sino ba kayo para utosan kami!" Yung chinito na yung sumagot.
"Ayaw nyo talagang bitawan ha!" Hinawakan ni jam yung labanos ng mahigpit.
"Ah a aahh!"sumigaw yung labanos nabitawan ni labanos yung braso ko dahil sasakit na ginawa ni jam parang binali nya yung kamay ni labanos.
" oh ano bibitaw o babalian ko kayo isa isa!?"singhal ni jam sa tatlo. tinignan ko si Cass naka ngiti lang sya sa ginawa ni jam walang balak tumolong ang bruha. binitawan ako ng tatlo sabay hinarap nila si jam.
"Ano suntokan gusto nyo gusto ko yan ano game?!" Nang hahamong sabi ni jam. sinugod si jam ni labanos ng suntok pero nailagan ito ni jam. tinadjakan nya yung tyan ni labanos kaya na tumba si labanos.
Sumugod nanaman si chinito susuntokin nya sana si jam sa mukha pero na ilagan nanaman ni jam yung kamao ni chinito. ganundin ang ginawa ni jam Kay chinito tinadyakan nya yung tyan ni chinito kaya natumba.
Tinignan ko yung isang lalaking naka tayo nanginginig na yung tuhod nya sa takot. at yun tumakbo na hahaha bading naman pala yun nag sitakbohan naman yung dalawa.
Mangha mangha ako sa makita ko Magaling pala makipag laban tong si jam.
"Hoy bruha OK kalang!?" Tanong ni jam saakin.
"OK lang ako ikaw ba?"_pabalik kung tanong.
" OK naman!"Sagot nya
"Wala bang masakit sa katawan mo?" Tanong ko sa kanya sabay lapit at tinignan ko yung kamay nya.
"Ang cool mo pala bruha ka akalain mo yun napatumba mo yung dalawang lalaki na ikaw lang mag isa!" Puri ko Kay jam.
"Sus yung wala yung dalawang yun sa nakalaban nati---- uftgjcxxx" tinakpan ni Cass yung bibig ni jam kaya di nya natapos yung sinasabi nya.
"Bat mo tinakpan Cass?" Ako
"Hehehe wala eh umaandar nanaman kasi yung pag ka mahangin ni jam!" Sagot ni Cass sabay ngiti.
"Hoy anong mahangin ka Jan eh totoo na mang hxfvfhjhxgjjcd" tinakpan nanaman ulit ni Cass yung bibigni jam. tinitigan ni Cass ng masama si jam hayyyst! Mga to talaga diko sila naiintindihan parang sila lang yung nakakaintindi sa mga ginagawa nila.
"Tama na nga yan Alis na ako malalate na ako thanks sa tulong!" Paalam ko sakanila sabay alis.
Habang nag lalakad ako papuntang room ko naka tingin nanaman yung lahat ng students sa akin problema nila?
*ahhhw!* sakit ng mukha ko nadapa ako sino bang taong nag lagay ng lubid dito tsssk!
"Hahaha" nag sitawanan ang lahat.
*pok* "ahwwww! Haiisst!" Sakit nun a binato pa talaga akong ng itlog kainis!
Nag si batuhan na silang lahat ng itlog ang sakit na ng katawan ko matigas kaya yung shell ng itlog. niyakap ko nalang ang aking mga paa at pinikit ang aking mga mata para di maramdaman ang sakit.
Naramdaman ko na parang huminto sila sa pag bato nanatili parin ako saaking pwesto ng may biglang humawak saaking kamay at itinayo ako. kaya mabilis akong naka tayo nung naka tayo naako niyakap ako ng lalaki. mabilis ang mga pangyayari Kaya diko manlang matignan ang mukha ng lalaking yumakap saakin.
*dugdugdugdug*_
Malakas ang kalabog ng puso ko ngayun dahil sa ginawa ng lalaki nato pero thanks to him he save me.
"thanks" yan nalang ang lumabas saaking bibig dahil sa mga oras Nato shock padin ang nerd nyo.
"Ahhm" sanarinig kung Bose's ay bigla nanamang bumilis ang pag t***k ng aking puso. gaaassshh! Si Louie totoo ba ito si Louie he save me? bigla ko syang niyakap diko alam kung bakit automatic yung mga kamay Kong yumakap sakanya. hinigpitan naman nya yung pag ka yakap saakin bahala na kung anong isipin nyo ito na yun eh. yung pag kakataon kung mayakap ang crush ko hehehe assuming na kung assuming Malay ba natin.
"Gasssh what the hick! "
"Omo! Totoo ba ito si prince Louie!"
"Noooo! Di sila bagay! "
Yan yung naririnig kung mga reaction ng mga students dito oo di kami bagay mainggit kayo hehehe joke lang.
Bumitaw sya sa pag ka yakap saakin at hinila nya yung kamay ko. Umalis kami dun diko alam Kong San nya ako dadalhin dahil naka tingin lang yung mga mata ko sa kamay naming mag kahawak. ang bilis ng t***k ng puso ko halos na bingi na nga ako sa subrang lakas.
Napansin kung huminto kami sa pag lalakad nilibot ko yung tingin ko andito pala kami sa park.
"OK ka na ba?" Tanong nya saakin. nakaharap sya saakin kaya kitang kita ko yung nag aalala nyang mukha. Hindi sa assuming ako eh totoo naman talaga sa facial expression makikita ko na nag alala sya.
"Ahhm OK lang salamat pala" Napa duko ako.
Umopo sya sa bench kaya umopo din ako.
" may masakit ba sayo?"_nilingun ko sya nag ka tinginan kami sa mata umiwas ako agad ng tingin.
"Medyo masakit yung katawan ko" nahihiya kong sagot.
"Mag pa hinga kana kaya" sya
"Ok salamat ulit uwi na ako"_paalam ko sabay tayo at nag lakad. Hindi pa ako naka layo sa bench na inupuan namin may humawak sa braso ko. Lumingun ako si Louie lang pala yung humawak.
" hatid na kita" nakangiti nyang sabi.
"Wag na bumalik ka nalang sa school alam kung may klase kapa" pag tanggi ko.
"Bahala na basta ma ihatid kita OK na" sagot nya sabay nag smile pa ayun nag wawala ulit yung puso ko baka atakihin ako sa puso nito.
"So let's go" hinila nya ako kaya napa sunod na lang ako.
Hinatid ako ni Louie sa bahay namin di naman malayo yung nilakad namin mga 8 minutes lang naman nilakad namin.
"Pasok kana" sya
"Salamat ulit" sabay pasok ko sa gate tumalikod na sya at nag lalakad na paalis.
"Mag ingat ka sa pag uwi" sigaw ko nilingun nya ako at nag smile sya saakin. Napa hawak ako sa dibdib ko ang bilis ng t***k nito
"Oh manang anjan ka na pala!" Na pa bitaw ako sa dibdib ko ng narinig ko ying Bose's ni kuya.
"Bat nang gugulat ka tanda!"sigaw ko sabay pasok sa bahay.
" wag kang ma in love sa kahit sino sa barkada ko!" Diritso nyang sabi Napa hinto ako at nilingon ko sya.
"Baliw bat naman ako ma iinlove!" Sagot ko.
"Pina paalalahanan lang kita!" Sagot nya ng naka talikod.
"Tsssk! Akyat na ako!" Sabay Ali's at umakyat sa kwarto ko.
_______________________