“Thunder,” malamig natawag ni Keonna ng nasa harapan na sila ng unit niya at makita ang hitsura ng digital lock ng pinto niya. “Why is my lock broken?” Napamura si Thunder ng mahina, nalimutan na nga pala niya ang tungkol dun. Lumapit si Thunder agad, sinuri ang lock. Napakamot si Thunder sa batok, bahagyang umiwas ng tingin. Even though he knew exactly why it looked that way. “I kicked the door, Emergency entry.” diretsahan niyang sagot since wala naman na siyang kawala. “Nung hindi ka sumasagot.” Lumingon si Keonna sa kanya, nanlilisik ang mata na halatang inis na inis. "Emergency entry?” tumaas ang kilay ni Keonna. “Dinurog mo ’yung pinto ko.” “Binuksan,” mabilis na katwiran ni Thunder. “With conviction.” “YOU KICKED?” tumaas ang boses niya. “Do you have any idea how much

