Napahinga ng malalim si Keonna, sobrang tahimik ang hallway ng Family Court nang araw na ’yon. Masyadong maliwanag ang ilaw, masakit sa ulo. Masyadong maputi ang mga pader parang walang puwang para sa emosyon, para sa mga alaala, para sa mga bagay na minsan ay buo pero ngayo’y siya mismo ang sisira sa mga pangakong binitawan nila ni Thunder. Unang hearing ng Annulment case nila ni Thunder. Habang nakatayo naman si Thunder sa labas ng courtroom, tuwid lang na parang walang paki-alam sa paligid habang iniintay nilang papasukin sila sa loob ng courtroom, Parang nag paguwapo pa ito sa suot na maitim na suit na hindi niya madalas isuot. Hindi siya mukhang sundalo ngayon, hindi mukhang elite guard ng silver city, hindi rin doktor. Mukha siyang lalaking handa na din taliruan ang lahat ng laban

