AKO!
Masakit pa ang aking katawan lalo na ang pagitan ng mga hita ko.
My goodness,Erin! What have you done!
Sigaw nang aking isipan nang mapagtanto kong wala pala ako ni isang kasuotan man lamang sa katawan.
Binuklat ko ang kumot na nakatakip sa aking kahubaran at nanlaki ang aking mga mata ng makita ko ang mantsa ng kulay pula sa puting kobre kama.
Naibigay ko na sa lalaking ito ang aking pinakaiingatang kayamanan.
I lost my virginity last night !
Pero bakit parang imbis na magsisi ako o manghinayang ay may bahagya pang kilig na tumimo sa aking mga kalamnan.
Napabuntong hininga ako at hindi ko na napigilan nang sumilay ang malapad na ngiti sa aking mga labi.
Wala kahit konting bakas nang panghihinayang sa akin.
Sulit naman!
Ito pa ang tudyo nang aking kaisipan, pero tama naman dahil bawat detalye nang nangyari sa amin kagabi ng lalaking iyon ay talaga namang hindi ko malilimutan.
His kiss, his lips ,his eyes, his touch, his-
Bahagya akong napatigil sa aking pagsasalita nang maisip ko ang sunod ko nang sasabihin.
Napatawa pa ako at naitakip ang kumot sa aking mukha sabay tili at sigaw!
His body is just perfect!
It was my first time seeing a naked man and his private part.
The feeling is unexplainable!
Napangiti ako ng maalala ko ang nangyari.
Ilang saglit pa ang pagbabalik tanaw ko sa mga kaganapan kagabi.
Napatigil na lamang ako sa pag-iisip nang mapansin kong ako na lamang pala mag-isa ang nandirito sa bahay.
Masakit man ang aking katawan ay dahan dahan ako bumaba ng kama.
Dumiretso ako ng banyo at inayos ang aking sarili.
Babalikan ko ang puno kung saan ako nahulog kahapon.
"Aahhh!" impit ang sigaw na aking nasambit nang biglang sumakit ang paa ko.
Saka ko na lamang naalala na may sugat nga pala ako kagabi.
Nakaapak nga pala ako ng bubog dahil sa mga masasamang lalaking nangharang sa akin sa bayan.
May benda pang nakabalot dito.
Ginamot ko ba ang sarili ko kagabi?
Wala akong natatandaang pinagkaabalahan ko pa ang sarili ko kagabi.
Umupo muna ako saglit bago bahagyang hinilot ang aking mga paa.
Mabuti na lamang at hilom na ito kahit papaano.
Lumabas ako ng kubo at namangha ako sa biyaya ng kalikasan na naririto.
Nasa gitna ang kubo ng malawak na dawagan sa itaas ng burol.
Malamig ang hangin na humahampas sa aking katawan.
Nilanghap ko ang sariwang hangin na nakapagpagaan ng aking pakiramdam .
Ang napakagandang sikat ng araw,mga ibong lumilipad,huni ng mga ibong nasa pugad at ingay ng mga baka at tupa sa ibabang bahagi ng kapatagan.
Mula sa malayong bukiran ay matatanaw ang ga-langgam na sukat ng mga puno ng mansanas, maamoy din sa hangin ang matamis at mabangong amoy mula sa mga ubasan.
Malawak ang lupain
Sagana sa biyaya ng kalikasan.
Tila ba napakasarap mamuhay sa lupaing ito.
Luminga linga ako sa paligid.
Wala naman akong ibang taong nakikita sa paligid.
Nasa gitna ako nang pag-rerelax nang muling bumalik sa isip ko ang hot air ballon na sinakyan ko.
Sa' n nga ba iyon banda dito?
Naglakad ako patungo sa malawak na damuhan.
----
Samantala isang chopper ang paikot ikot sa mga lupain tila ba may hinahanap itong kung ano.
----
Sa aking paglalakad ay nakita ko isang malaking puno mula sa mataas na bahagi ng kabukiran.
Makulay ang taas nito.Makulay hindi sa mga dahon kundi kulay ng asul at itim.
Ito ang hot air balloon na aking sinakyan.
Halos mausal ko ang pagpapasalamat sa Diyos dahil dito.
Ito ang aking pag-asa dahil narito lahat ng mahahalagang bagay na kailangan ko.
Lalo na ang pera at mga ID ko at ang passport ko!
Mula sa kapatagan ay naglakad ako patungo sa kagubatan.
Ito ang nakikita kong daan patungo sa itaas.
Malalaki ang mga puno na nandirito.
Kung hindi ako nagkakamali ang malalaki at matataas na punong ito ay tinatawag na Spruce. Ang alam ko ay native ang mga punong ito dito sa Canada.
Kung hindi ako nagkakamali ay hindi pala ako gaano nakalayo.
Nasa Canada pa rin ako.
Pero sa dami nang napuntahan kong lugar ay hindi ko alam na may maganda at malawak na lupain pala rito.
Kumuha ako nang isang sanga ng puno at ginawa itong pantukod.
Paika ika at dahan dahan lamang ang lakad ko dahil alam kong sariwa pa ang sugat sa mga paa ko.
Mahirap ang paakyat sa bahaging ito.
Marami kasing puno at wala naman akong makitang path na nagtuturo nang paakyat dito.
"Hay! " sabay ang tukod sa kahoy kong hawak.
Isa.
Dalawa.
Isa.
Dalawa.
Halos libangin ko na ang aking sarili sa paghakbang dito.
Halos tagaktak na ang pawis ko at masakit na ang paa ko nang matanawan ko nang malapit na ako sa mataas na bahagi nang bundok.
"Konting tiis na lang,Erin!" pagpapalakas loob ko sa sarili ko habang patuloy na inihahakbang ang mga paa ko.
"Hu!'' tumigil muna ako sandali at umupo sa damuhan para maipahinga ang aking pagod na katawan.
Hinay hinay lang bulong ng utak ko,
mahirap na at baka dumugo ang sugat ko.
Isang chopper ang natanawan ko na paikot ikot sa kalangitan.
Nakaramdam ako ng kaba at agad akong nagtago sa katawan ng isang malaking puno.
Dahan dahan akong sumilip kung saan papunta ang chopper.
Kita ko ang dahan dahan nitong paglapag sa bakanteng damuhan na malapit sa puno.
Nang makababa na ito ay kita ko ang pagbaba ng mga armadong kalalakihan na may kargadang baril.
Ito na marahil ang mga tauhan ni Alex Saavebra.
Sa huli ay bumaba rin ang isang matipunong katawan nakasuot ng pantalon at t-shirt at naka-shades na kulay itim.
Halos malambot ang tuhod ko sa nakita kong ito.
Hindi pa rin pala ako makakatakas sa taong ito.
Ramdam ko ang mga dagang para bang nag-uunahang magtakbuhan sa dibdib ko kaya bago pa man ako mahuli nang mga ito ay dahan dahan akong yumuko at nagsimulang ihakbang ang mga paa ko.
"Bilis,Erin! Bilis!" sigaw ng utak ko habang binabagtas ang daan pababa sa mataas na bahaging ito nang farm.
"Boss ,may tumatakbo roon!"
Ito ang narinig kong sigaw ng isang lalaki.
Dahil sa bilis nang pangyayari ay hindi ko na nakontrol ang aking sarili at dumire- deretso na nga ako pababa sa kakahuyan.
Halos gumulong ako sa kakahuyan.
Abot abot na dasal ang aking inusal bago ako tuluyang huminto sa pagkakahulog mula sa itaas pababa.
Halos umikot ang paningin ko sa hilo
"Aaahhh!"daing ko nang sa wakas ay tumigil na ako sa paggulong pababa.
"Ah, nabalian yata ako!" daing ko sabay hawak sa aking ulo.
Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang duguan kong kamay na hinawak ko sa aking noo.
Muli ko itong hinawakan.
Dugo talaga!
Dugo!
Nangiyak ngiyak akong nagpumilit na itayo ang sarili ko.
"Ahhh!" napasigaw na lamang ako nang makita ang duguan ko ring mga paa.Halos matanggal ang bendang nasa paa ko dahil sa paggulong gulong ko.
Masakit ang aking katawan.
Masakit ang ulo ko!
Masakit ang paa ko!
Ano ba naman itong nangyayari sa akin!
Halos mapuno nang dahon ang ulo ko!
Gulo gulo ang mahaba kong buhat
at may mga bakas pa nang lumot ang pantalon.
Bakit ganito?
Dahan dahan kong iginalaw ang aking katawan, bagamat nananakit ito ay kailangan kong gumalaw at sana makatayo.
Luminga linga muna ako sa paligid bago ko mabilis na tinanggal ang damit ko.
Kinagat ko ang dulong bahagi ng aking damit at saka pinunit ito.
Kailangan matalian ang aking sugat para matigil ang pagdurugo nito.
Mariin akong napapikit upang tiisin ang sakit ng sugat ko sa paa.
Humugot muna ako nang malalim na paghinga ngunit...
Bago ko pa man mahigit ang panali ay naramdaman ko na lamang ang malalaki at matitigas na palad na kumuha nito.
Dahan dahan ko minulat ang aking mga mata at tila ba tumigil ang mundo.
This manly figure in front me...
Hindi ako makapaniwala.
Gusto kong sumigaw.
Para bang nawala lahat ng sakit nang aking katawan at para akong ginapangan ng kakaibang kuryente.
Nakatitig lamang ako sa kanya habang pinagmamasdan ko s'ya habang itinatali ang kapirasong tela sa sugat ko.
My goodness !
He's always here when I'm in trouble!