Alleyah Jose Ramos POV's
dahil napagod ako kanina kakaisip sa alibay na na pwedi kong sabihin don sa lalaking yun, kung sakali man na makita ko uli sya sa restaurant ni Era.
Kinabukasan ay na dating gawi uli gising ng maaga dahil sa hindi ako nakapaglaba kahapon ay maglalaba muna ako bago pumasok, tinapos ko muna ang mga things to do list ko and after that ay tinawagan ko si Zera. Hindi paman nakakadalawang ring ay nasagot na agad nya:
"Good morning iya, how's your rest day?" masayang masayang bati nito saakin na ipinagtaka ko naman
"Good morning Era, medyo male-late ako paalis palang ako dito e" sambit ko sa normal na pakikipag usap lamang
"Ano ka ba? Okay lang" tila sayang saya parin nitong sambit
"Saka may good news ako sayo" dugtong pa nito na ikinataka ko namn
"ok then, see you around boss" sabay bungisngis kong ibinaba ang tawag.
Pakiramdam ko kasi ay masisiyahan din ako sa ibabalita nya sa akin kaya naman na excite ako na makarating sa resto.
Pagtigil ng taxi na sinasakyan ko ay nagulat na lamang ako sa babaeng sumisigaw sa may pinto ng resto, bukas kasi ang bintana ng taxi ordinary kasi ito kaya rinig ko ang ingay sa labas
"Iya? Hey? bilisan mo na" sigaw ni Zera na tila nagmmmadali
Nagbayad na ako sa taxi at tuloyan ng bumaba, binilisan ko ang lakad dahil excited na talaga ako sa sasabihin nitong babae na ito. Pagkalapit ko kay Zera ay tinanong nya ako kung kumain na daw ako tumango lang ako kaya inaya nya ako sa office nya, naku-curius na ako kasi mukhang mahalaga ang sasabihin nya dahil don pa namin pag uusapan iyon. Nang makarating kami sa office nya ay umupo ako sa couch at siya naman ay sa swivel chair nya, masaya ako na nakikita syang ng ganito kasaya kaya naman tinanong ko sya kung tungkol saan ang pag uusapan namin
"So?" panimula ko dahil parang ayaw pa nya i-open e, medyo naiirita na ako sa paghihintay
Tumitig lang sy sakin ng nakangiti kaya naman nilalamon na talaga ako ng kyuryusidad ko
"Say it! Era, my curiosity kills me right now" tila naiinis ko na sambit ko dito, nabibitin kasi ako e
"It was a dream come true Iya!" tugon nito na parang kinikilig, so i guess its about her lovelife
"uh-huh, Boy? I mean do you have a boyfriend?" tanobg ko sa kanya ksi nman ay yun ang inabot ng sapantaha ko dahil sa inaasta niya
"seriously? Alleyah Jose Ramos? You know that its not a part of my cup of tea right now" sambit nito na parang ndismaya sa sinabi mo
"So what is it? Tell me. Hindi naman kasi ako manghuhula" I pouted my lips after saying this
"Kasi ano......" ngumiti nanaman ito na, at makikita mo talaga na ganon sya kasaya sa bagay na iyon
"Hey! Zera what is it about?" inis na tanong ko dito, latr na kasi akong dumating tapos ay mag iisang oras na kami dito sa ganitong set up tapos hindi nya masabi sabi hayss, Oo nga at sya ang may ari pero trabahante ako kaya gusto ko na sana na masimulan ang trabaho ko but syempre ay kaibigan nya ako kaya ito hinihintay ko ang sasabihin nya
Nagulat sya sa huling tanong ko at sa palagay ko ay natauhan medyo may kalakasan kasi iyon
"hmmm, okay ganito kasi Iya" panimula nya sya pag oopen up saakin
"Di ba? pangarap ko talaga tong restaurant?" tanong nya sakin nakinakataka ko kung bakit
"uh-huh" tanging sagot ko dito, na ikinasimangot niya
"hayss pano ba kasi?" medyo hindi mapakali niting tanong
"abay ewan ko" tugon ko dito na wala na talaga ako sa mood nkkinis kasi e, naiintindihan ko naman kung bakit nya ako kakausapin pero hayss binibitin nya kasi ako e
"Ok Zera? pag isipan mo muna ito mabuti kapag handa ka n sabihin ok? magsisimula na ako sa labas" tanhing sa bi ko dito at nagpaalam na agad naman akong lumabas ng tumango lamang siya
Ngunit sa paglabas ko sinimulan ko na tumulong sa paglilipit ng mga pinagkainan ng mga costumer, maaga pa pero marami na ang kumain. Dinala ko sa lababo ang mga pinagkain ng customers, naabot ko sila Nina at Rose na nagtatalo roon hindi ko naman alam ang pinagtatalohan nila kaya lumapit ako sa kanila
"Hey? Whats the promlem?" tanong ko sa kanila kaya napunta saakin ng atensyon ng dalawa na kala mo ay nakakita ng multo, kumurap kurap pa ang dalawa at muling ibinalik ang tibgin sa isat isa bago lumingon uli sa akin at ngumiti ng saby na animoy nagkaintindihan gamit ang kanilang mga mata
"Hi Iya?" "andiyan ka pala?" sabay pa nilang sambit na ikinatawa ko lang
"ahh oo Kanina pa ako, kinausap kasi ako ni Era" tugon ko sa kanila na sinuklian naman nila ng nagtatakang tanong
" I mean Miss Zera" dagdag kong sabi hindi kasi nila batid na bestfriend ko si Era at tumunago naman ang dalawa
"ahh ganon ba? kasi Iya, pwede mo ba kaming tulongan?" mapangumbinsi na boses ni Rose saakin
"Sure, Saan ba yan? pag lovelife yan back off HAHAHA" Sagot ko sa kanya na patawa patawa
"Hindi kasi Iya, may mga bisita kasi si Miss Zera nasa VIP sila, e nahihiya kami mag serve mukha kasing mga elegante e, alam mo na" litanya ni Nina na ikinatango ko nalang naintindihan ko naman sila sa gusto nilang mangyare
"ok then, kayo na muna bahala sa labas ahh, i'll handle that one" tugon ko sa kanyan sabay kindat
"alam mo idol na talaga kita, antapang mo e saka hindi ka naman kasi mukhang trabahador dito. Kung hindi ka nga nkasuot ng uniform e mapagkakamalan kang may ari o kaya manager dito" Si Rose naman na pangiti ngiti pa ng pagsasabi bago sila tuloyan na nagtungo sa labas at nag abyad ng mga ginagawa ko kanina.
Nagsimula na akong magserve sa nasabing VIP nila Rose, wala naman akong nadatnan dito na tao na sinasabi nila na mukhang elegante daw pero may naririnig ako na may ng uusap, siguro ay nasa loob sila ng private room sa loob ng VIP room na ito. May bukod pa kasi itong room pagkapasok mo sa loob. Laking pasasalamat ko nalang naman na wala sila dito. Halos naserved ko na ang lahat kulang nalang ang mga utensils kaya kinuha ko na ito sa kitchen at agad na bumalik, ngunit hindi pa man ako nakkpasok sa loob ay parang kinakabahan ako sa mangyayari, pinagsawalang bahala ko nalang ang naramdaman ko bagkos ay pinihit ko ang doorknob na at itinilak papasok ang pinto, paglingon ko sa dining na isinet ko kanina ay nakita ko ang sinasabi nila rose na mga mukhang elegante raw, Napunta saakin ang atensyon ng lahat hindi naman ako ganon ka mahiyain kaya ay ngumiti ako sa kanila
"Sorry po, Excuse me" paghingi ko ng paumanhin sa kanila at lumapit sa table para iayos ang mga utensils, ramdam ko ang mga titig nila saakin pero ano bang magagawa ko e trabaho ko ito at kailangan na ituloy ko ang paglaaagay ng mga ito kung hindi ay malamng sa malamang pista ang aabot ng kaibigan ko. Nakarinig naman ako ng nag tikhim kaya napatingin ako dito, haysss malas namn , ano kang ginagawa nito dito? nakita ko lang ang pag smirk nito kaya umiwas ako ng tingin sa kabilang side napansin ko na may dalawa pang bakante na upoan, may darating pa kaya silang kasama? sa pag iisip ko ay napapitlag ako sa pagsasalita ng isang matandang babae na mukhan mataray.
"Ryan? is it the resto you want to inveat with? mukhang hindi lalago ang pera mo dito iho, isa pa tingnan mo nalang kung ano ang nangyayari sa ngyon" Mahaba nitong litanya kay Ryan, teka? kaano ano ba ito nito? napabuntong hininga nalang ako dahil aaam ko naman na ang ginagawa ko ang tinutukoy nya
"Yes tita, im really want to invest with this, isa pa ay mababago naman lahat once I am a partner of this resto" tugon ni Ryan sa sinabi nyang tita. Anong sabi nya "partner?" tanong ko sa sarili ko, nagugulohan na talaga ako
Bakit ba naman kasi nandito sila? E diba nga mga elegante tapos nandito sila? Hindi naman sa minamalit ko ang kakayahan ng resto ng kaibigan ko pero sa tingin ko ay mga bigatin ang mga ito at bakit ba sila nandirito? Saka kung titingnan ay parang mga nadidiri sila sa lugar na ito, samantalang maganda naman ang ambiance ng lugar na ito, sa totoo lang kasi ay sila ang ang sa tingin ko ang unang mga business man na tumangkilik sa amin.
"Yeah, i know iho na mapapaganda mo ito, pero marami pang iba. Mas maganda, mas malaki hindi kagaya nito na......" bitin nong matandang babae sa pagsasalita saka luminga linga pa bago tumingin saakin, sakto naman akong napatingin sa kanya
"cheap" dugtong ng matandang babae na ikinatawa naman ng iba pa nilang kasamahan, napayuko nalang ako at nagpatuloy sa pag aayos ng utensils nila. Dalawa nalang ang hindi ko nalalagyan at yun ay ang tapat ng dalawang upoan na walang nakaupo.
Tumawa naman itong si Ryan sa naging suhestyon ng tiyahin nya
"Hmmm, maybe there are so many out there na mas maganda at mas malaki tita, but paano ko pa papagandahin kung magnda na ito at paano palalawakin kung malaki naman?" tanong ni Ryan sa kanyang tiyahin, silang dalawa lang ang nag uusap ang iba nman ay nakikinig lamang sa kanila bali anim sila dito ang apat ay nananatiling tahimik lang
"ok then, ano pa bang magagawa ko iho" tila pagsukong sambit ng matandang babae, sabay tingin uli saakin at nahuli nanaman akong nakatingin sa kanya, agad na tumaas ang kanyang kilay sa akin.
Naglalgay na ako ng last na kubyertos, hindi ako nagpapatinag sa kanyang mga tingin kaya tinapatan ko sya matapos kong ilagay ang panghuli, mabigat ang tensyon na nararamdaman ko. Bakit ba pakiramdam ko ay galit na halit sya saakin? Naputol lamang ang katahimikan ng bumukas ang pito at may nag salita
"Its my pleasure to see you here Ma'am and Sir" Si Era na nakangiti, yung ngiti na nakita ko sa kanya kanina, ito siguro yung sasabihin nya saakin pero bakit nahihirapan syang sabihin? E hindi naman ganon kahirap diba?
Nang lumingon sya sa dining table at napukaw agad saakin ang tingin nya napapitlag ako sa bilang pagkawala ng mga ngiti sa labi nya at doon ko lang napansin ang dalawa niyang kasama, at sa pagkagulat ay humuhis ng letrang O ang bunganga ko, hindi ako makagalaw at kumurap manlang sa madaling salita ay na starstruck ako sa kanila. Sila mom and dad lang naman ang kasama ni Zera na bahong pasok lamang dito. Hindi ko alam kung ano ang gagwin ng umimik ang matandang babae
"what now miss? you may leave hindi ka katataspulong dito" nangtutuyang pagsasabi ng tita ni ryan na malamang ay para sa akin na syang ikinadahilan ng pagbalik ng aking ulirat
"I-im sorry ma'am" dagli akong lumakad palabas ng pinto at bahagyang napahinto sa tapat nila mom at dad, hinihintay kong hawakan or pigilan nila ako at yakapin pero wala silang ginawa kaya mas lalong bumigat ang pakiramdam ko, sobrang pagkapahiya ang naramdaman ko sa loob ng room na iyon pero wala man lang silang nagawa. Gusto ko mang sisihin ang kaibigan ko dahil pinabayaan nya ako ay hindi maaari dahil ito naman ang hiniling ko sa kanya diba? Nilampasan ko sina mom narinig ko lang ang iilang buntong hininga at hindi ko alam kung sino ang mga yun mau iilan din akong narinig na bahagyang tumawa bago ako tuloyang makalabas.