HBS 27 Nailamukos "HOW'S the farm, Binibining Magsasaka?" Bumuntong hininga ako saka napasandal sa swivel chair. Hinilot ko rin ang sintido ko dahil kanina pa iyon sumasakit. Nitong nakaraang araw ay madalas nasakit ang ulo ko, bukod sa mga paperworks ay dahil iyon kay Fonseca. Dalawang linggo na s'yang mahigit dito at isang linggo na rin s'yang nakiki-share sa opisina ko. Pa'no ba naman kasi, noong nakaraang linggo ay biglaang umalis si Fonseca at nagtungo sa Makati para sa business n'ya. Natuwa pa ako noon dahil wala ng manggugulo sa 'kin, pero kinabukasan, ganun na lang ang pagkadismaya ko dahil nakita ko s'ya sa hapag at kumakain ng almusal. Sa loob ng isang linggo, higit dalawang beses na nangyari iyon. Aalis s'ya ng Moncada at babalik din kung hindi kinagab

