Chapter 15 (News)

1272 Words
Cheya Santia I thought, after kong lumabas ng room na yon, everything will be fine. That's what I thought. But! Here! May mas lalala pa ba dito?! H-How come na--- "Ms. Santia, right?" napatingin ako sa isang studyante na nandito rin sa SSG Council room. Actually mga lima sila dito. Mga officers ata. But this--- "Ms. Santia?" napatingin naman ako sa lalakeng katabi ng babaeng tumawag sakin kanina. "A-Ah yah. I'm sorry" nahihiyang sabi ko. Pano ako hindi madi-distract?! Eh yung lalake kanina! Kaharap ko! Ngayon! Or let say na nagkataon na yung lalakeng kasigawan ko kanina ay yung SSG President. Great diba? Yah great! Inalis ko ang atensyon ko sa kanya at ibinalik ko na lang ang buong atensyon ko don sa isang lalake. Well, mukhang wala rin naman syang pake sakin dahil kanina pa sya naka-focus don sa papel na binabasa nya. Edi sya na ang living book worm! Napairap ako sa kawalan. "It's okay. Anyways, aware ka naman na exchange student ka diba?" nakangiting tanong sakin nung babae "Renz, san nga ba ulit napunta yung ka exchanged nya?" tanong nya naman sa katabi nya. "A-ahm, sa Queences Teresa po" ako na lang ang sumagot. Well, ayoko namang tumunganga na lang sa harap ng lalakeng to. Hanggat kaya ko, gusto kong mapabilis ang pag uusap namin dito para maka-alis na ko. Para akong nasasakal sa bigat ng atmosphere ih. "Ow! Yah! Ambagal kasi nito ih!" sabay batok nya kay Renz ata yung name. Napataas naman ang kamay ng isang babae na nasa dulo. "Lara!" tawag nung babaeng nasa dulo don sa babaeng kanina pa ko kinakausap. "What?! Kitang busy ako here ih!" naiiritang sabi ni Lara. Napanguso naman yung nagtaas ng kamay Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanila. "Kasi! May tatanungin lang ako kay Ms. Santia" napakunot noo ako tsaka biglaang napatingin sa babaeng nagtaas ng kamay. "Tss. Dalian mo." naiirita ulit na sabi ni Lara. "Hi! Ask ko lang kung... kung ikaw ba yung Cheya Santia na close sa mga Da Villa, Dela Vega at Estevez? Ikaw ba yung bestfriend ni Natasha Dela Vega? Nakita mo na ba yung look ni Kalix Dela Vega? At yung newest na balita ngayon. Totoo bang fiancee mo na si Kian Da Villa? Kasi balita sa news ih!" mahabang salita nya. Napaatras ako, kasabay non ang pagtingin bigla sakin nung lalakeng nakasigawan ko kanina. Pero wala na kong pake don, now. My hands. Nanlalamig ang mga kamay ko at hindi ko alam ang una kong gagawin. "W-What?" kinakabahang tanong ko sa babae. "So ikaw nga?! What the? Seriously?! K-kasi ganito yan, matagal-tagal na yung sabi-sabi na ikakasal na daw kayo ni Kian Da Villa, hanggang sa tinuldukan na yon ni Donya Olivia ngayon-ngayon lang. Nag pa interview sya at ibinalita nya sa lahat, sa buong mundo na ikakasal na kayo ng apo nya! Gosh! Nagkakagulo ngayon yung mga tao, sabog ang social media ko sa names nyo, at sobrang nabulabog ang mga reporters!" Napapikit ako tsaka ako napahawak sa sentido ko. Ano na namang plano ng pamilyang yon? Hindi pa ba nila na gets kung bat ako umalis sa Queences Teresa?! s**t! Dahil hindi ko gusto na maikasal sa apo nila! Napahinto ako sa pag-iisip ng biglang tumayo yung lalakeng kasigawan ko kanina. "Alam ba ng mga studyante dito ang itsura ni Cheya Santia?" tanong nya na hindi ko alam kung para kanino dahil nakadirekta lang ang buong tingin nya sakin. "Yah! Syempre! Sikat kaya ang mga Santia. Tapos, dinugtungan pa ni Mr. Santia. He said yes. Kinumpirma nya na totoo ang lahat ng sinabi ni Donya Olivia" mahabang paliwanag ng babae. "S-Seryoso?! Shocks! H-Hindi ko alam na ikaw pala yon" natulalang sabi ni Lara. "I'll leave this issue to all of you. Monitor all students at wag nyong hahayaang pagkaguluhan to ng mga studyante" utos ng President ng SSG tsaka nya ko hinawakan sa kamay ko. Halos mapaatras ako sa biglaang paghawak nya sa kamay ko tsaka nya ko inatak palabas. Pinipilit kong tanggalin ang kamay nya sa kamay ko pero lalo nya lang hinihigpitan ang pagkakahawak sakin. A-Ano bang problema nya? Napatingin ako sa paligid. Huminga ako ng malalim ng wala akong makita ni isang studyante. May klase. Nabalik ang pag iisip ko sa sinabi ng isang officer kanina. Totoo kaya yon? Bat nila ginawa yon? Hindi manlang ba nila naisip yung mararamdaman ko? Hindi na ba mahalaga ang desisyon ko? Napalapit naman ako kahit papano kay Donya Olivia pero bakit parang wala lang sa kanila ang mga sasabihin ko? Ang nararamdaman ko? Ang iisipin ko? What about my brother? Si Kuya Ethan? Tinalikuran nya na rin ba ko? Bakit hinayaan nyang mangyare to? Bakit hinayaan nyang magdesisyon ang mga Da Villa para sa buhay ko? Bakit hinayaan nyang kontrolin na naman ako ng pamilyang yon? "Get in" napahinto ako sa pag-iisip ng mapansin kong nasa harap na ko ng isang sasakyan. Pinalibot ko ang paningin ko. Nasa parking lot kami ng school. "B-Bakit? San tayo pupunta?" Imbis na sagutin ay binuksan nya lang ang pintuan sa may passenger seat. Napabuntong hininga ako, at dahil siguro sa mga iniisip ko ay hindi ko na nagawang makipag talo sa lalakeng to. Bahala na. Walang alinlangan akong sumakay sa passenger seat. Agad nya namang sinara ang pintuan staka sya umikot pasakay ng driver seat. Isinuot ko ang seatbelt staka ako sumandal at agad kong ipinikit ang mga mata ko. Piling ko buhat ko na ang buong mundo. Napaka bigat at napaka hirap. Kahit sang anggulo ko tignan, mali talaga. Hindi talaga maganda ang nangyayare. I loved him. Ngayon? Hindi ko na alam. At kahit pa maramdaman ko ulit sa kanya yon, hindi ko pa rin gugustuhing mangyare to. Ang maramdaman kong kontrolado ako ng pamilya nila ay sobrang sakit talaga. Parang unti-unti nilang kinukuha yung buhay ko sakin. Parang iniikot nila ako sa mismong mga palad nila. Huminga ako ng malalim tsaka ko minulat ang mga mata ko. Laking pasasalamat ko na hindi na nagawang magsalita pa ng katabi ko. Dahil wala rin naman ako sa mood para makipag usap sa kanya, na makipagsigawan sa kanya. Napa-kapa ako sa bulsa ng pantalon ko tsaka ko kinuha ang phone ko. Agad kong tinipa ang number ni Shine. Wala pang ilang ring ng sagutin nya agad ang tawag. "S-Shine..." (Oh God! Cheya! Akala ko wala ka ng balak tumawag! I saw the news. Okay ka lang? Lumuwas si Kian papunta jan kasabay ng araw ng pag alis mo dito. Nagkita na ba kayo?! What?! Okay ka lang?!) bakas ang pag aalala sa boses ni Shine dahilan para mapangiti ako ng mapait. "Hmm... I'm fine pa naman. Kayo jan nila Czarina? Okay lang kayo jan?" s**t! I miss them! (Sobrang nagkakagulo dito sa Queences Teresa dahil sa biglaang interview kay Donya Olivia. Jusko kung nakikita mo lang ngayon ang nangyayari dito. May mga taga maynila na reporters pa ang lumuwas dito para makibalita. Yung mga taga Queences Teresa naman ay sobrang saya. Kala mo sila ang ikakasal ih) napa sabunot ako sa sarili kong buhok dahil sa narinig ko. Ano bang tong ginawa nila?! "S-Shine... my brother? Kamusta sya?" nag aalalang tanong ko. (Ano ka ba?! Mas uunahin mo pa yung kuya mong yon?! Jusko! Di ko na talaga alam ang nangyayare sa pamilya nyo! Pero sa nakikita ko ngayon. Sobrang stress na ng kuya mo. I don't know kung bakit pero para syang sobrang pagod) napalunok ako dahil sa sinabi ni Shine. Huminga ako ng malalim "Okay... Uhmm... Shine, I'll call you back later. May kakausapin lang ako" (Sure, call me back okay?) tumango ako kahit di nya nakikita staka ko ibinaba ang tawag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD