Sabrina’s pov Hindi ko matanggap ang ginawa ni Timothy ang matagal kong pinaghirapan na maging akin ang binata ay napunta sa wala. Hindi ko lubos akalain na makauwi ako ng wala sa oras, naiinis akong nagpapadyak dito sa loob ng aking silid. Galit na galit si mommy dahil umuwi akong walang dala tanging gamit ko lang ang nadala ko iyong iba ay naiwan pa dahil sa biglaang pag uwi namin ni Beatrice. Napahawak ako sa aking ulo sumasakit ito dahil hindi ko alam kung paano ako makakapag trabaho ulit gayong wala naman akong kilala para mag apply ulit. Tinawagan ko si Luiz at nakahinga ako ng maluwang dahil agad niya sinagot ang tawag ko. “Hello Luiz, mabuti naman sinagot mo na ako, last day pa kita kinukontak pero naka off ang phone mo.” bulyaw ko kay Luiz malakas itong tumawa na parang masay

