Magkahawak kamay sina Nathaniel at Chenley habang papasok sa loob ng mansyon. Malayo pa lang ang dalawa ay sinalubong na sila ng mommy ng binata. Nakangiti naman ang daddy ni Nathaniel sa di kalayuan at hinihintay ang paglapit ng dalawa. Hindi ito ang unang beses ni Chen na pumunta dito pero kinakabahan pa rin siya. “Are you okay? Ang lamig ng kamay mo.” bulong ni Nathaniel sa punong tainga ni Chen, napatingin ang dalaga sa guwapong mukha nito. “Okay lang medyo kinakabahan ako, don’t worry mawawala rin ito.” napangiti naman si Nathaniel sabay haplos nito sa mukha ni Chen. “Don’t worry hindi naman kita iiwan.” humigpit ang kapit ni Chen sa kamay ng binata kaya naman pinaikot ni Nathaniel ang kamay nito upang mayakap si Chenley. “Huwag ka matakot kay lola mukha lang siyang mataray per

