Kabanata 19 Nang magising ako kinabukasan ay madaling araw na at mabilis kong nasilayan si Lawrence na gising na gising habang nanunuod na ng movie sa aking laptop. Nakakunot pa ang kanyang noo at seryosong-seryso pa ang mukha sa pinapanuod. Natulog kaya ang isang 'to? Napalingon kaagad naman siya sa akin ng mapansin niyang gumalaw ako. "How's your sleep, my baby?" Malambing na tanong niya sa akin sabay patak ng halik sa aking labi. "Okay lang naman, baby. Natulog ka ba?" Tanong ko pabalik ko sa kanya. "Yup, baby. Kagigising ko lang din 15 minutes bago ka magising." Saad niya sa akin at sabay yakap. Yayakapin ko pa lang sana siya pabalik ng may biglang magsalita sa bandang gilid ni Lawrence. Nakapwesto kasi ako sa tabi ng bintana. "Sir, coffee?" Ani ng ngiting-ngiting stewardess na

