Kabanata 27 Napalunok ako ng mabasa ko ang kanyang huling message. Galit na nga! Nang lingunin ko ang pwesto ng mga lalaking nag-iinuman ay wala na doon si Lawrence. Sigurado akong nasa kwarto na niya iyon ngayon kaya naman nagpaalam na kaagad ako kayna Joshua at Nikki at dali-daling naglakad patungo sa kwarto ni Lawrence kahit ramdam ko na ang pagiging tipsy ko dahil medyo marami na din akong nainom. Nang makapasok ako sa kanyang kwarto ay saktong pagtayo ni Lawrence at dumiretso sa may pinto at nilocked iyon. Matapos niyang mailocked ang pinto ay muli siyang bumalik sa pagkakaupo niya sa sofa at tumingala at pumikit, para kinakalma ang sarili. Lumapit naman kaagad ako sa kanya at umupo sa kanyang kandungan kasabay ang pagyakap ko sa kanyang leeg. Damang-dama ko kung gaano kabilis

