Alleyah Jose Ramos POV's
Nang makauwi ako ay mas nahilo ata ako dahil sa aircondition ang taxi na nasakyan ko. At sa sapantaha ko ay to the max ang aircon, sinabi ko naman kay kuya na kung pwedi ay hinaan iyon dahil nahihilo ako kaya hininaan naman. Dahil sa pagkahilo ay tumuloy agad ako sa kwarto upang mahiga at naisip ko na uminom muna ng gamot bago tuloyan na matulog. Bumaba ako, up and down kasi ang nakuha kong apartment at tama lang para sa akin na nag iisa dahil hindi ito malaki, makipot lang ito na syang ikinagusto ko. Nang makababa ako ay agad na tinugo ang medicine box ko nasanay ako na organize ang gamit kaya may kanya kanyang bow ang mga gamit lalo na at maliliit ito. Kumuha agad ako ng gamot na sapat sa nararamdaman ko kumain naman ako sa resto kanina kaya ininom ko na ito, paakyat na ulit ako ng mag nag doorbell? Bago ito saakin kasi si Zandra lang naman ang nakakaalam ng tinutuloyan ko, kung magbonding naman kami nila Rose at Nina ay ako ang dumadayo, sigurado naman akong hindi ito si Zandra kasi hindi sya nag dodoorbell dahil kusa syang pumapasok kasi meron syang duplicate ng susi netong tinutuloyan ko
Nagtataka akong humakbang papunta sa pinto at sinilip ko muna sa maliit na siwang kung sino ba ito. wala naman akong makita bigla naman kong napatingin sa ibaba ng mapansin na may papel sa ilalim ng pintuan ko kaya agad ko itong dinampot, sa sobrang curious ay hindi ko ininda ang hilo ko ngunit sa isang iglap ay nauwi sa pagkainis ang koryusidad na nadarama ko dahil bill lamang pala ito ng ilaw.
"Nadeputa lintiaan!!!!!" litanya ko dala ng pagkainis
Dahil don ay kumirot bigla ang ulo ko dahilan para mapainda ako, nagtungo na ako sa kwarto upang matulog quarter to five pa lang kaya siguradong gigising ako mamaya para uminom ulit ng gamot.
Pagkahiga ko'y inda ko parin ang nararamdaman ko pero hindi naman nagtagal at sinakop na ako ng antok.
Nagising ako sa isang malakas na pagyugyog saakin ni Era, siguro ay hinanap nya ako hindi kasi ako nakapagpaalam sa kanya kanina
"Iya! ano ba? kanina pa kita ginigising" sabi nito na syang tuloyan na nagpamulat ng mata ko
"kanina ka pa ba?" tanong ko dito dahil kakagising ko lang
"not really pero bumangon ka ng damunag ka at may binili akong pagkain asa baba" sabi nito at nauna ng bumaba
Bumaba na ako at dumiretso sa lababo para magmomug at hilamos man lang medyo naibsan ang sama ng pakiramdam ko pero sa tingin ko ay kulang padin ako sa pahinga. Wala kasi akong daf off, request ko iyon kay Era dahil sa sabik ako sa trabaho at natutuwa ako na doon sa resto na yun ay marami akong naging kaibigan, at kung hindi mo ako napansin na pumasok ay understood na masama ang pakiramdam ko, wala naman kasi kong ibang pag aalayan ng oras.
"Nag abala ka nanaman babae saakin" sambit ko dito na naghahain na ng haponan namin, its 7:12 in the evening mahigit 2 oras pala ako nakatulog
"e sino pa bang aasahan mo na dadamay sayo na babae ka?" pinagtaasan pa ako ng kilay nito. Palagi nya sakin sinasabi yan kasi paulit ulit nya sakin binabanggit na iasang beses daw na nag approach sa kanya si mom at tinanong kung kilala raw ako nito pero ang nasabi lang daw nya ay nakikita lang daw nga ako noon sa school. Sinabi ko kasi sa kanya na pagtakpan nya ako hanggat maaari
"oo na po boss Era" pagsang ayon ko nalang sa nais nyang sabihin na sya lang naman ang masasandalan ko
Napaisip naman ako bigla sa tanong saakin ngayon ni Era
"Iya hanngang kailan ka ganyan?"
tanong nito na may halong lunkot
Nang makahuma ako ay agad akong sumagot
"anong ibig mong sabihin na ganito 'ra?" pag seryoso ako sa pakikipag usap sa kanya 'ra nalang nababanggit ko at sanay naman na sya don. Sinagot ko ang tanong nya ng tanong din kasi hindi ko mapunto kung alin sa mga problema ko ang nais nyang sapulin
"pagkukubli?" simpleng tanong nito at sumenyas na maupo na kami at kakain na
"uh huh" natigil ako at yun lang ang nasambit ko. Sa totoo lang kasi ay ayaw ko na bumalik sa dati kong buhay at nasisiyahan ako sa ganito ang tinatahak ko ngayon, almost 11 months na ako mula ng makaalis sa bahay at tumutok ako sa pagsasanay sa mga bagay bagay at pagtatrabaho
"alam mo Iya pag nawal ka? yang kaka uh-huh uh-huh mo ang mamimiss ko" sabi nito kasabay ang malalakas na tawa sanay kami sa ganito, kumakain habang nag uusap at nag tatawanan. Sa kanya ko ito natutunan kasi sa bahay non wala nmn akong kasaby kumain e. Alangan naman magsalita ako mag isa HAHA
"d, yung totoo Iya? masay ka ba ngayon?" malungkot na tanong nito, palagi nya sa saakin itong tinatanong at walang sawa ko naman sinasagot na masaya ako
"ano ka ba naman Divina! parang hindi mo ko kilala ahh? masaya ako at alam mong kapag malungkot ako ay makikita agad iyon sa mata ko. Masaya ako sa lahat ng nangyayari saakin at sa totoo lang ay ayae ko ng umalis sa ganitong set up" litanya ko sa kanya kasabay ng matatamis na ngiti at paminsang tumawa inaasar ko kasi siya sa pag tawag ng second name nya na Divina don ibinase ang pangalan ng resto nya at ako ang nagsuggest non hehehe
Nagpatuloy kami sa pagkain at ng matapos ay sya na ang umako ng mga hugasin, ganon naman sya palagi pag dumadalaw sya dito. Ng matapos sya ay nagpaalam na din sya na uuwi na siya at sinabi ko din naman sa kanya na hindi ako papasok bukas upang ipahinga ng mahabang oras ang sarili ko. Natuwa naman siya narinig saakin at sa wakas daw ay ako na ang nakaisip na magpahinga dahil nong mga nakaraang buwan ay sila pa ang nagpioilit na huwag akong pumasok pag masama ang pakiramdam ko. Siniguro ko na lamang na nakalock ang mga bintana at pinto bago umakyat yun kasi palagi ang bilin ng mga kaibigan ko lalong lalo na si Era.
Kinabukasan ay maaga akong nagising sinanay ko din ang sarili ko sa ganitong gawi nitong mga nakaraang buwan upang gawin ang mgabthings ko dahil wala nga akong day off, pag hindi pagpaplantsa ay paglalaba ang ginagawa ko sa tuwing umaga bago pumasok. Natutunan ko lahat iyon kay Era kaya laking pasasalamat ko don sa bahura na yun. Pero dahil nga hindi ako papasok ay hindi ako nagmamadali sa mga gagawin ko saka wala naman akong naka imbak na gawain ngayon hayss, iniisip ko pa lang na buong araw akong ganito sa bahay ay parang mas malulumpo ako dito.
Napaisip ako bigla na ano kaya kung lumabas ako? hindi ko pa lasi nasubokan na pumunta sa park mag isa, mag mall mag isa, kasama ko kapag gumagala tuwing gabi ang mga kaibigan ko yun kasi ang free time talaga e. Hindi ko napapagmasdam masyado ang paligid dahil sa gabi na kami lumalabas ng trabaho at medyo madilim pa naman kapag ka pumapasok ako.
Nagbihis ako ng lihis sa kinagawian kong suot noong dati, kung dati lagi akong naka dress at hills o kaya naman ay half shoes ngayon ay rift jeans na tinernohan ko ng croptop at naka rubber shoes na, iginya din kasi ni Era ang pananamit ko sa kasalukuyan. Lumabas na ako at naglakad lakad hindi ko alam kung san ako dalhin ng mga paako. Nakasukbit lang ang shoulder bag ko ng makaramdam na may nagvibrate dito.
Agad ko naman kinuha ang phone ko sa loob nito at tinignan ang nagtext.
(09*********)
unkown no.
"Sino naman kaya ito?" tanong ko sa sarili ko at nag isip isip ng kaunti, napagpasyahan ko na buksan ang mensahe at agad na tumawa sa unang nabasa ko sa mesages "hi dear"
hagalpak ako kakatawa iwan ko pero pakiramdam ko kasi ay arabo yung mga ganyan HAHA
oo na judgemental na kung judgemental pero, Can you blame me? yun kasi talaga e hindi ko mawalis paalis sa isipan ko ang bagay na iyon, nang makahuma ay itinuloy ko ang pagbabasa habang patuloy parin lumalakad, ipinag sa walang bahala ko ang iisipin sa akin ng mga tao dahil tumatawa ako habang binabasa ang text
"hi dear
I am regular costumer of Divine's Recipe and I saw you there, you must be a waitress there, I guess? lol
Well when I first saw you, you look so wierd and i feel pissed at you!
But then every time I saw you from a far? because you'll never served me even once , I feel something about you.
You'll always around in my head, did you know HAHA
Well nothing to worry , I was just a piece of your fan HAHA
OK BYE AND TAKE CARE"
Ng matapos ako sa pagbabasa ay deritso parin ako sa lakad habang nagpophone, isesearch ko kasi kung anong place ang pwedi kong mapag relaxan, sa pagpapatuloy ko sa lakad habang nakatubgo sa phone ko ay may biglang humawak sa tyan ko at hinigit pabalik sa nilakaran ko, Nagulat ako dahil wala akong alam na dahilan at sino ang humapit sa tyan ko
"ahhhhhhh!" napasigaw ako ng maramdaman ang paghapit sa tiyan ko na sa wari koy mga braso, oo mga! para kasi talagang nakayakap sya saakin
"Si-ssino ka? A-Annong kaylangan mo?" tanong ko dito dahil wala talaga akong ideya. Agad naman akong binitawan ng lalaking humapit sa may tyan ko at nagsalita ng napaka manly voice kaya napaharap ako sa kanya
"Be careful kasi miss, kung di kita naabotan ay bakanahulog ka na jan" sabay turo sa butas ng kanal na under construction, hindi ko ito napansin kanina nong ituro lang nya saka ko lang nakita. Sa palagay ko ay namumula na ang mukha ko sa hiya sa kanya dahil sa mga nasambit ko kanya at sa pagreact ko sa ginawa nya, dapat ko pala syang pasalamtan.
"uh-huh" sabay napabuntong hininga ako, napaka gwapo naman ng lalaki kasi na nasa harapan ko at mabuti na lang nakikisama ang dila ko para hindi mautal
"salamat pala" dugtong ko pa dahil sa pagligtas nya sakin kanina at tanging tango na lang ang naging sagot nya sa pasasalamat ko sabay tumalikod na papalayo sa akin
"gwapo sana kaso esnabero" usal ko sa mahinang boses at alam kong hindi na nya yun dinig kaya naglakad nadin ako papalayo don at di naman nagtagal ay nakatagpo ako ng lugar kung saan pakiramdam ko ay at peace ako.
Naupo ako sa isang bakanteng bench dito sa park of community nang nagsink in ulit saakin ang mukha nong lalaki kanina. Pamilyar kasi sya, kung tatanongin mo ako kung kaylan ko sya nakita ay yun ang hindi ko alam pero pamilyar talaga sya e. Ipinagsa walang bahala ko nalang ang lahat at ipinahinga ang isip. Pero sa ganitong pagkakataon talaga hindi ko naiiwasan na isipin ang pamilya ko, at napapatanong nalang sa sarili. Sa loob kasi ng halos mag iisang taon na pagalis ko sa bahay ay ni anino nila hindi ko na nakita, masay ako na nakakapagdesisyon na ako ngayon sa sarili ko at nakakatayo na sa mga sariling paa, pero may part saakin na bakit ganon lang kadali para sa kanila na mawala ako? wala ba talaga akong kwenta para sa kanila? Iginugol ko buong araw sa pagtambay doon hapon na ako umuwi sa bahay. Dumaan na din ako sa paborito kong karenderya ni Manang Inday para bumili ng aking magiging haponan, dito ako lagi bumibili kung sakaling wala na akong oras para magluto pa. Pagdating ko sa bahay ay hinain ko na agad ang pagkain ng nabili ko at nilantakan dahil sa gutom na talaga ako, burger at buko juice lang kasi ang naging tanghalian ko kanina. Pagkatapos ay naglipit na ako ng pinagkainan ko at naglinis ng katawan dahil sa nanlalagkit na ako. Alas otso palang naman ng gabi at hindi pa ako inaantok kaya naisipan ko na kumanta muna ng ilan bago matulog sinalang ko na ang kanta at kumanta. Nakakailang kanta na ako ng nagring ang phone ko, napatingin ako dito at nakita ang caller si Era pala pinatay ko na ang sound system ko bago sagotin ang tawag.
Nangamusta lang naman ang babae na yun at kung makakapasok na daw ba ako bukas, well wala naman ng masakut saakin kaya goraaa na ulit sa trabaho.
Pagkatapos ng tawag ni Zera ay iniayos ko na ang kordon ng mike na ginamit ko at binunot ang mga saksakn ng sound system. Btw mahilig ako sa musica dahil na din sa isinali ako ni mom sa voice lesson noon kaya nakahiligan ko na rin at kaya nga unang sahod ko palang non sa resto ay bumili na agad ako ng maliit na sound system ang sarap lang sa pakiramdam na yung ginagamit mo ay galing sa pinaghirapan mo. Although dala ko ang mga card ko pero ni hindi ko ito ginalaw at wala akong balak na galawin.
Pagkatapos ay umakyat na ako patungo sa kwarto ko para matulog.Dala ng pagod ay mabilis na kumagat ang dilim saakin