PARA AKONG tanga na nakatitig sa pahina ng libro at paulit-ulit na binabasa ang chapter kahit na walang pumapasok sa utak ko. I don't know if it's because of some distractions in this bus or it's just that I'm not in the mood. Ang iingay ng mga nasa front seat sa likod naman may mga nagpapatugtog ng malakas na music. But this is not the first time. I've already accustomed myself to this kind of situation since this is a public transportation. Sanay na ako sa mga ingay na ganito. Hindi na nga ako nag-re-react kahit minsan nakakarindi na.
This is strange. Reading has always been my mood setter kaya nga ako nagbabasa ngayon pero kahit anong gawin ko nasa iba pa rin talaga ang atensyon ko. Or maybe because I'm still bothered by the sudden news when I don't really have to. In the first place, that jerk was the one who cut our ties and left. Hindi naman siguro gano'n kakapal ang mukha niya para magpakita pa sa 'kin.
Napabuntonghininga na lang ako at isinara ang libro tsaka binuksan ang phone para tingnan kung anong oras na. It's already 6:52, which means I'm close to being late. For sure marami nang mga estudyante sa gate ngayon. Mayamaya lang ay huminto na ang bus sa tapat ng gate ng Sacred Heart Academy.
"Salamat po," mahinang wika ko sa konduktor at kay manong driver bago bumaba. Siguro nauumay na sila sa mukha ko dahil lagi akong suki ng bus na 'yon. Hindi man nila sabihin pero halatang nagtataka na rin sila kung bakit nag-bu-bus ang isang kagaya ko na nag-aaral sa isang prestihiyosong akademya.
As expected, kumpulan na nga ang mga estudyante sa entrance at may mga mamahaling kotse na nakaparada sa gilid at paisa-isang pumapasok pagkatapos mag-verify ng estudyante gamit ang QR code na nasa likod lang ng ID. Mahigpit ang security ng school at hindi basta-basta nagpapapasok ng mga sasakyan sa loob. Strikto rin sa pagsusuot ng proper dress code at wearing of ID kaya may iba na hindi pinapapasok at ngayon tumatambay na lang sa gilid at pinapasikip lang ang linya. Nakakainis.
May mga nagkukwentuhan na para bang ilang taong hindi nagkita. Ang iba naman na kararating pa nga lang, sumisingit na sa linya na para bang nagmamadali. Nasiko pa ako ng isa. Napapikit na lang ako sa inis at napabuga ng hangin. Isa ito sa mga dahilan kung bakit mas gusto kong pumasok nang maaga.
Napabuga na lang ako ng hangin at lumayo-layo na lang muna para makahinga nang maayos. Marahan kong hinaplos ang Aster pin na natatakpan ng mahaba kong buhok na kulay brown. Gusto ko mang makapasok agad pero hindi ko pwedeng gamitin ang pin na 'to. I think it's just right to fall in line respectively whatever your status is. Isa pa, I have to be lowkey and protect my privacy.
"Kinakabahan ako sa result ng exam. Tingin mo makakapasok ako sa Special Class?"
"Huwag ka nang umasa, Maribeth. Mahirap na makapasok ngayon. Twelve na nga lang sila eh, unti-unti na silang nalalagas."
"Ang negative mo naman masyado. Malay naman natin 'di ba? Pag ako talaga naging Aster pin holder, who you ka sa 'kin."
"Pero seryoso, ang laki ng binawas ng Special Class this school year. Halos kalahati ng population nila napunta sa Class 4A tapos 'yong iba naman lumipat na lang ng school."
Hindi ko tuloy napigilang makinig sa usapan ng dalawang estudyante malapit sa 'kin. I want to applaud her for doing her research well. What she said is true. Sa kasalukuyan, twelve students na lang ang meron sa Special Class at posible pa itong mabawasan. Hindi madali ang makapasok sa gano'ng section at hindi rin madaling manatili sa loob. Mas advanced ang topics, ang quizzes, ang exams, at may mga special tasks na pinapagawa na hindi alam ng mga ordinaryong estudyante.
The truth is, students from Special Class don't really socialize with the neutral students and we have our own designated place in the campus that separate us from them. There's an invisible gap that divide us from them na kahit pa may makita kaming neutral students, hindi na namin pinapansin. It's not in the rule and hindi bawal na makipagsalamuha sa kanila, it just became the norm of the school.
Sacred Heart Academy is the only existing school in this region that has a unique heirarchy of students. Lahat ng mga enrollees ay dumadaan muna sa Aptitude Test at ibi-base ang scores na makukuha nila sa kung saang classes sila ilalagay. From first year to third year, wala munang Special Class. Each student will be put to either one of the five subclasses of the middle class. But things will be different once you move into fourth year kung saan mayroon nang Special Class sa option.
In fourth year, the heirarchy is composed of three classes:
First is the Special Class or Class 4S. Students who possess great intelligence and outstanding skills will be assigned to Special Class. There are so many benefits when you're one of the S Class students and one of that is to be one of the holders of the Aster pin. We are the so-called 'gem' of the academy and right now there are only twelve of us. It is also the lowest tallied population for the past years and the school committee said that the quality rate of the school has been declining.
Second in the heirarchy is the Middle class which has sub-classes or sections: Class 4A, 4B, 4C, 4D, 4E. They don't have special intelligence nor skills. Kumbaga, they are the neutral students. They covered the 80.9% of the students population. They don't have the power, the position and the privilege but at least they are free. They should be grateful, hindi nila kailangang dumaan sa butas ng karayom.
Lastly, if there's a Special class there's also it's counterpart, the opposite which is the End class or the Class 4Z. Kung saan nagsama-sama ang mga patapon at mababang uri na mga estudyante sa SacHea. Katulad ng Special Class, sa fourth year lang din ito nag-e-exist. Kung ang Special class ay may Aster pin, may Jinx pin naman sa End Class. It's a sign of bad luck and mischief. Like us, they're also isolated from the neutral class and their building is located in the middle of the forest. I haven't heard much of them though and I also don't care.
"Hindi ka talaga makakapasok kung magtutulala ka lang diyan at hihintayin maubos ang mga estudyante rito. Madadagdagan lang sila at madadagdagan." Napatingin ako sa taong biglang nagsalita sa tabi ko. Wala na ang dalawang babae kanina, nakapasok na siguro. Tama siya, malapit nang mag-ring ang bell pero hindi pa rin ako nakakausad. Parami lang nang parami ang mga estudyante na pumipila.
I don't know him pero kung ngitian niya ako, para bang sobrang close naming dalawa. Matangkad siya at maputi. Hugis puso ang mukha, matangos ang ilong, singkit ang mga mata at may nunal sa left side nito. Mahahaba ang mga pilik-mata niya, manipis ang mga labi at mapula ang magkabilang pisngi. He looks like a celebrity kaya hindi na nakakapagtaka kung bakit marami ang nakatitig sa kanya. He's maybe a middle class student since he's not wearing any pin.
"You wanna see a trick?" He grinned and slipped his hand inside his pocket. I was shocked when he showed me a pin that is crafted with a black rose design.
Isinuot niya ito sa left chest ng uniform niya at walang anumang naglakad palapit sa mga nagkukumpulang mga estudyante. Halos hindi maipinta ang mukha ng mga ito at kaagad na nagsihawi na para bang may nakakahawa siyang sakit. Dahil din do'n kaagad siyang nakasingit sa scanning device at walang kahirap-hirap na nakapasok.
Halos malaglag ang panga ko. I've been studying here for four years but this is the first time that I encountered one of them. That was smooth. Hindi ko akalaing may advantage din pala ang pagiging End student. Pero bakit dito siya dumaan? Sa pagkakaalam ko may sariling entrance gate ang End Class na mas madali kaysa dito kaya hindi ko maintindihan kung bakit dito dumaan ang isang 'yon.
Whatever. It's none of my business to begin with. Nagkibitbalikat na lang ako at nilakasan ang loob. Mabuti na lang at unti-unti nang humupa ang mga estudyante. Ang dami kasi talagang nandito kanina and as an introvert myself, their presence suffocates me. Kaya ayoko talagang pumasok nang ganitong oras. Kung hindi lang ako na-late ng gising dahil sa bangungot na 'yon, nasa loob na sana ako ng classroom, pinapatay ang oras sa pagbabasa ng libro at naghihintay na lang ng pagtunog ng bell.
I positioned myself in front of the machine and was about to log in but then I realized my ID is missing. Suot ko pa ang ID strap pero 'yong mismong ID ko wala na. I froze at the moment. Impossible. How did this happen? It's impossible that I left it at home. I'm an expert when it comes to preparation. Suot ko lang naman 'yon kanina.
Nanliit ang mga mata ko at kinuyom ko ang mga kamao nang maalala ang lalaking kausap ko kanina. That Z Class jerk. Siya lang naman ang posibleng may kagagawan nito.
"Wala na talagang magandang nagawa ang mga Z students 'yan. Puro na lang kalokohan. Kawawa ka naman, miss. Nabiktima ka pa ng mokong na 'yon," wika ng isang estudyante na sinundan naman ng tawanan ng iba.
Umatras ako nang ilang hakbang palayo sa machine at nandidilim ang paningin na tumingin sa kanilang lahat. Nakakuyom ang mga kamao ko at para bang mangangain ng buhay. Agad naman silang lumayo habang nanlalaki ang mga mata na para bang nakakita ng mukto.
"Oh my gosh. It's her. The wicked witch of Special Class..." bulong ng isa habang nakaturo sa suot kong Aster pin. Hindi ko napansing nahawi na pala ang buhok ko at lumitaw ito sa paningin nila.
Wicked witch? Who gave me that lame nickname? Napabuntong-hininga na lang ako at minasahe ang gilid ng noo. Napatingin ako sa strap ng ID ko at inis na hinubad ito. Aish. Kung kailan graduating na ako, saka pa talaga nangyari sa 'kin 'to?
"What's going on here?"
Otomatikong nahati sa gitna ang nagkukumpulang mga estudyante at napatingin sa bagong dating. It's no other than, the one and only Laxus Dwayne Raven.
Mahinang umihip ang hangin na tila ba bumubulong sa magkabilang tainga ko. Kasunod nito ay ang pagdagundong ng malalakas na tili at hiyawan ng mga estudyanteng nandito. Lalo pa itong lumakas nang ngumiti siya nang malapad at humakbang palapit sa direksyon ko. Tsk.
Well, I can't blame them. He has it all. The brain, the looks, the wealth. He's also known for being warm and kind-hearted. He's the human definition of the word 'Perfect'. He looks like an angel sent from above. Isa siyang makinang na tala na bumaba mula sa langit para maghatid ng liwanag sa mundo. Pero kahit gaano kalapit ay mahirap pa rin itong abutin.
He walks like a dashing prince with his butler at the back. No one in their right mind would dare to touch him neither step closer to him like it's a forbidden sin. Ang iba pa nga ay yumuyuko bilang paggalang sa kanya, including me. Who wouldn't? He is the grandson of the founder of the school. He is the SSG President, the Rank 1 in our batch and yes, he is also a student from Special class. He's currently holding the title as the Prime student and the face of Sacred Heart Academy. Masyado nang mahaba kung lalahatin ko pa.
Kaya marami ang sumusubok na makapasok sa Special Class para lang makalapit sa kanya. May sarili rin siyang fans club inside and outside the campus. Imagine how cringe is that. Kung katulad siguro ako ng mga fans niya malamang tumutulo na ang laway ko ngayon. Well, I'm proud to say I'm not one of them. Walang epekto ang presensya niya sa 'kin lalo na ngayong nag-iinit ang ulo ko. Sa ngayon, wala sa kanya ang buong atensyon ko. Maibabalik ba ng ngiti niya ang ID ko?
"What's with the long face, Ms. Grey? Ano nga ulit 'yon sa Tagalog? Ah, 'yong para kang pinagsakluban ng langit at lupa," tumatawang sambit niya. Tila ba isang musika ang pagtawa niya dahilan para lalo pang lumakas ang tilian at lalong dumami ang mga nagkukumpulan.
Napapokerface na lang ako. Nawala rin ang ngiti sa mga labi niya at bahagyang kumunot ang noo nang napansing hindi ako natutuwa. Hindi ito ang tamang oras para makipagbiruan.
"With all due respect, this has nothing to do with you, Mr. Raven. If anything, it's quite surprising to see you here."
It's strange to see him here wherein he no longer have to fall in line to enter the premises. And why is he talking to me like we're best buddies? Ano na lang ang sasabihin ng cringe niyang fandom ngayong nakikita nilang parang malapit ako sa kanya?
"Cold as always. You're ruining the day, Ms. Grey."
I stared at him with a blank face. My day is already ruined. I don't know if he's mocking me or he's just dumb to realize what's going on here. I don't think it's the latter. I know he knows, kaya nga siya nandito eh. Nag-abala pa talaga siyang bumaba sa kotse niya para lang inisin ako.
"I swear, you look scarier right now than your normal self. The class is about to start, why are you still here?" Pinasadahan niya ako ng tingin at ngumisi. "Okay, I got it. You forgot your ID at home, yes? Oh my, today must be your lucky day."
"Someone from Class 4Z stole my ID." Pinakita ko sa kanya ang strap ng ID ko. "But this doesn't concern you anymore. If anything, I apologize for the trouble that I caused here."
Napasinghap silang lahat nang yumuko ako at humingi ng tawad. I just did the right thing. It was my fault that my ID was stolen. I was dumb and let my guard down. Ano na lang ang sasabihin ng iba kapag nalaman nilang naisahan ang isang special student na gaya ko ng isang hamak na end student? They'll probably mock at me. I stained the image of the Special Class.
Nabalik ako sa kasalukuyan at napakurap nang ilang beses nong humakbang si Mr. Raven palapit sa 'kin. My face that is facing the ground is now vertically aligned to his pair of shoes.
"A special student shouldn't bow down to anyone," mahinang wika niya pero sapat lang para marinig ko. Agad kong iniangat ang mukha ko at umayos ng tayo. Ngumiti siya nang malapad at tinapik ako sa ulo. "There's no need for you to apologize. It wasn't your fault. End students are just scumbags, that's it. Now, shall we go?"
Hindi ko na narinig nang mabuti ang sinabi niya dahil umugong na naman ang tilian ng mga estudyanteng nakapalibot sa 'min. Konti na lang masisira na ang eardrums ko. Tatakpan ko pa lang sana ang magkabilang tainga ko nang bigla niya na lang akong hinila at kinaladkad papunta sa kotse niya.
"Don't worry about entering the campus without your ID. You can count on me." Hindi na ako nakapalag nang buksan niya ang pinto at pinapasok ako sa loob ng kotse. Nasa driver seat na ang butler niya at agad na pinaandar ang sasakyan nang makapasok na ang young master niya.
"Ms. Grey, did you know? There's an old saying na kapag minalas ka ng isang beses, masusundan ito ng dalawa pa. Hindi matatapos ang araw hangga't hindi ka minalas ng tatlong beses. Pang-ilang kamalasan mo na ba 'to?" pambabasag niya sa katahimikan. Kanina pa kasi ako hindi nagsasalita. Pareho kaming nasa backseat at nasa magkabilang dulo ng upuan. Kulang na nga lang dumikit ako sa bintana.
"Oh, I'm sorry. I was just kidding. I just want to lighten the mood." Para tuloy siyang baliw na kinakausap ang sarili niya. Napabuga na lang ako ng hangin at walang emosyong tumingin sa kanya.
"Why are you doing this all of a sudden?"
I'm just curious. Para bang biglang nagbago ang ihip ng hangin. Nakakapagtakang bigla na lang siyang sumulpot na parang kabute at tinulungan ako. Sure, he's warm and always kind to other people but there's something wrong with how he acts today. Am I just overthinking it? No, I can't be wrong. I have a superior instinct na hindi pa pumapalya.
"Why are you asking me that?" Tumawa siya na para bang may nakakatawa akong sinabi. "What's wrong with helping someone who's in trouble? Don't feel so special. I'm like this to everyone."
Hindi ko na pala kailangang magduda. I was so slow kahit na obvious naman na. What he's doing is not just an act of service in front of everyone. He's doing it to boost his image, para lalo siyang tingalain ng iba. He can control things and manipulate other people just to make things go according to his will. He may look like a saint on the outside but deep inside, he's keeping a devil in him. That's why it's too dangerous to be near him.