Chapter 3

1708 Words
Chapter 3 Ellie Maingat kong ibinaba sa plastic na lamesa ang maliit na feeding bottle ang anak ko. I was singing a lullaby until he finally fell asleep. Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang aking anak. Gumagalaw pa ang kanyang maliit at manipis na labi na tila ba may gatas na iniinom. I leaned my face and carefully kissed him on his forehead. He was making noise but it seems like a music to my ears. Mataman ko siyang tinitigan. At tanging tahimik na paghihinagpis ang natamo ko habang ginagawa iyon. Ngunit iyon lamang ay napapawi tuwing nayayakap ko siya. Na kahit tinalikuran ako ng mundo’y binigay pa rin siya ng Diyos para muli akong bigyan ng pag-asa. I lost my friends, my education, my family and him. Iyong akala ko’y panghahawakan ko na habangbuhay.. mawawalan lang sa isang iglap. Ngayon ko napagtantong, malalaman mo lamang ang halaga kapag wala na. Ang maiiwan lamang ay iyong tunay na nagmamalasakit ng walang hinihinging kapalit. Everything’s gone and it’s impossible to bring back the past. Maiiwan na lamang iyon bilang isang alaala. Ang kailangan ko ngayon ay kung paano ko bibigyan ng magandang buhay ang anak ko. Sa edad na bente ay dalagang ina na ako. Walang katuwang at nag-iisa. Ang laki-laki na ng utang ko kina Rica at Mark. Lahat na yata ng suporta ay ginawa na nila sa akin. Hindi malaki ang sinusweldo ko sa lugawan at malamang na kulang pa iyon para sa mahal na gatas ng baby ko. Maswerte na kung nakakapagpa-breastfeed ako. Ilang araw nang umiiyak sa gutom ang anak ko, kapag kasi naubusan na ng formula milk, sa akin ko na siya pilit na pinapagatas. Kahit na medyo nasasaktan pa ako at kakaunti pa ang lumalabas. “Ang cute-cute talaga ni baby Shane! Nakakagigil oh,” Bahagya kong nilingon sina Reah at Lily na nakatunghay sa anak kong binigyan nila ng kuna. Hindi naman iyon bago pero laking pasasalamat ko na rin sa kanila. Malaking tulong na rin iyon sa amin. “Mukhang paglaki nito maraming paiiyakin ’tong mga babae!” Natawa ako sa dinagdag ni Lily. “Syempre naman, dugong Castillano kaya siya, ’di ba Ellie?” Tumaas-baba ang mga kilay sa akin ni Reah. Napatid naman ang ngiti ko at umiwas ng tingin. Mabuti na lang talaga at hindi nila kilala sa mukha si Ridge, at baka ipaabot pa nila dito ang tungkol sa bata. As much as possible, I wanna be discreet with all of this. May sarili na iyong buhay at ayokong makigulo pa. Inilagay ko sa kaldero ang mga botelya para mapakuluan. Paglapit ko sa kanila ay tiningnan ako ng dalawa. “Paano pala iyan kapag pumasok ka na ulit sa lugawan? Sino nang magbabantay kay baby Shane?” Tanong ni Reah. Isa pa iyang iniisip ko. “Pwede ko kayang isama do’n si Shane?” Nagulantang ang itsura nila sa balik-tanong ko. “Saan mo siya ilalagay do’n? Bukod sa mainit na, maingay pa. Idagdag mo pa ang bunganga ni Madam, alam mo namang mainit pa iyon sa’yo..” Napabuntong hininga ako. Hindi ko naman na ipipilit kung hindi pwede, maliit din naman ang kinikita ko doon. At malapit pa sa building ng ama niya. “Magre-resign na lang ako.” Saad ko. Napasinghap silang pareho at tila hindi inaasahan ang isasagot ko. “Ha? Makakahanap ka ba niyan ng ibang trabaho? Kung gusto mo, magtatanong-tanong din ako.” Ani Lily. Nginitian ko siya at dinungaw ang natutulog kong anak. “Kailangan ko ng mas malaking sweldo para sa kanya. Siguro’y magpapatulong ako kina Rica, pwede rin akong pumasok na katulong.” I tried to enlighten our feelings. Pakiramdam ko sobrang down na ako at sa sitwasyon ko. Ayoko pa namang manghina. Ngunit tiningnan lang nila ako’t tahimik na pinagmasdan. *** Ilang bases akong nagpabalik-balik sa bukana papasok sa Tres. Kinakabahan ako at nagdadawalang-isip kung itutuloy ko ’tong plano ko. Dito na ako kaagad dumeretso pagkatapos ng klase para subukan ang kapalaran ko. Hindi rin naman ako sigurado kung papayag siya at baka tanggihan ako. Pero..iyong ginagawa nina Wesley ay maayos naman. At kung notes niya ang hihiramin ko, paniguradong papasa ako. Niyakap ko ang hawak na plastic envelope ko at pasimpleng sinulyapan ang daungan ng bangka. Napapalingon ako kung minsan sa mga huni ng ibon at ang ingay ng parrot. Naaagaw ang pansin ko nang sutsutan ako ng isang matandang lalaking nagpapaypay ng abaniko at bantay sa tindahan. Kanina ko pa rin siyang napapansing tumitingin sa akin. “Sino bang hanap mo, Neng?” Natigilan ako. Ano, isasagot ko ba? Tumikhim ako at napanguso, “Hmm..kay ano po, kay R-Ridge po sana..” Uminit ang mukha ko sa pagsambit ko pa lamang ng pangalan. Hindi naman kasi kami magkakilala. But I still remembered he called my name. Ngumisi ang matanda at tinanaw ang sakayan sa bangka, “Ridge! May naghahanap sa’yo dito! Iyong nililigawan mo!” Sigaw niya. Napatda naman ako sa huling sinabi niya. Napalunok ako nang marinig ko na ang yabag ng pagtakbo papalapit sa amin. At bago pa ako mapaatras sa kaba ay natagpuan na agad niya ang mga mata ko. Bumuhos ang kaba sa dibdib ko. Ang pag-init ng mukha ko’y hindi na mapawi. Ramdam na ramdam ko ang pagiging estranghero ko sa lalaking ito. Nag-angat ako ng mukha nang huminto siya sa harapan ko. He’s wearing a faded maong pants at his usual T-shirt na ginupit ang manggas. Hindi ko alam kung talagang naninira pa ba ito ng damit para lang ma-achieve ang ganoong style o dala ng kalumaan. Mukhang nagulat din siya sa pagpunta ko dito dahil napaawang ang mapupula niyang labi. Oh s**t. “May kailangan ka?” Why do I feel so exhausted and calmed with his deep tone voice. Para bang naglalambing na malaking tao. Tumikhim ako at kinalkula ang sasabihin. “A-Ano..Kuya, ako nga pala si Ellie Ybarra..third year ako. Kami iyong panghapon na klase..” Ah! Bakit ang hirap!? Tinitigan niya ako. Iyong titig na hindi kumukurap man lang at tila nakukulangan sa sinabi ko. “Oh?” Napalunok ako sa kaba lalo na nu’ng humalukipkip siya, “Hmm, ano po kasi..gusto ko sanang hingin, kung pwede, iyong notebook mo po last year sa Chemistry at Geometry? Ahmm, gagawin ko lang pong reviewer..” Tumabingi ang ulo niya pero tila hindi pa rin siya kumukurap. “Reviewer? Bakit? Hindi ba’t may libro naman kayo? Bakit kailangan mo pa ng mga dating notes ko? Hmm?” Naestatwa ako sa tanong niya. Para bang nahalata niya ang totoong pakay ko sa paghingi ko ng mga notebook niya. Pero sabi kasi nina Wes ay matalino rin ’tong si Ridge Castillano. At kung notes niya ang kokopyahin ko, mauunahan ko na sa discussion ang mga kaklase ko. “Meron naman Kuya kaya lang..hindi ba pwedeng hiramin ko na lang sa’yo? Ibabalik ko rin kung gusto mo..” Kumibot ang labi niya pero hindi siya kaagad nakapagsalita. He stared at me like I was some kind of a show. Nako-conscious na ako. Umiinit ng husto ang mukha ko! “Kung ako sa’yo, mag-aaral na lang akong mabuti kaysa ang mangdaya. Hindi ko ibibigay sa’yo.” Walang gatol niyang sabi. Bumulusok ang baga sa mukha ko, tila ba pinagpagan niya ako ng apoy sa hiya! Napatingin pa ako sa matanda kung narinig niya kami. Grabe siya, kung ayaw niyang ipahiram e’di h’wag! Langya, ipapahiya pa ako. “Gano’n? Sige po, sa iba na lang ako manghihiram.” Diniin ko pa ang huling salitang sinabi ko. Inis ko na siyang tatalikuran nang bigla siyang nagsalita. “Wala ka bang ibang option?” Kumunot ang noo ko nang tingnan ko siyang muli. Bumitaw siya sa paghalukipkip at sinuksok ang mga kamay sa kanyang bulsa. “Imbes na mandaya ka..magpa-tutor ka na lang.” “Tutor?” Dahan-dahan siyang tumango at bahagyang yumuko para magpantay ang mga mukha namin. And my heart bursted its beat loudly.“Mag-aapply na lang akong tutor mo, Ellie.” Bulong niya. Sandali akong nawalan ng imik. His eyes swum in my system like a drug. Naipit sa’king ugat ang mga katagang gusto kong ibato sa kanya dahil sa titig na binibigay niya sa akin. Tutor? Why not. Dati pa naman iyan inaalok sa akin ni Mama para raw tumaas ang mga grades kong average naman ang naaabot. Syempre, hindi ako pumayag no’n dati dahil sinasalba ko pa ang pride ko kahit papa’no. Tapos isang 4th year lang ang magsa-suggest sa’kin nyan ulit? Tinaasan ko siya ng kilay, “Ikaw po? Bakit Kuya gipit ka ba kaya ayaw mong ipahiram ang notes mo?” I was full of confidence when I said that, but I never expected that he’d clenched his jaw after that. Umigting ang panga niya at bahagyang naningkit ang mga mata niyang nakatunghay sa’kin. Napalunok ako. “Kaya ko namang mag-aral mag-isa at ’di ko na kailangang magpa-tutor. Ang kailangan ko lang naman ay ang reviewer para may masundan po ako, pero kung ayaw ninyong tumulong o magmalasakit..okay lang din po. Sige po, salamat sa oras--” Bigla niya akong nginisihan, “Style mo bulok! Hindi lang ikaw ang lumapit sa’kin para magkunwaring manghihiram ng mga notes ko tapos gagawing kodigo sa mga examination. Marami na akong nakitang ganyang style Miss Ybarra. Kaya nga binibigyan kita ng ibang option at ’di ko ipipilit sa’yo kung ma-pride kang babae. At lalong hindi ako nagpapabayad.” Tila bumulusok ang init sa’king mukha ng isaboy niya sa’kin ang ilang lihim na kalakaran ng mga estudyante. Dati ko pa rin naman iyon nakikita pero binabalewala ko dahil hindi ko planong magpakadalubhasa sa pag-aaral. Ngayon na lamang dahil para sa laptop. May parte sa akin ang na-offend sa sinabi niya. ’Yung pride ko siguro. Pero parte ring bumangon ang inis sa kanya dahil sa matabil nyang dila! “Ire-review ko lang t-talaga iyon! H-Hindi ako m-mandadaya!” Pagak siyang tumawa sa’kin. “Bakit ka nauutal?” Natameme ako at namilog ang mga mata sa kanya. Sa unang pagkakataon ay napatda ako sa isang lalaking binabara ang bawat sasabihin ko. All my high school life, ako ang palaging nambabara sa mga lalaki lalo na kung nagpapakita ng interest sa’kin. I can dominate boys in just one flip of my hand. I can make an order that they will follow and no one says no to me! But how come this boy got into my nerves? Nagagawa niyang mawalan ako ng imik! Is it because he’s right about my intention? O dahil siya ang pinakagwapong nakilala kong lalaki pero ubod na yabang na bangkero? Either one, I simply hate him. Tumikhim ako at nagtaas ng noo. “Payag na akong magpa-tutor! Libre ba? Sasabihan na lang kita kung kailan lang pwede.” “MWF. Pagkatapos ng klase mo susunduin kita. Next week na tayo magstart, malapit na rin ang prelim.” Matatas niyang sabi sabay talikod sa’kin. Napaawang ang labi ko at walang nagawa nang tuluyan niya akong iwang ninakawan ng imik. Ang yabang! At siya pa talaga ang namili ng araw ah? Pahambog!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD