Selene Willows

1644 Words
Chapter 2 SELENE'S POV I was sleeping when I felt the wind whipping through my face. Mabilis akong bumangon at sinigawan ang may gawa nun. "Ano ba Zep! Ang aga aga nang-iinis ka na naman." inis na sabi ko Tinapat ko ang kamay ko sa sahig kung nasaan ang unan at bumigkas ng spell "Acarda." unti-unting umangat ang unan. Tinapat ko ang kamay ko kay Zep na naka-tayo. The pillow hit his face. Bull's-eye! I laugh because of his reaction "Ano na naman bang ingay yan?" we looked at the door as manang entered our room. "Ka-aga aga ho kasi nang-iinis na si Zep." sumbong ko kay manang at tinuro si Zep. "Hay naku, tumigil na kayo sa kaka-away nyo at may pasok kayo ngayon. Diba ngayon ang first day nyo sa Mystic Academy? Baka naman mag away lang kayo dun." my eyes widened at what manang said. Why did I foreget that? Naimbitahan nga pala kaming mag-aral sa Mystic Academy "Mag-aayos na po kami." sabi ni Zep. "Bilisan nyo na dyan." Zep and I both nodded. Umalis na si manang sa kwarto namin kaya kaming dalawa na naman ang naiwan. "Sa tingin mo? Anong madadatnan natin sa Mystic Academy?" I asked him. "School." he answered shortly. "Ano pa nga ba." inirapan ko sya at sinuot na ang salamin ko. Hindi ako nerd, okay? Sadyang trip ko lang magsuot ng salamin minsan. He is Zephyr Goldwin, my bestfriend since childhood. Lumaki na akong kasama yan kaya sanay na ako sa ugali niya. Umupo ako sa kama ko at una ko agad nakita ang invitation na nasa bed side table ko. Ang invitation from Mystic Academy, ang school na papasukan naming dalawa. Natanggap namin ang invitation nung nakaraang linggo, bukas na ang simula ng pasukan kaya kailangan na naming pumunta sa school ngayon. Inalis ko ang tingin ko sa invitation at tumayo na sa kama ko. Inayos na namin ang gamit at sarili namin bago bumaba sa baba para mag umagahan "Mag-iikot muna ho ako sa buong village bago kami umalis ni Zep, maaga pa naman po." Pumayag si manang kaya pagkatapos kong kumain ay lumabas na muna ako at nag ikot sa village na kinalakihan ko. Since I was a child, I lived in the orphanage because my parents are dead. My parents died during the second war that's why I grew up in an orphanage. Mula ng mawalan ako ng magulang dito ako napadpad, hindi ko na nga matandaan kung paano ako napunta dito basta ang alam ko may babaeng nag dala sa akin dito pero hindi ko na makita ang babaeng yun. Dinala niya ako sa ampunan na nasa isang maliit na village. Nakilala ko dito si Zep. Naging mag kaibigan kami kahit wala syang kwentang kausap. Dito na ako lumaki at sa sobrang liit ng village na ito madali mo lang siyang maiikot. Parang nakalimutan na nga ng ibang tao na nag e-exsist pa ang village na 'to dahil walang pumupunta dito at lahat ng makikita mo dito luma but kahit puro luma ang makikita mo dito our village is still beautiful. Hindi lang beautiful, peaceful pa. Malayo kasi ang village na 'to sa iba pang village dito sa Mystic World and ang village na ito ay under ng Light Mystic Kingdom, oo ang kingdom na bigla nalang nawala. Kaya nga hindi na rin ako nagtataka kung bakit wala ng nakaka-alala na may tao pa dito. Nakakita ako ng isang matanda na mukang hirap sa binubuhat niya kaya mabilis akong tumulong sa kaniya. "Maraming salamat iha." Ngumiti ako pagkatapos kong ilagay sa box ang mga binubuhat niya. "Walang anuman po." Aalis na sana ako kaso hinawakan niya ang braso ko. Hindi ko alam pero nanindig ang balahibo ko sa katawan ng hawakan niya ako. "Lagi kang mag-ingat iha, nakikita kong hindi madali ang magiging buhay mo dito kaya parati kang mag-ingat. Sobrang buti ng puso mo pero pigilan mong mag tiwala agad." Nagulat ako sa sinabi niya. Sobrang seryoso niya kaya hindi ko alam kung niloloko niya ako o totoo ang sinasabi niya, nakakakita ba siya ng future? " "Paano niyo po nalaman-- SELENE!" Lumingon ako sa tumawag sa'kin, si Zep lang pala. Anong ginagawa nito dito? "What?" I asked him. "Papasok ka pa ba sa Mystic Academy o iiwan na kita?" Iritadong tanong niya. "Tsk. Oo na, magpapa-alam lang ako--" Lumingon ako sa likod ko dahil nandun ang matandang tinulungan ko kanina pero pag tingin ko wala na siya. What the hell?! Saan napunta si manang?! "Magpapa-alam ka kanino?" Lumingon rin si Zep sa likuran ko. "Wala." Nauna na akong mag lakad pabalik sa bahay ampunan. Hindi ko na sinabi sa kaniya na may matanda akong kasama dahil baka isipin niyang nababaliw na ako. Harsh pa naman yan. "Kunin niyo na ang mga gamit niyo para maka-alis na kayo," sabi ni manang ng makita kami ni Zep. Umakyat kami sa taas at kinuha ang mga gamit namin. Chineck ko pa ulit ang bag ko dahil baka may naiwan akong gamit ko. Naunang lumabas si Zep dahil hindi niya na chineck kung may naiwan siya, basta nalang niyang kinuha ang gamit niya tsaka umalis. Wala talagang paki-alam sa paligid ang isang yun. Bago ako bumaba tiningnan ko muna ang kabuuan ng kwarto ko. Bakit feeling ko hindi na ako makakabalik dito? Nilibot ko pa ulit ang tingin ko bago tuluyang bumaba sa baba. Pagbaba ko hinihintay na ako nila manang at ng mga bata. "Mag-iingat kayo dun. Mag aral kayong mabuti para mai-angat nyo ang village natin." Zep and I both nodded "We will po manang," magalang na sagot ko. "Mag-iingat kayo dun lagi. Bisitahin nyo kami kung may libre kayong oras." manang said tearfully. Mabilis kong binaba ang mga gamit ko at yumakap kay manang. "I will miss you manang." I said while hugging her. Ang taong nag alaga sakin sa loob ng mahabang panahon. Sa totoo lang kalahati ng pagkatao ko ayaw umalis sa bahay ampunan na ito. Ewan ko ba pero masama ang kutob ko sa pag-alis ko dito. "Mag-iingat din po kayo dito. Wag nyo pong pababayaan ang sarili nyo." paalala ko kay manang. Umupo ako para makapantay ko ang mga batang nakasama ko sa ampunan. "Maging mabait kayo kay manang, wag niyo syang bibigyan ng sakit sa ulo, alagaan nyo siya lagi at lagi nyong aalalahanin ang tinuro namin ng kuya Zep nyo sa inyo." sabi ko habang tina-tap sila sa ulo nila. "Syempre po." nakangiting sabi ng mga bata. I got up and stood next to Zep. "Bago nga pala kayo umalis may ibibigay ang mga bata sa inyo," manang said.Lumapit samin ang mga bata at kinuha ang kamay namin ni Zep. "Ipro-protect po kayo niyan sa mga masasama." Tiningnan ko ang bigay nila at isa itong bracelet na alam kong sila mismo ang gumawa. Ito pala ang tinatago nila samin. "Maraming salamat," sabi ko habang nakatingin sa bigay nila sakin. May kinuha ako sa bulsa ko at binigay kay manang. "Ingatan niyo po ito at itabi, pro-protektahan kayo nito mula sa mga masasamang pwedeng mangyari." Inabot ko sa kaniya ang kwintas na may berdeng bato. Ginawa ko ang kwintas na ito para maprotektahan ko sila kahit na malayo ako. "Osya, umalis na kayo at baka anong oras na kayo makarating sa Mystic Academy." Nag cast ako ng spell para gumawa ng isang portal. Buti nalang at natuto akong gumawa ng portal, hindi na namin kailangan mag lakbay para lang makapunta sa Academy. "Portalis." lumabas ang portal sa sahig na magdadala sa amin sa Mystic Academy. "Aalis na po kami." I said while holding back my tears. I know I can come back here anytime I want but I can't stay here any longer . I will miss this place specially sila manang at ang mga bata. Sila ang dahilan kung bakit kaya ko pang ngumiti kahit nami-miss ko ang mga magulang ko. Yumakap samin si manang kaya yumakap kami pabalik. Pagkatapos naming yakapin si manang lumuhod kami para maka-pantay namin ang mga bata, yumakap rin kami sa mga bata. "Mag paka-bait kayo." sabi ni Zep sa kanila. "Ang mga bilin namin." sabi ko habang ginugulo ang kanilang buhok. Kumaway kami sa huling pagkakataon bago pumasok sa portal. Hinigop kami nito at para kaming tinatangay ng hangin habang nasa loob ng portal. Kaya ayoko sa mga portal, e! Bakit ba kasi hindi aabot ang teleportation sa Academy! Wala pang limang minuto nakatayo na kami sa harap ng gate ng Mystic Academy. Mapapa-wow ka talaga sa makikita mo, lumingon ako sa paligid at namangha sa mga nakita ko. Lahat ng nakikita ko ay bago sa paningin ko. Totoo ngang maganda sa lugar na ito, tumingin ako sa langit. Sana proud sakin ang mga magulang ko, nandito na ako sa paaralan kung saan sila nag-aral dati. Nandito ang memories ng mga magulang ko, I smiled bitterly. Kung hindi sana sila namatay sana nakikita ko sila ngayon. Sana kasama ko sila ngayon. Naramdaman kong may humawak sa balikat ko kaya tumingin ako kay Zep. I can see that he is worried about me. "Okay lang ako." Sabi ko at pinunasan ang kanang pisngi ko. Tumulo kasi ang luha ko habang nakatingin ako sa taas. Tumingin ako sa gate ng Mystic Academy, alam kong sa pag pasok ko sa paaralang ito marami ng mababago. Tumingin ako sa taas ng napaka-laking gate. There you will see the name of the school. "Mystic Academy." I whisper.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD