TANGHALI na nang magising si Laura. Ayaw pa sana niyang bumangon dahil gabing-gabi na siya nakauwi kagabi mula sa ilang araw na pagliliwaliw sa Camarines Sur para kumuha ng litrato. Pero nagugutom na siya at kailangan niyang magpadala ng e-mail sa isang kaibigan.
Matapos gumamit ng banyo at mag-ayos ay lumabas na ng silid si Laura dala ang kanyang laptop at cell phone. Nakangiting napailing na lang siya nang marinig ang malakas na tili at tawa ni Tamara nang mapadaan siya sa guest room na inookopa ng kaibigan sa kanyang bahay. Alam niyang kasama nito sa silid si Ethan. Nakita niya ang kotse ng binata sa garahe kagabi.
Mahigit isang buwan na ang nakalilipas magmula nang magkabalikan sina Tamara at Ethan at halos hindi na mapaghiwalay. Ipinilit talaga ni Laura na sa kanyang bahay tumuloy si Tamara at hindi sa bahay ni Ethan kapag nasa Pilipinas ito dahil gusto niyang makabawi sa kaibigan sa pagpapatira nito sa kanya sa bahay nito sa matagal na panahon.
“Good morning, ‘Nay,” bati ni Laura kay ‘Nay Iska nang madatnan niya ito sa kusina.
“Good morning. Nagluto ako ng tapsilog. Kakain ka?” tanong ni ‘Nay Iska.
“Sige ho, ‘Nay,” tugon ni Laura.
Mabilis na tumalima si ‘Nay Iska para ihanda ang pagkain.
Matapos mailapag ang laptop at cell phone sa round table. Tinungo ni Laura ang coffee maker para magtimpla ng kape.
“Laura, bakit hindi mo naman sinabi sa akin na kaibigan mo pala si Ethan Escobar at nobyo pa ni Tamara,” sabi ni ‘Nay Iska habang nagsasandok ng sinangag.
“Kilala mo pala si Ethan, ‘Nay.”
“Abay oo naman. Dito rin sila nakatira ng pamilya n’ya sa village. At buong pamilya n’ya sikat, paanong hindi ko siya makikilala? Nagulat kami noong isang gabi na bigla siyang dumating dito. Unang beses pa lang namin s’ya nakita ni ‘Tay Nato mo.”
“Mabait naman ba, ‘Nay si Ethan?” tanong ni Laura habang naghahalo ng kape.
Nakasama na ni Laura si Ethan nang isama ito ni Tamara sa Germany. At pagkatapos ay magkakasama na silang nagtungo sa London. Mukha namang mabait at mahal talaga nito si Tamara pero gusto niyang malaman ang opinyon ng ibang tao sa binata.
“Abay oo. Magalang at matulungin din tulad ni Lance.”
Natigilan si Laura nang biglang maalala si Lance. Isinend sa kanya ni Demay ang bagong number at address ni Lance ilang oras matapos niyang malaman kay Tamara ang ginawa nitong pagtatraydor kay Ethan. Pero dahil sa nalaman ay tuluyan na niyang sinukuan ang binata. Malinaw na sa kanya ang dahilan kung bakit bigla na lang pinutol ni Lance ang komunikasyon sa kanya. Dahil iyon kay Celine na talagang gusto at mahal nito.
“Ano nga palang gusto mong kainin sa tanghalian?” tanong ni ‘Nay Iska. Natuwa si Laura nang iniba kaagad ni ‘Nay Iska ang topic at hindi nito hinanap sa kanya si Lance.
“Kayo na lang ho ang bahala, ‘Nay. Matutulog ho ako ulit pagkatapos kong kumain at mag-internet sandali. Baka hapon na ako magising. Tanungin n’yo na lang ho sina Tam.”
“Ay, nahihiya akong istorbohin sila. Mukhang na-miss nila nang husto ang isa’t-isa. Mula pa noong isang araw. Dalawang beses lang sila lumabas ng kwarto.”
Natawa si Laura sa narinig. “High school sweethearts kasi sila ‘Nay. Tapos parehong hindi naka-move on sa isa’t-isa. Kaya nang magkabalikan, halos hindi na mapaghiwalay.
“Ganoon ba. Sige na nga ako na ang bahala sa lulutuin. Maiwan na muna kita at magpapapitas ako ng gulay kay ‘Tay Nato mo,” sabi ni ‘Nay Iska matapos makapaghain.
“Sige ho, ‘Nay,” tugon ni Laura at nagsimula nang kumain.
Matapos kumain at magsend ng email, inabala naman ni Laura ang sarili sa pag-aupdate sa social media habang inuubos ang kape n’ya. Kapagkuwan ay napakunot siya ng noo nang mabasa ang isang negatibong write-ups tungkol kay Ethan.
Nagtaas siya ng tingin mula sa monitor ng laptop nang pumasok sa kusina si Tamara. Tinungo nito ang refrigerator at naglabas ng inumin.
“Saan ang punta mo?” nakakunot ang noong tanong niya nang makitang nakabihis ng casual na panlakad ang kaibigan.
“Pupunta kami ni Ethan sa bahay ng kaibigan niya,” tugon ni Tamara habang nagsasalin ng tubig sa isang baso.
Ibinalik na ni Laura ang tingin sa binabasa. “It seems you getting along well with his friends and family, huh?”
“Yeah,” nakangiting tugon ni Tamara bago ininom ang tubig sa hawak na baso.
Napabuntong-hininga si Laura matapos mabasa ang write-ups. Ayon sa artikulo ay ginagamit lang ni Ethan si Tamara para sumikat muli ang pangalan nito.
Napatingin sa kanya si Tamara. “Ano’ng problema?” tanong nito.
“Sigurado ka ba na sincere sa ’yo si Ethan, Tam?”
“Ano’ng ibig mong sabihin?”
“Nabasa ko rito ang negative write-ups tungkol sa pagiging malapit n’yo ni Ethan.” Iniharap niya ang screen ng laptop kay Tamara.
Sandaling binasa ni Tamara ang artikulo bago nagkomento. “Don’t mind that crap, Laura. Trabaho talaga ng nagsulat n’yan na maging malisyoso at manira ng ibang tao.”
“Paano kung totoo ang nakasulat rito? Sabi pa sa ibang website, malakas lang ang backer ni Ethan kaya hindi pa nakaka–cancel ang show niya. Other than Today’s People, may iba pa ba siyang project? Wala na, ‘di ba? Dahil sa nadadala ng kasikatan mo ang pangalan n’ya, hindi malayong dumami muli ang mga projects niya. Hindi nga imposibleng ginagamit ka lang ni Ethan, Tam,” nag – aalalang patuloy niya. Masaya siya para kay Tamara. Pero hindi na naman niya maiwasang mag-alala.
“It was my choice, Laura.”
Parehong nagulat sina Laura at Tamara nang marinig ang boses ni Ethan. Bahagyang magkasalubong ang mga kilay nito habang nakatayo sa pinto ng kusina.
“Ethan…” Kaagad na nilapitan ni Tamara ang nobyo.
“It was my choice why I don’t have much projects recently,” patuloy ni Ethan habang nakatingin pa rin kay Laura. “Alam kong hindi mo pa ako lubos na kilala, Laura. Pero sinisiguro ko sa ’yo na mahal ko si Tamara at hindi ko siya ginagamit lang.”
“I don’t have anything against you, Ethan. Concern lang ako sa kaibigan ko,” katwiran niya.
“I understand. But I wan’t you to know, this time, kahit na ano’ng mangyari, ipaglalaban ko siya.”
Napangiti si Laura. “That’s all I want to hear.”
Napangiti rin si Ethan. Ibinaling nito ang tingin kay Tamara at hinagkan sa mga labi. “Are you ready?” tanong nito nang matapos ang maikling halik.
“Yes,” ngiting-ngiting tugon ni Tamara.
“Gusto mong sumama sa amin Laura?” baling sa kanya ni Ethan.
“Oh, pagod pa ako sa biyahe. Next time na lang, Ethan,” nakangiting tanggi ni Laura.
“Alright,” tugon ni Ethan at umalis na ang magkasintahan.
---------------------------
Marami pong salamat po sa patuloy na pagsubaybay sa story nina Lance at Laura. Pero gaya po ng nasabi ko, hindi ko po ipo-post dito ang buong story nila. Kung gusto n'yo pong mabasa ang complete story please follow me on n*****h app. Libre n'yo pa rin naman pong mababasa. Just search "Still You" or my new pen name Rieann. Doon n'yo rin po mababasa ang iba pang story ng Offsprings 21 Barkada soon. Please rate, comment and give me TIPS na rin po for FREE. Thank you in advance. Here's the link... https://tinyurl.comieann-stillyou