LAGLAG balikat na dahan dahan ko na hinakbang ang aking mga paa paatras. Pasimpleng pinahid ko ang aking mumunting luha na umalpas sa gilid ng aking mga mata. Naninibughong binaybay ko ang pasilyo na hindi ko alam kung saan patungo. Bakit ba nagsisikip dibdib ko? Wala naman akong karapatang magdamdam dahil unang una hindi ko pag-aari ang lalaki. Pangalawa wala naman kaming relasyon, kung meron man ay bilang amo at kasambahay lamang. Pambihirang damdamin kong 'to daig pa ang namatayan ng aso. Napangiti ako ng mapakla nang mapagtanto ko ang sarili. Pahid-pahid ang mga matang hindi ko namalayan na kumalat na pala ang make-up ko. Sumisingot na pinagpatuloy ko ang mga hakbang na hindi alam kung saan patungo. Pabalik balik sa utak ko ang aking nasaksihan. Kung paano lumambitin ang Gariel

