Kabanata 33 They said, "time heals all wounds", pero bakit ganoon? Nandito pa din at masakit pa din? Dapat "time lessens all wounds" na lang dahil sa nagdaang mga taon, nabawasan lang yung mga sakit na naranasan ko. Hindi na nga ata 'to mawawala at habang buhay nang mananatili sa puso ko. Ilang taon na ang lumipas pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. Parang sariwang-sariwa pa din sa akin. Yung araw na supposed to be our wedding day ay naging araw ng pambubugbog sa akin at pang-iiwan niya sa akin. Inaamin ko na sa lumipas na mga taon ay napatawad ko na ang mga taong bumugbog sa akin ngunit hindi ibig sabihin noon ay magiging mabait pa ulit ako sa kanila. Mahigit isang taon at kalahati din akong natrauma at natakot sa tuwing may lumalapit sa akin dahil palagi kong iniisip na baka

