CHAPTER TWO:

1576 Words
Chapter Two: “Grabehan besh! Sureness ako na sumakit ang puson ng lalaking ‘yon!” Girly exclaimed. Tumaas ang kilay ko, ibinaba ko ang kutsara ko sa plato ko at hinarap ko s’ya. S’ya lang, ganon? S’ya lang? “My gosh! Ako nga rin sumakit ang puson ko, eh...” Natawa si Girly pagkatapos ay sumandok sa kanin n’ya at isinubo iyon. “Grabe kasi besh! Ang gwapo, ang ganda ng katawan, matipuno at kahit hindi ko pa nakikita alam kong malaki kaya lang natigilan talaga ako sa tattoo n’ya.” Pagkukwento ko at saka sumubo ng ulam kong pechay. Naalala ko tuloy kung paano ako naghirap kagabi, kung paanong nanaginip pa ako na nagjejerjer kami ng Ivo na iyon! My gosh! Paggising ko wet na wet ako! “Hays, naiimagine ko kung gaano s’ya kasarap sa pagkukwento mo pa lang, sayang at hindi mo natikman. Sana kasi tinikman mo na lang, besh! Hindi naman malalaman ng girlfriend or wife n’ya.” Umirap ako. Palibhasa, hindi n’ya naranasang mapahiya dahil naging kabit. Wala akong kaalam alam. Like duh? Tatlong araw lang kaming nagdate ‘nong lalaking ‘yon na nakalimutan ko na ang pangalan, hindi pa nga kami umabot sa nagjerjer kami, make out pa lang ay nahuli na kami. Grabe, ang o.a ‘nong babae! Sinigawan ko nga s’ya ng “Walang forever, f**k you!” “Bilisan ninyo ang pagkain n’yo d’yan, puro kayo landi, maraming pasyente mga Inday!” biglang pumasok sa eksena si Doctora Lapuz. “Ganon talaga Doc, wala naman kasi kaming mga jowa. Sarap lang ang habol namin.” Natatawang sabi ni Girly. “Sarap, huh? Sige at kapag nakakuha kayo ng sakit sa mga pinaggagagawa ninyo, tatawanan ko lang kayo," aniya at saka kumuha ng gloves sa cabinet. “Bilisan n’yo d’yan at may paaanakin pa tayo!” Nagtawanan kami ni Girly at saka nagmamadaling inubos ang kinakain namin. Hindi pa nga kami halos nangangalahati sa kinakain namin, tinatawag na kami. Wala kasing lunch break kapag public hospital. Isinisingit lang namin ‘yong pagkain namin. Ang dami dami kasing buntis, my gosh! Minsan may yearly patient pa kami. As in, every year s’yang nabubuntis! Like what the F, right? “Misis, iire mo ‘yan ng maayos. Kapag hindi mo ‘yan inire, hindi ‘yan lalabas,” ani Girly doon sa buntis na panay lang ang ngawa, hindi naman umiire para bumaba ang bata. Dalawang oras na s’yang naglelabor at hanggang ngayon ay 6 cm parin ang sukat ng bata mula sa pwerta n’ya. Ayaw kasing umire! Nakakaimbyerna. “Iire mo ‘yan, misis. Mas bata pa sa’yo ‘yong naglelabor dito kanina pero nailabas n’ya kaagad.” “Ah! Ang sakit! Uhaw na uhaw na po ako, ayoko na!” sigaw n’ya pero bawal na kasing kumain o uminom ng tubig kapag naglelabor na. “Sabihin n’yo po ‘yan sa asawa n’yo kapag nagbabalak na namang dagdagan ang anak ninyo,” sabi ni Girly na bahagyang ikinatawa ko. Hindi ko alam kung matatawa ako o mabubwiset sa mga nanganganak na ganyan ang palaging reklamo, kesyo masakit, ayaw na raw pero kapag ginagawa nila ng mister nila sarap na sarap! Sigurado akong tumitirik pa ang mga mata n’yan kakahiyaw ng isa pa. Six a.m to six p.m ang pasok ko. Kaya six p.m ay nag aayos na ako para makauwi. Ang sarap ng buhay ko ngayon dahil hindi ako night shift. Nakakatakot kasi kapag night shift, halos dilat ang buong mga mata ko buong gabi ang hirap hirap pa kapag nag iikot kami sa bawat ward ng mga pasyente. Kapag napapadaan ako roon sa mga bakante, nakakatakot! Nakakakilabot! “Palit na tayo ng shift, Ella.” Nakabusangot na sabi ni Helen. “Hintayin natin na magpalit tayo ng shift Helen.” I chuckled. Sinuklay ko ang buhok kong hanggang ilalim na ng pwet ko. Bagsak na bagsak ang buhok ko kahit hindi ko pinparebond. Inggit na inggit tuloy ang mga gaga! “Beshy! Beshy!” tawag sa’kin ni Girly nang matapos s’yang magbihis sa cr. “Oh, ano na namang problema mo?” taas kilay na tanong ko. “Sama tayo sa pa-pool party ni Eduard!” Umangat ang kilay ko sa sinabi n’ya pa-pool party ni Eduard? Last month lang may pool-party na s’ya, ngayon meron ulit? Yayamanin talaga iyong si Eduard! “Ano bang trabaho n’yang si Eduard at palaging may pool-party?” kuryosong tanong ko kay Girly. “Ah, Director ng RW Corporation.” Kibit balikat na sagot ni Girly. “Director? My gosh! Director s’ya? Yayamanin nga! So kaano ano n’ya iyong C.E.O?” Tanong ko pa. “Kuya n’ya! Si Dos Ramirez!” kinikilig kilig pang sabi n’ya. Pareho kaming naghiyawan. Oh my gosh! My gosh! Ang gwapo gwapo ni Dos Ramirez, nakita ko s’ya dati sa DCS Magazine at nafeature s’ya as one of the most successful C.E.O in the Philippines. Grabe, pangmodel ang datingan. “Kaya tara na’t pumunta ka na sa pool-party. Last month, hindi ka kasi sumama.” Tumango ako at nginitian si Girly. Last month kasi, may iba akong pinuntahan ‘non. Hindi ako nakasama kay Girly. Nakalimutan ko na nga kung saan ako sumuot ‘nong araw na iyon. Basta ang alam ko lang, may jowa ako ‘non. “Ang lalandi talaga, wala nang ibang ginawa kundi ang magparty ng magparty,” parinig ng isang co-nurse namin. “Di bale nang labas ang landi kaysa nasa loob ang kulo, kunwari malinis pero ang totoo kating kati rin,” balik parinig ni Girly. Ikinawit ni Girly ang kamay n’ya sa braso ko. “Tara na nga, beshy. Baka may malagas pa na buhok sa araw na ito.” Nagtawanan kami pareho. Iyon talagang co-nurse namin na si Eula, masyadong inggit sa aming dalawa. Magbestfriend na kami ni Girly highschool pa lang. S’ya ang kasama ko sa hirap o sarap, sa kalokohan at kagagahan. Partners in crime kami n’yan, eh. Halos hindi kami mapaghiwalay! Kaya sabay din kaming nag aral dito sa Maynila ng nursing. Taga Batangas talaga kami pareho at doon kami lumaki. Kung pwede nga ay magkasama na rin sana kami sa apartment kaya lang pinaghiwalay kami ng tinutuluyang apartment kasi ayaw ng mga nanay namin. Masyado raw kaming loko loko kapag magkasama kami palagi. Kamuntikan pa nga kaming hindi makagraduate ‘nong college, eh! Lasing kasi kami bago ang graduation. Pero look at us now? Three years na kaming registered nurse. “Saan ba tayo uuwi? Sa bahay mo o sa bahay ko?” tanong ni Girly. “Sa bahay ko na lang, sigurado akong magulo na naman ang bahay mo, eh.” PREMITIVO “Prosecutor Hutterson, ito na po ang iba pang mga files.” Inilapag ni Michelle ang sandamakmak na kaso sa harapan ko. Sandamakmak as in ang dami! Mukhang mas lalo akong mabubwiset ngayon. “Bakit parang badtrip na badtrip ka ngayon, Ivo?” tanong n’ya sa akin. Nag angat ako ng tingin kay Michelle. Co-worker ko s’ya bilang prosecutor. Prosecutor rin s’ya pero ako ang head sa buong opisinang ito. “Naku Michelle, huwag mo nang tanungin at baka mabadtrip ka rin.” Ryan said. Nakita kong umirap si Michelle kay Ryan bago bumalik sa table n’ya. Michelle has a secret crush on me, I don’t know if it’s a secret but I already know, so... I guess it’s not. “May pa-pool party na naman daw ba si Eduard? Grabe, yayamanin talaga ‘yang kinakapatid mo, Ivo.” Ryan chuckled. I lifted my head to see Ryan, busy eating his favorite chips. “Yeah, you're invited?” I asked him. Tumango s’ya tsaka dinilaan ang mga daliri n’ya. I find it gross but for other girls, he looks like seducing them. “Pupunta ka?” Tumango ulit s’ya. “Ikaw?” tanong n’ya sabay subo ng isa pang chips. “Oo, pupunta ako. Hindi ako nakapunta last time, nagtatampo na raw ang gago," sagot ko. Ibinalik ko na ang tingin ko sa mga files. Binasa ko iyong unang nakuha ko at napailing. “Robbery case, again.” “Uso na naman ngayon ‘yang holdapan, hay nako.” Biglang sabat ni Michelle. Hindi ko s’ya pinansin, nagpatuloy ako sa pagtatype ng mga pangalan ng mga sangkot sa kaso. Kailangan ko pang interviewhin bukas iyong na-holdap. Perks of being a prosecutor, kung alam ko lang na hectic pala ang maging prosecutor, edi sana sumunod na lang ako kay ate. f**k! Pero mas ayos nang maging busy kaysa palagi kong naaalala iyong ex-girlfriend ko. “Baka sakaling mawala ‘yang init ng ulo mo, Ivo kapag nagparty na mamaya. Saang ulo ba kasi ang mainit?” natatawang sabi ni Ryan. Nag angat akong muli ng tingin sa kanya at sinamaan s’ya ng tingin. “Maghugas ka ng kamay bago ka humawak sa mga files, Ryan. Sasapakin talaga kita kapag narumihan ‘yan!” Tinawanan n’ya lang ako at tumayo na para maghugas ng kamay. Mainit talaga ang ulo ko mula pa kagabi. Lintek na babae kasi ‘yon! Pinasakit ang puson ko kagabi, sobrang init na init na ako at kaunti na lang ay lalabas na pero anong nangyari? Nakita n’ya ang tattoo ko! Hindi s’ya naniniwalang ex ko na iyon, kasi f**k! May past experience yata ang babaeng ‘yon! For almost two years, I hadn't feel that way again. Kagabi ko lang ulit naramdaman iyong ganong klaseng pagnanasa pagdating sa babae. At kagabi lang sana ako ulit makikipagsex sa isang babae! Oo, maraming babae d’yan, pero iba talaga s’ya, unang tingin ko pa lang sa kanya ang lakas na ng karisma n’ya. She’s like... Fuck! Just by thinking how she ride on me last night makes me horny! “Tara na, Ivo? Umalis na si Michelle, niyayaya kong sumama sa’kin pero ayaw n’ya. Masasaktan lang daw s’ya.” Sabi ni Ryan. Nakatayo na s’ya sa harap ng table ko. Napatitig pala ako sa monitor dahil naisip ko na naman iyong si Ella. Hinding hindi ko talaga makakalimutan ang babaeng ‘yon. “Teka lang, papatayin ko lang ‘tong PC ko.” Nagligpit na muna ako at nag ayos ng kaunti bago sumunod kay Ryan. Pagkalabas namin ng opisina, sumulyap muna ako sa gilid ng pintuan kung saan nakasulat ang pangalan ko. “Prosecutor Premitivo Hutterson,” basa ko roon. “Grabe, hindi mo pa rin pala naaalis sa sarili mo na basahin palagi ‘yang pangalan mo d’yan.” Tinawanan ko lang s’ya. Ang totoo, binasa ko lang talaga iyon habang iniimagine kung paano n’ya bigkasin ang pangalan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD