TYPHUS: KABADO ako habang palapit dito. Tumuloy siya ng balcony at tahimik na nakatanaw sa paligid habang nakahalukipkip. Napapahid ako ng pawis sa noo at napabuga ng hangin para ibsan ang kaba ko. Maingat bawat yabag kong lumapit sa kinaroroonan nito. Kahit kabado ako ay nilalabanan ko. Ayokong sumama ang loob nito sa akin lalo na't wala naman akong ginawang masama. Wala siyang. . . dapat ipag-alala. "Baby," malambing pagtawag ko na niyakap ito mula sa likuran. Hindi naman ito tumugon na nanatiling sa tanawin nakamata. Inilapat ko ang baba sa kanyang balikat habang nakatagilid ditong pinagmamasdan siya. "Galit ka ba, baby?" paglalambing ko pa. "Bakit, dapat ba matuwa ako, ha, Typhus?" pabalang sagot nito. Mas niyakap ko naman ito na napapanguso habang nakatitig sa kanya. "Siya a

