"Beeeeep… beeeeep… beeeeep…" napangiwi si Thunder na sinapo ang dibdib na kumikirot. Hindi lang dibdib ang nakirot sa kanya kundi buong katawan na niya. Naririnig niya ang tunog ng heart monitoring, na aamoy niya ang sterile na amoy na ibig sabihin lang na nasa hospital na siya at wala na siya sa desert place. Dahan-dahan na bumukas ang mata niya na bahagyang nasilaw pa sa liwanag. Malamig ang hangin ng aircon at amoy na amoy ang antiseptic. May mahina rin hum ng mga ventilation tubes. Pagmulat niya, hindi malinaw na hindi disyerto ang nakita niya—kundi puting kisame, malamig na fluorescent lights, at isang embossed seal sa dingding. UNITED STATES SILVER CITY BASE Medical Wing – Restricted Area. Nag-blink ang mata niya na bahagyang na lilito. “Silver City?” bulong niya, paos, halos hi

