Walang ampat ang luha ni Keonna habang mahigpit ang yakap niya sa bata, pakiramdam niya tunog lang ng tbok ng puso niya ang naririnig niya sa mga oras na yun habang yakap niya ng mahigpit ang bata. Paulit-ulit niyang binibigkas ang pangalang matagal niyang inilibing—Caelum—hindi siya makapaniwala na kaharap na niya ang batang sinasabi ni Thunder. At tulad din ng kuwento ni Thunder noon una, parang may tinatakasan ang bata ng makita nito sa parking. Mahigpit ang yakap niya sa bata, halos ayaw na niyang bitawan, na para bang sa sandaling iyon ay may puwersang kayang muling agawin ito sa kanya. Ramdam niya ang mabilis at hindi pantay na paghinga ni Keon, ang bahagyang panginginig ng maliit nitong katawan na parang sanay na sa takot kaysa sa yakap. “Doc… maupo po muna kayo,” maingat na sabi

