MAAGANG lumabas si Igop at Bella ng unit. May kukunan kasing scene si Bella ng sunrise kaya kailangan nilang agahan ang pagtungo sa location ng set. Hawak ang kamay ni Bella habang nagmamaneho ito. Impit namang napapairit si Bella sa tuwing dadalhin ni Igop sa tapat ng labi ang kamay nito at masuyong hinahalikan ang palad nito. "Matatagalan ba ang taping mo ngayon, baby?" tanong ni Igop na saglit napasulyap sa nobya. Napapanguso naman si Bella. Kung siya lang ang masusunod ay hindi sana ito magtutungo ng taping nila. Gusto kasi nitong masolo na muna si Igop. Sulitin ang dalawang taon nilang pagkakalayo. Pero dahil makulit ang manager nito na siyang may hawak sa kanya ay napilitan itong lumabas ng unit kasama si Igop. "Uhm, it takes three to four hours, baby. Anyway. . . ." Napasulyap s

