TYPHUS: TAHIMIK akong nakaupo dito sa dalampasigan. Nakabalik na kami ni Isabella dito sa probinsya nila para sa gaganaping kasal namin. Nahihimbing naman na si Isabella at pamilya nito. Malalim na rin ang gabi pero hindi pa rin ako dalawin ng antok. Bukas na ang kasal namin ni Isabella. Hindi na ako makapaghintay na dumating ang umaga at matawag ko na siyang aking may-bahay. Bukas pa naman ang datingan ng pamilya ko dito. "Baby?" Napalingon ako at napatayo na malingunan si Isabella na papalapit. Himas-himas pa ang tyan nitong may kabilugan. Sinalubong ko ito na hinaplos sa tyan. Yumakap naman ito sa akin na ikinahalik ko sa ulo nito. "Bakit gising ka pa, hmm?" tanong nito na nakatingala at napapanguso. Maliwanag pa rin ang paligid dala ng buwan na bilog na bilog. Inakay ko naman

