MIGUEL- "Any news? It's been f*****g a week, Brandon." seryoso niyang sambit sa lalaking nakaupo ng pormal sa kanyang harapan. "I have a lead, Mr. Santibañez. Pero hindi ko pa sigurado ang lahat ng detalye. Hindi ko na din ma-trace ang ticket na sinakyan niya noong nawala siya dahil wala naman siya sa list ng passenger. Wala din naman akong nakikitang kakaiba kay Ms. Miranda and besides, hindi sapat ang binigay mong impormasyon." sagot naman nito. Pinagtiklop niya ang dalawang kamay sa ibabaw ng mesa at pinakatitigan ang lalaki. He hired this PI a week ago dahil nagtataka siya kung bakit kakaiba ang takot ni Jasmin na makita niya ang pamilya nito. He felt odd. Tila may bumubulong sa kanya na gawin ang isang bagay na labag sa kasunduan nila ng dalaga. Iyon ang pakialaman niya ang buha

