HBS 14 Magtiis Being Mister Fonseca's woman, is being a slut. Napatunayan ko iyan nang magsimulang tratuhin n'ya akong parang basura kahit na malinis ang naging resulta ng check up ko. Tinotoo n'ya ang sinabi n'yang ipapatingin muna ako sa doctor bago may mangyari sa amin. May kung anu rin'g itinurok sa 'kin para hindi ako mabuntis. Nang gabing iyon sa San Fernando, imbis na mag-walk out o anu, nakisabay pa ako sa kanyang mag-check out sa hotel. Pinakita kong hindi ako naapektuhan sa sinabi n'ya kahit na sa loob-loob ko lang ay parang dinudurog na ako. Matapos nun, hindi na ako nagpakita sa kanya. Ayoko nang masangkot sa buhay n'ya. Pero hindi n'ya ako tinigilan. He threatened me na ipapasara ang bar na pinagtatrabahuhan ko kung hindi ako papayag sa gusto n'ya.

