"B-bakit ka nandito?" nagtatakang tanong niya. "Do you think I should be the one asking you that, honey? Why are you here?" matalim ang tingin nito sa kanya at nag-iigting ang panga. Ang gwapong mukha ni Miguel ay tila bagot at galit at the same time. "Umalis ka muna, Miguel. Gusto kong magpahinga dahil masakit pa ang buong katawan ko." aniya. Sana naman ay maawa sa kanya ang lalaki dahil ito naman ang dahilan kung bakit masakit ang katawan niya. "Talagang mas sasakit ang katawan mo ngayon kapag pinairal mo yang katigasan ng ulo mo." sagot namab ng lalaki kaya nanlaki ang mata niya. "Hoy! Bakit ka ba nandito? Eh diba nandoon sa bahay mo ang fiancee mo? Bakit hindi katawan niya ang pasakitin mo ha!?" nagtitimpi niyang sambit kahit gusto na niyang sumigaw. "Fiancee? Nasa bahay?" Na

