Masayang nag-uusap sina Angen at Chenley sa kabilang mesa habang ang ibang mga bisita ay nasa kabilang mesa rin at kumakanta. “Kumusta ka na? Ang tagal na natin hindi nagkita.” tanong ni Chenley kay Angen na ngayon ay nakatingin ito sa kabilang mesa kung saan naroon si Rodney. Napatingin na rin si Chenley doon, lumaki ang kanyang mata ng makita niya na narito pala si Beatrice. “Kilala mo siya?” tanong ni Chenley kay Angen. “Oo nakikita ko siya minsan sa opisina ni Kuya Timothy, diba Beatrice ang pangalan niya?” Napatango naman si Chenley ngunit napakuyom ang kanyang kamao. “Hindi maintindihan ng dalaga kung ba’t siya nagseselos ngayon sa babaeng iyon. Parang gusto niya itong sugurin at ipamukha sa kanya na may relasyon sila ni Timothy. Nang matauhan ito ay bigla itong nanghina paano ba n

