PROLOGUE:

300 Words
Prologue:   “Will you marry me...” Inangat ko ang suot kong t-shirt. Nagsitilian ang mga babaeng barkada namin, maski ang mga lalaki ay nagsisigawan na. “Mariel?”   Bumaba ang tingin n’ya sa tattoo ko na nasa lower abs ko. Nakasulat doon ang pangalan n’ya, kahapon ko lang ipinatattoo dahil alam kong sigurado na ako na s’ya lang ang babaeng mamahalin ko buong buhay ko. Siya lang ang gusto kong makasama, habang buhay.   “Premitivo...” she cried.   Yumakap s’ya sa akin. Mas lalong nagsigawan ang mga nasa paligid habang ako naman ay malaki ang ngiti dahil sa wakas! Ikakasal na kami sa loob ng apat na taong relasyon naming dalawa. Sa wakas, magkakaroon na kami ng pamilya.   “Thank you Mariel,” I whispered.   Pero hindi s’ya sumagot. Nanatiling mga hagulgol n’ya lang ang naririnig ko mula sa kanya.   “Honey, please talk to me. Kinakabahan tuloy ako,” sabi ko.   Hindi kasi ako mapakali na puro iyak lang ang isinasagot n’ya sa akin. Ni hindi pa s’ya sumasagot ng “oo” kaya medyo kinakabahan na rin ako.   “I’m sorry, Ivo. I’m so sorry...”   Mas lalo akong kinabahan. Pakiramdam ko naubusan ng dugo ang buong mukha ko sa sinabi n’ya. Hindi ako makahinga habang humihiwalay s’ya mula sa pagkakayakap sa’kin.   “W-what are you saying?” naguguluhang tanong ko.   Kasi hindi ko na alam. Natatakot ako sa sunod na sasabihin n’ya, parang ayokong marinig pero wala akong lakas para takpan ang mga tenga ko.   “I’m sorry Ivo pero kasi hindi na kita mahal. Hindi ko alam kung kailan at paano nangyari, basta isang araw nagising na lang ako na hindi na kita mahal.”   Walang kurap kurap, tumulo ang mga luha sa mga mata ko. Bumagal ang paghinga ko, hindi ako makapagsalita. Walang kahit na anong salita ang lumalabas sa bibig ko. Pero ang puso ko, walang humpay sa pagkalabog at pagsikip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD