2 YEARS LATER: MABILIS lumipas ang mga araw, buwan, linggo at taon. Ni hindi namalayan ni Bella na dalawang taon na pala ang nakakalipas magmula noong magkalayo sila ng nobyong si Igop. Sa mga nakalipas na taon ay parehong naging abala ang dalawa. Limitado na rin ang naging oras ni Bella sa lahat. Sa personal man o sa pamilya. Pinagsabay kasi nito ang pag-aaral at pagiging actress at model. Hindi naman siya nabigo na inabot ang pangarap. Sa nakalipas na dalawang taon ay namamayagpag na ang pangalan nito sa showbiz industry. Kabilang siya sa mga sikat ngayon katulad ng mga pinsan din nitong nasa showbiz. Magmula noong nagkalayo na sila ni Igop ay nawalan na rin sila ng communication sa isa't-isa. Palagi namang dumadalaw ang pamilya nito dito sa syudad para dalawin at kumustahin ang da

