Kabanata 14 Kung kanina ay ako ang hila-hila ni Nikki palabas ng hotel, ngayon naman ay ako na ang humihila sa kanya palabas habang mabilis ang paglalakad. F*cking sh*t! Papaanong nalunod si Lawrence eh iniwan lang namin sila sa bar para mag-inom?! Paanong nalunod siya?! Grabeng magkahalong kaba at takot ang nararamdaman ko ngayon. Katulad ni Nikki ay ang lamig-lamig ng aking mga kamay at namumutla na din ako. Oh, God! Keep him safe please, Lord! Nagmamakaawa po ako, please po! Habang papalapit kami ng papalapit sa bar na katapat lang ay ang dalampasigan na pinuntahan namin kanina which is ang sabi ni Kian sa tawag ay doon daw nga mismo nalunod si Lawrence na mas napaglakas ng tambol ng aking puso. Pilit kong inaalis sa aking isipan ang mga worst scenario na maaari naming madatnan do

