Malalaki ang hakbang ni Keonna habang naka alalay si Argus sa likuran niya ganun din ang Mommy niya na sinasaway siya na dahan-dahan lang dahil kalalabas lang n'ya ng hospital. Ngayon ang unang hearing ni Thunder kahit pa sinabi ni Storm na malakas daw naman ang laban ni Thunder hindi pa rin siyang mapakali, kailangan niyang malinis ang pangalan ng asawa niya kahit anong mangyari. Na denied ang bail hearing nito dahil sa daming kasong isinampa ng ama niya maging ang lumang kaso about sa r*pe case na inilihim noon ng pamilya pero ngayon maipakulong lang nito si Thunder kinaladkad na nito ang pamilya nila. Punô na ng reporters ang hallway at ang dami ng mga usisero sa hallway ng Regional Trial Court. Sa bawat sulok, may bulungan, may kumukuhang litrato, may nag-aabang sa anumang eksenang m

