Basbas

2038 Words

ISABELLA: TAHIMIK akong nakahalukipkip habang nakatayo dito sa may bintana ng silid ko. Nakatulog na ang mga kasama ko dito sa bahay. Ako na lang ang hindi. Hindi ako dalawin ng antok kahit pinipilit ko. Iniisip ko kasi si Typhus na nasa laot ngayon kasama si Tatay at Tyrone. Pagdating namin kanina ni Tyrone dito sa bahay ay nagkagulatan pa kami. Akala pa nga ng mga ito ay si Typhus ang kasama ko. Wala si Tatay, Elijah at Eden dahil nasa palengke pa sila kaya si Nanay at Eivon lang ang naabutan namin. Nagkaiyakan kaming nagyakapan. Kahit hindi nila ako tinatanong ay alam naman na nilang si Typhus ang ama ng dinadala ko. Ilang minuto lang naman ay dumating na rin sina Tatay, Elijah at Eden na nagulat pang mabungaran kami ni Tyrone dito. Kitang natigilan si Tatay na makitang buntis

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD