ISABELLA:
HABANG nagkakape kami nito ay pinapaliwanag niya ang mga magiging takbo ng kaso. Kung saan binigyan niya ako ng sarili kong abogado para magabayan din ako. Ayon sa nakalap nila ay walang cctv sa eksaktong lugar na pinangyarihan ng aksidente. Pero sa statement ni Tatay ay maliwanag na mabilis ang patakbo ng driver. At sa uri ng sasakyang gamit nito na isang red ferrari ay masasabing. . .ay kaya ang salarin. Sayang lang at hindi matandaan ni Tatay ang plaka ng sportcar na 'yon para madali sanang mahanap.
Ang sabi naman ni Dos ay ginagawa nila ang lahat para makakuha pa ng ibang impormasyon sa salarin. Nakikipag-ugnayan na rin sila sa mga kalapit na barangay para makakuha ng kopya ng cctv. Baka sakaling may nakahagip sa red ferrari na dumaan sa malapit para makuha ang plaka nito.
Ang sabi rin nito ay gagawin niya ang lahat para mahuli ang salarin. Tiwala naman ako sa salita nito dahil kita namang determinado ito sa kanyang trabaho. Sana nga. Sana nga ay mahuli niya ang walang hiyang sumagasa sa ina ko.
Napayuko ako na nangilid ang luha. Tumabi naman ito na inakbayan ako at hinagod-hagod sa braso.
"Wala siyang awa. Kung walang ibang sumaklolo sa mga magulang ko ay patay na ang Nanay ko ngayon. Bakit may mga ganong tao, Dos? Na balewala lang sa kanila ang buhay ng iba. Dahil ba. . . dahil ba mahirap lang kami?" puno ng pait kong saad dito.
Napahinga ito ng malalim na naghubad ng jacket at ipinasuot sa akin. Napaangat ako ng mukha na nilingon itong ngumiti lang at pinahid ang luha ko.
"Huhuliin ko siya. Magtiwala ka lang sa akin, hmm?" anito.
"Salamat, Dos. Huliin mo siya, please? Kahit mahirap kami ay karapatan din naman siguro namin na mabigyan ng hustisya ang ginawa niya sa ina ko, hindi ba?" aniko na ikinangiti at tango nito.
"Oo naman, Isabella. Kaya nga nandidito kaming kapulisan para paigtingin ang batas na pantay-pantay para sa lahat," sagot nito na nakangiti.
Nagpahid ako ng luha na lakasloob humawak sa kamay nitong nasa ibabaw ng mesa.
"Salamat, Dos. Hayaan mo, makakabawi din ako sa mga tulong mo. Ngayon pa lang ay sobra-sobra na ang pasasalamat naming pamilya sa'yo. Salamat talaga," buong damdaming saad ko.
"It's nothing. I'm just doing my job," kindat pa nito na nakangiti.
Nangingiti na rin akong nag-iwas ng tingin dito. Nakatitig kasi ito sa mga mata ko at nakakahiya namang mabasa niya sa mga mata kong may gusto kaagad ako sa kanya. Baka isipin pa nitong easy to get akong uri ng babae.
"It's getting late. Ihatid na kita sa inyo, huh?" anito na napasulyap pa sa wristwatch nito.
Nahiya naman ako na naitago ang relo ko dahil rolex white gold lang naman ang relo nito. Kumpara sa relo ko na nabili lang sa bangketa ng tig one hundred pesos.
"O-okay lang ba?" alanganin kong tanong.
"Yeah, of course. Kasama kita kaya. . . responsibilidad kong maihatid ka ng maayos sa tahanan niyo," anito na inalalayan pa akong makatayo.
Kimi akong ngumiti na nagpatianod na ditong lumabas ng coffeeshop.
"Are you cold? Magpasundo na lang tayo sa driver ko?" saad nito na malingunan akong napahalukipkip.
Malamig kasi dito sa labas at hindi ako sanay na naggagagala sa gabi. Isa pa ay kay sarap sa balat ng jacket nitong mainit at malambot ang tela. Halatang mamahalin ang presyo.
"Uhm. . . hindi, okay lang. Ikaw na lang ang magmaneho," sagot ko na ngumiti dito.
"Okay."
Nauna itong sumakay ng bigbike motor nito bago ako inalalayan. Nakakahiya lang na kay lambot ng palad niya na parang sa bulak. Habang ako ay magaspang at may katigasan pa. Hindi man niya sabihin pero. . . kita namang galing siya sa may kayang pamilya. Napangiti ako habang nakakapit sa baywang nito na binabagtas ang kahabaan ng highway pauwi ng Taguig.
Nakatira kami sa isang compound na tinatawag ng ibang squatters area. Siksikan ang mga pinagtagpi-tagping bahay doon. Maingay, magulo pero masaya ang mga tao doon na parang iisa lang.
Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa tapat ng compound namin. Nauna akong bumaba na inalalayan nito dahil masyadong mataas ang motor niya. Nagtanggal ako ng helmet na iniabot dito.
Napapagala naman ito ng paningin sa mga kabahayan sa tapat na halos dikit-dikit na.
"Dito kayo nakatira?" tanong nito na bumaba na rin ng motor niya.
Nahihiya naman akong tumango dito.
"O-oo. Uhm. . . sige na, salamat ulit sa paghatid, ha?" pagtataboy ko.
Napanguso naman ito na muling iginala ang paningin sa paligid.
"Hindi ka ba magpapa-kape? Ang lamig kaya," nguso nito.
"O-okay lang ba? Maliit lang ang bahay namin at siksikan kami doon, Dos. Nakakahiya kasi sa'yo eh," pagtatapat ko.
"Hwag ka ng mahiya sa akin. Hindi ako matapobre kung 'yon ang inaalala mo," nakangiting sagot nito na inakay na ako.
Wala na akong nagawa kundi ang igiya ito papasok ng looban. Iskinita lang ang madaraanan papasok sa mga kabahayan dito. Siksikan na kaming mga naninirahan dito dahil wala naman ang may-ari ng lupa. Kaya dito nagpatayo ng maliit na bahay ang mga katulad namin. Lalo na sa aming mga galing ng probinsya at nakipag sapalaran lang dito sa syudad.
Ilang minuto lang ang nilakad namin at narating na namin ang bahay. Dalawang palapag ito. Concrete ang ibaba at yero naman ang dingding sa itaas.
"P-pasok ka," pagpapatuloy ko dito.
Hindi ko maiwasang mailang dahil napapatingala pa ito pagpasok namin. Malinis at maayos naman kami sa bahay. Pero sa mga katulad ni Dos na anak mayaman ay tiyak akong hindi tahanan ang tingin nito sa bahay namin. Nakakatuwa lang na wala akong mabasang pagka-dis-gusto sa kanyang mukha.
Lumapit ito sa dingding kung saan nakasabit ang ilang litrato naming pamilya.
"Graduate ka pala. Anong kurso ang natapos mo?" usisa nito na sa larawan ko nakamata.
Naka-toga kasi ako doon dahil kuha iyon noong nagtapos ako sa probinsya. Scholar ako ng university namin doon kaya naigapang nila Nanay at Tatay ang pag-aaral ko.
"Business management," nahihiyang sagot ko.
"Really!? So, nagtatrabaho ka na ba ngayon?" muling tanong nito na napasunod sa akin dito sa kusina.
Naupo ito silya na nakamata sa aking nagtimpla ng kapeng barako mula sa thermos namin. Napangiti pa ito na masamyo ang aroma ng kape.
"Oo. Pero. . . naghahanap ako ng iba. Maliit kasi ang sahod ko bilang encoder sa kumpanyang pinapasukan ko eh," sagot ko matapos ilapag sa harapan niya ang kape.
"Kumakain ka ba ng kakanin? Pasensiya ka na, ha? Wala kaming tinapay dito," saad kong ikinangiti at tango nito.
"Yeah, sure. Kakainin ko. . . anuman ang ihain mo," kindat nito na may pilyong ngiti sa mga labi.
Nag-init naman ang mukha ko dahil parang double meaning ang sinaad nito. Lalo na't nangingiti ito na matiim na nakatitig sa akin. Pinaglagay ko ito sa platito ng biko na sideline din namin.
Sa umaga kasi ay sa palengke naroon sila Nanay at Tatay para magtinda ng mga gulay at kakanin. Kasama ako. Part-timer lang naman kasi ako sa kumpanya kaya hindi ako buong araw na nakababad doon. Sa gabi naman ay nagtitinda na sa kalye sina Nanay at Tatay ng mga balot, at chicharon. Habang ako ay nasa McDonald's sa malapit. Isang kahera doon na part-timer lang din sa gabi. Kaya madalas ay madaling araw na kami umuuwi nila Nanay at Tatay ng bahay mula sa trabaho. Kulang na lang ay gawin naming araw ang gabi sa kakakayod.
Mahirap ang buhay namin sa probinsya namin sa Palawan. Kaya kami lumuwas ng syudad. Doon kasi ay mangingisda sina Nanay at Tatay. Nakikitira lang din kami doon sa bakanteng lupa na kaharap ang mga naggagarahang beach resort. Kaya naman sideline namin doon ay mamulot ng mga shells at ginagawang garland at bracelet na pang-akit sa mga turista para souvenir nila sa lugar.
Pero mas mahirap pa pala dito. Dahil kahit tubig namin na panligo ay binabayaran namin. Kaya kahit kayod kalabaw kami nila Nanay at Tatay para maiahon ang isang araw na hindi gutom ang mga sikmura namin ay hindi pa rin kasya ang kita namin. May tatlo akong nakababatang kapatid na nag-aaral sa highschool at kolehiyo. Mabuti na lang at scholar din ang mga ito kaya hindi kami nahihirapan sa tuition fee nila.
"Hmm. . . ang sarap nito ah. Ikaw ba ang nagluto nito?" tanong nito.
Napabalik naman ang ulirat ko na nagsalita ito. Lihim akong napangiti na makitang naubos na niya ang biko sa kanyang platito at kitang nagustuhan iyon na sinasabay sa kapeng barako nito.
"Oo. Nagustuhan mo naman?" tanong ko na nakangiti.
"Yeah. Ang sarap niya. Bagay siya sa kape. Anyway. . . gusto mo bang ipasok kita sa kumpanya namin?" anito na napaseryoso.
Natigilan ako na sunod-sunod na napalunok sa sinaad nito. Baka kasi namamali lang ako ng narinig.
"A-ano?" ulit kong tanong.
Inubos nito ang kape niya bago nagpunas ng tissue sa bibig.
"Baka lang gusto mong subukan sa kumpanya namin, Isabella. Pwede kitang ipasok doon," saad nito.
"Totoo? Pwede ba?" magkasunod kong tanong na napatayo at lumipat ng upuan sa tabi nito.
"Oo naman. Marami naman kaming kumpanya na hiring. Hotel, restaurant, resort, boutique, at iba pa. Pero mas gusto kitang ipasok na secretary ng Kuya ko. Naghahanap kasi siya eh. Pwede ka ba?" saad pa nito na ikinaawang ng bibig ko.
Hindi nga ako nagkamali. Hindi lang siya basta anak mayaman. Napakayaman nga pala talaga nila. Pero nakakatuwang. . . ang bait niya at hindi matapobre. Lahat kasi ng mga nakasalamuha kong may kaya ay ganun. Na minamata-mata lang kami dahil mahirap lang kami. Katulad na lamang. . . nung walang hiyang bumangga sa ina ko.
Nangilid ang luha ko na ikinahawak naman nito sa kamay ko. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib sa kaisipang. . . magtatrabaho ako sa isang malaking kumpanya.
"Wala akong alam sa pagiging secretary eh. Baka hindi ako qualified," alanganin kong sagot.
Napanguso naman ito na tila sinusuri na naman niya ako sa kanyang isipan.
"Lahat naman tayo ay nagsisimula sa walang alam. Ako din dati. Wala akong alam sa pagpu-pulis. Pero nagawa ko naman dahil determinado akong maging alagad ng batas. As long as masipag ka, may tiwala sa Maykapal at sarili mo, walang rason para hindi mo matutunan ang mga gusto mong tahakin, Isabella."
"Pero. . . baka kasi hindi ako magustuhan ng Kuya mo," sagot ko dito.
"Sus. Sa ganda mong 'yan. Baka jowain ka pa no'n. Babaero pa naman 'yon. Kaya kung gusto mo ang trabaho, sabihan mo ako. Para maipakilala kitang girlfriend ko at hindi ka niya bakuran," kindat pa nito na ikinainit ng mukha ko.
Ngingisi-ngisi pa ito na makitang pinamumulaan ako ng pisngi.
"Hwag kang mag-alala. Mabait naman si Kuya Typhus. Hindi siya supladong boss kaya. . . hindi ka nu'n basta-bastang sisisantein sa trabaho. Pero babaero 'yon. Kaya kailangan mo ring mag-ingat sa kanya. Mabulaklak pa naman ang bibig ng isang 'yon," paturnada pa nito.
"Anong mabulaklak?"
"Mabulaklak. 'Yong. . . bolero, matamis magsalita, at mabilis kausap. 'Yong tipong hindi mo namamalayang. . . iniisahan ka na," kindat nito na ikinangiwi ko.
"Bakit, wala ba siyang asawa?" pag-uusisa ko.
Hindi ko rin alam kung bakit parang naging intresado naman yata akong malaman ang patungkol sa Kuya niya. Marahil dahil. . . gusto kong pumasok sa kumpanya nito dahil tiyak kong. . . mas malaki ang kikitain ko doon.
"Asawa? Wala. Pero. . . maraming babae 'yon eh. Kaliwa't-kanan," naiiling saad naman nito.
"Eh ikaw, ganun ka din?" balik tanong ko dito.
Natawa naman ito na napahimas pa ng baba. Nag-init ang mukha ko na napalapat ng labi na magtama ang mga mata namin.
"Wala. Kapag mas nakilala mo ako ay maaawa ka na lang sa love life ko dahil sa totoo lang? NGSB ako," kindat nitong ikinatawa kong napailing.
"Parehas lang pala tayo, Dos. NBSB din kasi ako eh. At wala pa sa plano ko ang mga bagay na 'yan," natatawang sagot ko.
"Yown oh! Kaya bagay tayo," masiglang saad nitong ikinatawa kong pabirong nahampas ito sa braso.
"Sige na. Malalim na ang gabi."
"Oh s**t! Oo nga pala. Ang sarap mo kasing kakwentuhan eh," bulalas nito na napatayo dahil halos alauna na rin ng umaga.
Inihatid ko naman ito sa may pinto.
"Ihatid kita sa labasan?"
"Hwag na. Dito ka na lang. Iisa lang naman ang iskinita na pinasukan natin," sagot naman nito na lumabas na ng pinto.
"Sure ka?"
"Oo. Salamat," anito.
"Uhm. . . sige. Tawagan mo na lang ako, ha?"
"Sure. Goodnight. Magpahinga ka na," pamamaalam nito.
Napangiti akong kumaway naman dito.
"Sige. Mag-iingat ka sa pagmamaneho mo, ha? Salamat din sa paghatid. Goodnight, Dos."
Ngumiti itong napakindat pa at kaway bago tuluyang pumihit patalikod sa akin. Napasunod na lamang ako ng tingin dito hanggang sa makaliko na siya. May ngiti sa mga labi na isinarado ko na ang pinto at nag-double lock bago nagtungo ng kusina. Niligpit ko na muna ang pinagkapehan namin ni Dos bago naglinis ng katawan at umakyat ng hagdanan. Sa second floor kasi ang silid naming apat na magkakapatid. Dito sa baba ang silid nila Nanay at Tatay.
Matapos kong magbihis ng pangtulog ay sinilip ko na muna ang mga nakababatang kapatid ko. Napangiti ako na isa-isang inayos ang kanilang kumot at napahalik din sa noo nila. Napatitig ako sa mga ito na nahihimbing. Kahit tulog na sila ay kita ang lungkot at pag-aalala sa kanilang maaamong mukha. Alam kong nag-aalala na rin sila sa kalagayan ni Mama. Napahinga ako ng malalim na tumayo na at pinatay ang ilaw bago bumalik ng silid ko.
May ngiti sa mga labi na payapa ang puso at isipan kong pumikit at nagpatangay na sa matinding pagod at antok. Naalala ko naman si Dos na lalo kong ikinangiti. Ang gaan kasi ng loob ko sa kanya. Napaka-casual niyang makipag-usap na dama mong totoong tao siya. Ang swerte naman ng babaeng mapusuan niya. Nasa kanya na ang lahat. Kagwapuhan, kakisigan, kayamanan at katanyagan. Sinong babae nga naman ang hindi mahuhulog sa isang tulad niya. Idagdag mo pang mabait, makulit, maginoo at mukhang malambing din ito sa mga nakapaligid sa kanya.
Napakaswerte ng babaeng maiibigan niya. Dahil na kay Dos na ang lahat-lahat.
Kung pwede lang akong humiling. Sana. . . sana ako na lang ang maibigan niya in the future. Malay naman natin, 'di ba? Sana magustuhan din ako ng unang lalakeng. . . naging crush ko. Si Captain Dos Del Mundo.
Naiiling na lamang ako sa naiisip na tuluyang nagpatangay sa antok ko.