ISABELLA: HINDI pa man ako nakakasagot dito ay tuluyan ng lumapat ang mga labi nito sa aking labi na ikinanghina ng mga tuhod kong napayapos sa batok nito. Mas humigpit naman ang pagkakayapos nito na masuyong inaangkin ang mga labi ko habang paakyat ang elevator na kinasasakyan namin. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Na parang nawalan ako ng lakas para itulak ito o kaya ay umalma sa kanyang kalapastanganan na inaangkin na naman ang mga labi ko! Napasabunot ako dito at kusang naiawang ang bibig ko sa marahan niyang pagkagat sa ibabang labi kong ikinaungol ko. Hindi ko namamalayan na napapasunod na rin ako ditong tinutugon ang kanyang halik, na ikinauungol din nito at mas pinalalalim ang aming halikan! "Uhm. . . teka, kiss lang. Ang manyak mo talaga. May palamas talaga, ha?" nagh

