Makulimlim ang langit. Tahimik ang paligid, tanging huni ng ibon at kaluskos ng dahon ang maririnig. Nakaupo si Keonna at sa tabi niya si Thunder na parang nahihiya pang mag salita. Nasa loob ng bahay nila ang parents nito at masinsin na kinakausap ang parents niya dahil sa nangyari sa kanila. Tulad niya bakas pa rin kay Thunder ang kalupitan na inabot nila sa kamay ng masasamang loob. Hawak niya ang luma rosary bracelet na bigay ng Lola Pipay niya.
Alam niya na lahat kinaaawaan siya dahil sa nangayari sa kanya pero ang totoo mas nag-aalala pa siya sa Ate Athena niya kung nasaan na ito ngayon after itong dalahin ng mga masasamang tao. Kung hindi siguro dumating ang Ate niya baka tuluyan ng na sira ang buhay niya. Kung may nangyari man sa kanila ni Thunder hindi niya iniisip na masama yun dahil nasa sitwasyon sila na walang tama kundi piliin gumawa ng mali kesa tuluyan na masira siya.
"How are you feeling?" tanong ni Thunder, matipid naman na ngumiti si Anna na saglit na lumingon kay Thunder.
"I’m okay… or at least, I’m trying." Tumango si Thunder, nakaupo sa tabi niya, ilang pulgada lang ang pagitan. Sandaling katahimikan habang nakatingin lang sila sa garden di kalayuan sa lanai kung saan sila naka-upo.
"I still can’t forgive myself, Keonna. Hindi ko dapat hinayaang mangyari ‘yun."
"Kuya Thunder, it wasn’t your fault. You saved me. That’s all that matters. Kung di mo ginawa ang ginawa mo sila ang gagawa at baka hindi mo na ako nakakausap ngayon kung sakali, baka hindi ko na magawang ngumiti pa." napabuga naman ng hangin si Thunder na yumuko ang ulo na napatingin sa mga daliri may cast ang isang braso niya at ganun naman sa isang kamay. Halos mag-iisang buwan na ang lumipas after nangyari.
"Still… you lost so much. Your peace. Your dignity—
"My dignity? Kuya Thunder, hindi ako defined ng nangyari sa’kin. Hindi doon nagtatapos ang pagkatao ko, hindi dahil dun masisira ang pangarap at buhay ko." Napatingin si Anna sa langit, pilit pinigilan ang luha na ngumiti.
"I’ll stand up again. Kahit gaano kasakit, I’ll fight. I can’t let them destroy me, dahil din sa nangyari na isip ko na din kung anong gusto ko someday." ani Keonna na sandaling nilingon si Thunder.
"Gusto kong maging kasing lakas ni Ate Athena, walang kinatatakutan at kayang lumaban sa masasamang loob. I want to be an Army." parang nangangarap na wika ni Keonna.
"Kung kasing lakas lang sana tayo ni Ate baka hindi ganito ang naging kapalaran natin." Thunder clenches his fist, then takes a deep breath.
"Then let me help you stand up. Let me make it right." napalingon si Keonna kay Thunder.
"I’ll marry you, Keonna." saglit na natigilan si Keonna bago muling mapait na ngumiti sabay iling.
"No, Thunder. Don’t marry me out of guilt. Hindi mo kailangang ayusin ang mundo ko."
"It’s not guilt, Keonna. It’s… it’s the least I can do." nahihirapang wika ni Thunder. Umiling naman si Keonna na tinapik sa braso si Thunder.
"Hindi ko kailangan ng awa. Hindi pa tapos ang buhay ko."
"Lalo pa at… hindi ko alam kung nasaan si Ate Athena. Kinuha na naman siya ng Dad niya at wala kaming balita kung nasaan nanaman siya." Tahimik si Thunder. Tumingin sa kanya na may halong lungkot at paghanga.
"Tiyak na hahanapin siya nila Kuya Dean, wag kang mag-alala sa kanya."
"Thank you for saving me. Pero for now… I just want to heal." Sandaling tumahimik ulit sila. Pareho silang nakatingin sa langit, habang umiihip ang hangin. Hanggang sa muling nag salita si Thunder na para bang pinag isipan nito ng husto ang sasabihin.
"Then promise me one thing."
"Ano ‘yon?" takang tanong ni Keonna.
"Kapag umabot tayo sa forty… at pareho pa tayong single—let’s get married. Walang guilt, walang pity. Just us.
Napangiti si Keonna, bahagyang natawa sabay napapailing pa.
"Forty? That’s a long time, Thunder."
"Then it’s a long promise. Worth waiting for." Itinaas ni Keonna ang pinky finger niya, may mahinang tawa.
"Fine. When we’re forty—and still single—tayo na lang dalawa sang-ayon na lang ni Keonna. Thunder hooks his pinky with hers, both smiling faintly.
"Deal."
-
-
-
-
-
-
-
-
Years past...
Maaga pa, pero punô ng tao ang departure area. Ang mga announcement sa speaker, halu-halong ingay ng trolley bags, at tahimik na pag-iyak ng mga nagpaalam — lahat iyon ay parang musika ng mga pusong kailangang maghiwalay. Nakaupo si Thunder sa waiting area, hawak ang maliit na paper bag. Inside ay isang maliit na dilaw na bibe na stuff toy na hindi din niya alam bakit yun ang naisip na bilihin para ibigay kay Keonna basta ng makita niya iyon si Keonna agad ang naisip niya. Sa kabilang dulo ng hallway, papalapit na si Keonna, suot ang simpleng Army uniform, mukha’y kalmado pero halatang pinipigilan ang emosyon.
Nang magkaharap sila, parehong natahimik na may tipid na ngiti sa mga labi.
After so many years naging magkaibigan silang dalawa, medicine din ang kinuha niyang course kaya sa isang school na din sila nag aral, inakala pa ng iba na may relasyon sila na parehas naman nilang tinatangihan at sinasabing magkaibigan lang sila.
"So… tuloy ka na talaga?" mahinang wika ni Thunder na tumayo na mula sa pagkakaupo. Umatras naman muna ang magulang ni Keonna at Ate nito na kasama nito ng makita siya. Hinayaan muna sila ng mga itong mag-usap.
"Oo. The Army accepted my transfer. I’ll be deployed for medical training sa base. New environment, new start."
"Mag kikita pa ba tayo?" tumawa naman si Keonna.
"Parehas tayong nasa iisang field malamang naman siguro someday." huminga naman ng malalim si Thunder.
"You and your strength, Keonna Benitez. Hindi talaga kita matatalo kahit kelan." ngumiti naman na bahayang lumapit si Keonna kay Thunder.
"Kuya, kailangan mo ring bumalik sa hospital. Tapusin mo ‘yung residency mo. Alam ko, balak mo pa ring mag-general surgery, ‘di ba? Galingan natin." Tumango si Thunder, nakangiti pero lungkot ang mga mata.
"Yeah. Maybe helping others will help me forgive myself too." Tahimik silang dalawa ng ilang segundo. Parehong tumingin sa mga tao sa paligid — bawat isa, may kanya-kanyang goodbye, na parang ayaw nilang gawin sa mga oras na yun pero kailangan.
"We’re both healing, Kuya. Just… in different ways."
"At least pareho pa rin tayong mataas ang pangarap. That’s a start." Ngumiti si Keonna, at inabot ni Thunder ang paper bag sa dalaga.
"Para sa’yo." nagtataka naman si Keonna na kinuha iyon saka tiningnan bago natawa ng ilabas ang isang bibe na stuffed toys na masarap pisilin.
"Ano to? bakit bibe."
"Lagi ka kasing naka nguso kapag may toyo ka, para kang bibe." natatawang wika ni Thunder. Natawa na din na pinalo ni Keonna sa braso ang binata.
"Kuya Thunder…" tawag ni Keonna sa binata ng hindi na mapigilan na pangiliran ng luha ng marinig na ang announcement ng flight nito.
"Don’t cry. Remember our deal?" Tumingin si Keonna sa binata, habang ang background ay unti-unting lumalabo sa ingay ng airport at sa luhang lumalabas sa mata niya.
"When we’re forty — and still single — we’ll find each other. No matter where we are." ani Thunder.
"At sana wala ng Kuya sa unahan ng pangalan ko." biro pa ni Thunder na ikinangiti ni Keonna.
"Forty. That’s our pact." sang-ayon ni Keonna. Nag-hook ulit sila ng pinky finger — parehong nanginginig ang kamay, parehong takot pero umaasa.
"Promise me you’ll live better, Anna. Even without me." tumango naman si Anna.
"Only if you promise the same." Nang tawagin na muli ang flight nito, huminga nang malalim si Keonna at ngumiti.
"Goodbye for now, Kuya Thunder."
"Not goodbye. Just… see you when we’re forty." wika naman ni Thunder. Tumango naman siyang muli at naglakad si Keonna papunta sa pamilya nya at nag paalam na din sa mga ito saka dumeretso na sa gate, hindi na lumingon dahil baka mahirapan siyang umalis kung lilingunin pa niya ang mga ito. Pero bago siya pumasok, pinisil niya ang bibe na nasa kamay niya na bigay ni Thunder bago nginitian ang alaalang iiwan niya.
Sa likod, nanatiling nakatayo si Thunder, pinagmamasdan ang dalaga sa paglayo habang nanalangin na sana lumingon pa ito kahit isang beses na lang ngunit hindi na ito lumingon, bitbit ang pangako, ang sakit, at ang pag-asang minsan ay babalik din ang tadhana sa pagitan nila.
"Until next time Anna." bulong ni Thunder bago tuluyan ng nawala ang dalaga sa paningin niya.