Tatlong araw na si Chenley dito sa safe house ngunit hindi pa ito nakababa sa second floor. Noong nakaraan gabi ay sinubukan niyang bumaba ngunit ng makita ito ni Timothy ay pinagbawalan ang dalaga. Nalungkot si Chenley kaya buong gabi itong nag-iisip kong hanggang kailan ba siya ikukulong ni Timothy dito sa safe house na ito. Napahinga si Chen ng malalim nalulungkot ito sa nangyayari lalo na kay Nathaniel. Ang kasal na pinaghahandaan nilang dalawa ay hindi na matuloy. Kung alam lang ng dalaga na ganito ang mangyayari sana nakinig na lamang siya kay Nathaniel. Pero nagpasalamat na rin ang dalaga dahil hindi natuloy ang kasal dahil kung natuloy ay malaking problema rin ang haharapin niya. Kilala niya si Timothy hindi ito papayag na mapunta siya sa ibang lalaki mabuti na lang at sa kanya pa

