HBS 29 Kasintahan "TIRIK na tirik ho ang araw, Madame. Ba't naka-turtle neck kayo?" Inosenteng tanong ni Duday nang magtanghalian. Hindi na ako nakisalo sa kubo dahil madami akong ginagawa ngayon kaya dinalhan na lamang ako nito ng makakakain ko at si Vad ay ganun din. Nagpapasalamat nga ako't hindi ako nito kinaka-usap mula pa kaninang umaga. Kahit hindi kami nag-uusap na dalawa dahil ayokong makipag-usap sa kan'ya matapos nang nangyari kagabi, pansin ko ang pagiging balisa n'ya. Maya-maya rin ang pagbuntong hininga nito tila may mabigat na dinadala. "Bagong trend po bo iyan ngayon Madame?" Hinilot ko ang sintindo saka sinamaan ng tingin si Duday. Nag-peace sign naman ito saka kumaripas ng takbo palabas ng opisina. "So why are you really wearing turtle neck

