HBS 1

3048 Words
HBS 1   Dugo   "Wala ka talagang plano umuwi sa inyo?"   Nginisian ko lamang si Marga at bagot na nangalumbaba sa mesa. Ilang araw na akong umuuwi dito sa bahay nila. Pagkagaling sa eskwela, dito na ako tumutuloy sa kanila. Dito ako nakikikain simula umaga hanggang gabi ng libre.   "Aba! Hoy, Barbara, hindi ako magpapaka-plastik pa. Kahit kaibigan kita, didiretsahin kita! Sa hirap ng buhay ngayon, namomroblema na ang Nanay ko kung saan kukuha ng ipapakain sa 'kin araw-araw tapos dadagdag pa ng palamunin dito! Kung mayaman lang sana kami e' di kahit dito ka tumuloy, walang problema. Umu-"   Tumayo ako at lumabas ng bahay nila. Mamaya na lamang ako babalik. Hahayaan ko munang lumamig ang ulo ni Marga. Kahit naman kasi ganun 'yan, kaibigan ang turing ko d'yan. Siya nga ang unang tinakbuhan ko nang lumayas ako sa 'min.   Kasi naman, ang hirap na nga ng buhay, nagawa pang mag-ampon ng tatay ko. Kesyo, wala na daw itong magulang dahil patay na. Ang problema pa, pag-aaralin pa nila.   Nasa ika-apat na taon na ako ng kolehiyo. Kumukuha ako ng BS-Agriculture sa isang State University. Bakit iyon ang kinuha ko? Simple lang; nang mga panahong mag-eenrol ako, wala pa akong naiisip na kursong gusto ko. Nagkataon lang na may maliit na taniman sina Marga kaya sumama ako sa kinuha niya.   Kahit sabihing free tuition na ngayon ang mga public school; ang dami pa ring gastusin tapos dadagdag pa sila ng palamunin. Ang hirap na nga ng buhay. Mabuti sana kung mayaman kami!   Pareho talaga kami ng hinaing sa buhay ni Marga.   Public teacher ang nanay ko, si tatay naman care taker ng Mansyon ng mga Fonseca sa isang exclusive subdivision sa Makati. Wala kasi ang may-ari ng mansyon dahil nag-iisa lang ang anak nito at may sarili nang bahay na inuuwian. Ang mag-asawa naman ay abala sa pagpapakasarap sa buhay. Patravel-travel na lang sa ibang bansa dahil matatanda na.   Buti sana kung ganun ang buhay namin. Kainis! Ba't kasi pinanganak pa akong mahirap! Letse!   "Hi Barbara!"   Sumipol ang mga kalalakihang tambay sa tindahan ni Aleng Bebang. Imbis na pansinin, inirapan ko na lang ang mga gago. Ang ka-kapal ng mukha! Akala mo naman papatulan ko! Ang babaho naman ng hininga. Buti sana kung mabango't mayaman sila. Baka may chance pang patulan ko sila. Duh!   Nagsitawanan lamang ang mga gago dahil sa pag-irap ko. Tawang manyak na akala mo hayok sa laman.   "Oh, anong problema Barbara? Abot na naman dito ang kasungitan mo,"   Nginiwian ko ang baklang kapitbahay nina Marga. Kung makatapik kasi sa balikat ko, akala mo naman close kami.   "'Wag mo nga akong hawakan. Baka kung saan-saan mo na inihawak iyang kamay mo!"   Imbis na mainis, lalo pa ako nitong inilapit sa kaniya. Tumawa ang bakla saka inilapit ang bibig sa aking tenga. "Ayaw mo ba talaga? Panigurado, patok iyang kagandahan mo. Sa isang gabi lang, pwede kang kumita ng sampung libo-pataas. Depende pa sa magiging performance mo."   Matagal na kasi ako nitong nire-recruit doon sa high-end bar na pinagtatrabahuhan niya. Aniya'y madami doong gwapo na pwede kong pagsilbihan. Magiging waitress lang naman daw ako aniya. Pero sinong niloko niya? Alam kong front lang iyong pagiging waitress kuno, pero ang totoo ay may iba pang gagawin.   "Pwede ba?!" lumayo ako sa kaniya na tila diring-diri. "Hindi pa ako nahihibang para patulan iyang sinasabi mo,"   Kinikilabutan ako sa mga pinagsasabi niya. Kahit anong mangyari - kahit gipit ako ngayon sa pera, hinding-hindi ako papayag sa inaalok niya. Mabuti sana kung magiging waitress lang, walang mali sa trabahong iyon.   "We'll see," kibit balikat niya. "Basta alam mo kung saan ako hahanapin..."   Inilingan ko na lamang ang baklang papalayo sa akin.   Dumiretso ako sa paradahan ng Jeep. Uuwi muna ako sa amin. Kukunin ko lang ang iilang gamit na naitira ko pati na din ang naipon ko. Bahala na! Hahanap na lamang ako ng boarding house na tutuluyan ko hanggang sa makapagtapos ako. Total ilang buwan na lang, may diploma na ako. Kahit naman kasi papaano, may hiya din ako. Naiintindihan ko si Marga kaya ganun na lang ang bunganga niya kanina. Kahit na madalas nakakairita ang tabas ng dila niya, naiintindihan ko talaga.   "Barbara, anak!"   Gulat na napatayo si Nanay mula sa sala nang makita ako. Abala ito sa pag-aaral ng mga lesson-planned niya.   "Barbara, anak, mabuti naman at naisipan mong umuwi. Kumain ka na ba ha?"   Inakay ako ni nanay patungo sa mesa ngunit hindi pa man kami nakakaabot, bunganga naman ng ama ko ang bumungad sa akin.   "Bakit narito iyan?! Ba't naisipan pang umuwi?!"   "Pa, kauuwi lang ni Barbara, 'wag mo naman pagsalitaan," suway ni Nanay at nilapitan ito.   Napailing na lamang ako at pumanhik sa hagdan. Wala akong plano makinig sa pagtatalo nila. Kukunin ko lang ang gamit ko, aalis na din kaagad ako.   "Anak, aalis ka na naman?"   Katulad ng kanina, dinaanan ko lang si Nanay. Gusto ko siyang kibuin, pero kapag naaalala ko kung pano nila pahalagahan ang ampon nila, nagagalit lang ako. Simula kasi nang dito na iyon  tumira, nabalewala na ako. Siya na lang parati ang mabuting anak. Tss.   "Hayaan mo nga iyang lumayas! Uuwi din iyan kapag wala ng pera!" sabat na naman ni tatay.   Nasasabi iyan ni tatay kasi alam niyang wala akong alam sa mga gawaing bahay. Inaasahan niya nang wala akong makukuhang trabaho kung sakali mang maghanap ako. Kahit naman kasi mahirap lang kami, sunod sa luho ako kapag ginugusto ko talaga. Buhay prinsesa kumbaga. Kaya nga nang mabalewala ako, doon na ako nagsimulang magrebelde.   Mula sa likod niya ay naroon ang ampon niya. Pilit nitong inaalo si tatay at may simpatyang nakatingin sa akin.   Napaikot na lang ako ng mata saka nilagpasan sila. Babalik ako dito kapag may ibubuga na ako.   "Gagapang ka dito pabalik, Barbara! Tatandaan mo iyan!"   Mula dito sa labas ay dinig na dinig ko pa din ang sigaw ni Tatay. Napa-irap ako sa hangin. Paano ako gagapan kung may mga paa naman ako? Pwede namang bumalik sa kanila ng naglalakad! Duh!   Gulat ang rumehistro sa mukha ni Marga nang makita ang bitbit kong bag na puro laman ay damit. Madaling araw na pero kauuwi ko pa lamang sa kanila. Sarado na ang lahat ng ilaw sa kabahayan. Makapal lang talaga ang mukha ko para gisingin pa siya.   "Wala ka na ba talagang plano umalis dito sa bahay?! Barbara naman, kaibigan kita pero lahat tayo magugutom kapag nanatili ka pa ng matagal dito,"   Lihim akong napaismid. Akala mo naman, ang lakas-lakas kong kumain.   "Bukas samahan mo akong maghanap ng boarding house. May naipon pa ako. Iyon ang ipangbabayad ko."   Dumukot ako ng singkwenta sa pitaka saka binato sa kaniya. Tinalikuran ko ito at nagtalukbong ng kumot. Letse! Nagrereklamo na ang tyan ko sa gutom. Di bale, iisipin ko na lang na araw-araw ako diet.   "Anong gagawin ko dito sa singkwenta mo?!"   Napahilot na lang ako sa aking sintido. Lintik! Isang gabi na lang ang pagtitiis ko, makakaalis din ako sa punyetang bunganga ni Marga.   "Bayad iyan para manahimik ka lang!" bagot kong saad saka sinalpakan ng earphone ang aking tenga.   Mabuti pang makinig ng rock-rock'an kesa sa armalite na bungaga ni Marga.   Imbis na pumasok kinabukasan sa eskwelahan, naghanap na lamang ako ng boarding house. Sinabayan ko na din ng paghahanap ng trabaho dahil sakto lang na pambayad ang pera ko. Kung hindi ko lamang binigyan ng singkwenta si Marga kagabi, eh di sana may pangkain pa ako ngayon.   Letse kasi!   "Okay na ba sa 'yo ang kwartong ito?"   Hindi na masama. Maghapon na akong naghahanap at ito na ang pinakamatinong kwartong nakuha ko. Isa itong studio type. Pagpasok pa lamang, higaan na ang bumungad; maliit na mesa at lababo, may isa pang pintuan para sa banyo.   Matapos kong mag one month deposit at one month advance lumayas na ang landlady habang binibilang ang pera.   Ang poproblemahin ko na lamang ay kung saan ako kukuha ng ipangkakain ko.   Laking pasasalamat ko na lang at may mabuti akong boardmate na nag abot ng kanin at ulam. Alam daw kasi niyang pagod ako kaya hindi na ako makakapag-luto pa.   Mabait din naman pala sila. Pwede na! Total makapal ang mukha ko, baka pwedeng makikain muna ako habang hindi pa ako nakakapaghanap ng trabahong aangkop sa schedule ko sa eskwela.   "Kamusta paghahanap ng tirahan? Nakahanap ka na? Hindi mo na ako ginagambala sa amin?"   Puno ng pang-aasar na sambit ni Marga nang magkita kami kinabuksan sa school. Hawak-hawak pa nito ang stick ng hotdog na kinakain niya.   Kanina pa ako nakatunghay pero hindi man lang ako alukin. Letse! Walang kwentang kaibigan! Kahit magaganda, nagugutom rin.   "Pautang ng isang libo," inilahad ko ang palad sa harap niya. Nakataas pa ang aking kilay upang mukhang hindi nakakahiya.   Naubo naman ito at nanlalaki ang matang dinuro ako nung stick. "Iniinsulto mo ba ako? Alam mo namang exams natin ngayon. Kaylangan ko pang magbayad ng Miscellaneous Fee para makakuha ng permit!"   Bwesit kasi! Naturingang free tuition, may mga Miscellaneous pang kelangan bayaran. Hindi pa ako nakakapag-exam dahil wala pa akong permit. Huwebes na pero ni isang subject, hindi ko pa na-take.   "Akina lang iyong singkwenta ko!"   Mas tumaas pa ang kanang kilay ko. Pinagtitinginan na kami dito sa loob ng cafeteria dahil sa tinis ng bunganga niya.  Nahihiya ako dahil alam kong hindi sila sanay na nakikitang nanghihingi ako.   Pinanlisikan ako ni Marga saka padabog na kumuha ng singkwenta sa pitaka niya.   Tumayo na ako at iniwan siya matapos niya sa aking iabot ang pera. Dumiretso ako kay Dos upang sa kaniya umutang.   Alam ko namang hindi ako matatanggihan ng gago. Patay na patay din kasi sa akin ang isang iyon.   "Dos! Narito si Barbara! Labas ka muna! Sasagutin ka na ata!"   Hindi ko inintindi ang pag sigaw ng isa sa blockmate niya. Sumandal ako sa pader habang magkakrus ang braso sa tapat ng aking dibdib.   "Barbara! Anong ginagawa mo dito?"   Tila hindi ito makapaniwalang nakatingin sa akin. Ngayon lang kasi nangyari ito na ako ang unang pumunta sa kaniya. Madalas, siya ang tambay kung nasaan ako.   Minsan naaalibadbaran ako, pero minsan hinahayaan ko na lang.   "Pahinging isang libo,"   Napangisi ako nang dali-dali nitong dinukot ang wallet sa kaniyang bulsa. Iyan ang gusto ko kay Dos! Agad-agad nagbibigay kapag kaylangan ko.   Inilahad ko na ang aking palad nang iaabot na nito sa akin ang isang libo. Ngunit hindi pa man iyon tuluyang dumadapo sa palad ko nang tumunog naman ang kaniyang telepono.   "S-sandali lang Barbara,"   Tinalikuran ako nito saka kakamot-kamot sa batok na sinagot ang tawag. Maya-maya pa ay bumalik na ito sa aking harapan.   "Akin na!"   "Barbara kasi..." paputol-putol nang anito. Hindi na din makatingin sa akin.   Napaarko ako ng kilay saka mas lumapit pa sa kaniya. "Ibibigay mo o hindi?"   Umatras naman siya. "B-barbara kasi... kaylangan ng kapatid ko iyong pera. Pasensya na, hindi kita mabibigyan ngayon,"   Laglag ang balikat na napasandal ako sa pader. Lintik! Inis kong inihilamos ang palad ko sa aking mukha na sana ngayo'y may pera na pero naging bato pa.   "Sige, ayos lang,"   Tinalikuran ko si Dos. Hindi ko na din inintindi ang nakakairita niyang boses na tumatawag sa akin.   Bumalik na lamang ako sa boarding house upang matulog. Ano naman ang gagawin ko sa University? Wala nga akong pambayad ng exam!   Kalagitnaan ng gabi ay nagising ako dahil sa pagkalam ng aking sikmura. Bumangon ako at lumabas. May nadaanan pa ako sa salang mga kaboardmate ko na abala sa pagreview.   Napabuntong hininga ako. Gusto ko sa kanilang mangutang pero hindi ko naman sila ganun kakilala. Nakakahiya naman sa kanila!   May natira pang bente pesos sa singkwenta ko matapos kong kumain. Kanin lang naman ang binili ko tapos nanghingi na lang ako ng sabaw -at iyon na ang inulam ko.   Pumara ako ng jeep upang puntahan ang alam kong makakatulong sa akin. Pesteng bakla 'yon. Mukhang ipinagdasal na magipit ako para sa kaniya ako lumapit. Nakakahiya man pero kaylangan ko munang ibaba ang matayog kong pride. Kaylangan ko na ng pera ngayon na! Hindi naman ako agad-agad makakapaghanap ng trabaho. Kaylangan ko ng mag exam dahil baka mahuli ako. Graduating student pa naman ako.   Isang beses lang; isang beses lang ako lalapit kay bakla. Titipirin ko na lang ang makukuha kong pera mamaya kung sakali man. Wala pa akong gaanung gamit sa boarding house, siguro kaylangan ko din mamili kapag nakakuha ako ng pera.   "Kaya pala napakaganda ng simoy ng hangin ngayong gabi. Iyon pala'y may mapapadpad ditong magandang dilag. Ano ang maipaglilingkod ko sa 'yo Barbara?"   Inirapan ko ang bakla saka walang hiyang pumasok sa bahay niya. Prenteng naupo sa sofa habang siya ay nakasunod lamang sa akin.   "Kaylangan ko ng pera!"   Ipinatong ko ang aking mga paa sa center table saka ipinikit ang mga mata. Ayokong makita ang nakakainis niyang ngisi.   "Kaylangan ko ng pera. Ipasok mo ako doon sa bar na sinasabi mo. Pero siguraduhin mo lang na waitress lang ang trabaho ko..."   "Ang demanding mo masyado. Maligo ka na!"   Pinagtulakan niya ako sa banyo upang maligo.   Isang oras pa ang nakalipas, sakay-sakay na kami ng itim na Van patungo sa sinasabi niya. Sa loob pa lamang ng sasakyan ay kung anu-ano na ang bilin niya na hinahayaan ko lang. Pasok sa kabilang tenga, labas naman sa kabila. Naiimbyerna ako sa tinis ng boses niya. Halata mo namang masaya.   Huminto ang sasakyan sa tapat ng bar. 'The Vad Boy Bar' ang pangalan nito na nginisian ko lamang.   Matapos bumulong ng kung anu ni bakla sa dalawang bouncer ay pinapasok din kami agad. Pumasok kami sa isang kwarto at doon ako inayusan. May mga babae din sa loob pero hindi ko naman pinansin. Wala akong pake sa kanila.   "Siya ba iyong sinasabi mo, Mama?" bulong ng babae kay Bakla.   Humalakhak naman si Bakla saka tumango. Inirapan ko lamang ito nang madako ang tingin niya sa akin.   "Ano Barbara? Wala ng atrasan 'to. Basta iyong mga binilin ko sa 'yo. Magbibigay ka lamang ng alak na gusto nila. Doon pa lang makakakuha ka na ng tip. Depende pa kung gusto kang ilabas, mahal ang bayad nun."   "Pwede ba? Hindi ako bobo para hindi matandaan iyang sinasabi mo!"   Inayos ko ang mini skirt na suot ko at ang blusa na halos lumuwa na ang aking dibdib. May kalakihan kasi ang aking hinaharap, nagkataon naman na ito lang ang kakasya sa akin. Kung hindi kasi malaki, maliit naman iyong uniform.   Hindi ko na hinintay pang magsalita si bakla at ginawa ko na ang aking trabaho. Magbibigay ng alak sa mga naka-assign sa akin. Kung kanina ay nababagot pa ako, ngayon ay nalilibang na ako dahil sa mga tip na nakukuha ko. Pinakamababang tip na nakuha ko ay limang daan.   Ayos pala ito! Sa isang gabi lang, may pera na ako.   "Barbara, pakibigay nga itong alak doon sa lalakeng nasa couch. Kaylangan ko lang magbanyo. Naiihi na ako,"   Ayoko sa lahat ay iyong inuutus-utusan ako. Pero wala na akong nagawa dahil nasa kamay ko na ang tray ng alak na ibibigay ko doon sa bandang madilim na couch.   "Akin na iyong tip para sa 'yo," kasi ako naman talaga ang mag-aabot.   Lumapit ako doon sa nag-iisang lalake sa couch. Tahimik lamang itong nakayuko tila may malalim na iniisip.   "Sir? Here's your liquor," inilapag ko sa mesa ang bote ng alak.   Wala itong naging tugon sa akin kaya lihim ko itong inirapan saka ito tinalikuran. Akma ko itong iiwan nang maramdaman kong may humawak sa aking palapulsuhan.   "Please stay," paos ang boses na anito.   Hindi ako masunuring tao. Hindi ako basta-basta sumusunod sa sinasabi ng tao. Kaya wala akong pakialam sa lalakeng 'to.   "May trabaho pa ho kasi ako," pilit kong pinapakalma ang aking sarili.   Ayoko sa lahat ay iyong basta-basta na lang hahawak sa akin.   "Please stay," ulit nito, nanatiling nakayuko.   "May pera ka ba?"   Doon lamang siya napatingala sa akin. Muntik na akong mapasinghap sa itsura ng lalakeng 'to. Isa lang ang depenisyon na masasabi ko; gwapo. He has this dark eyes, long eyelashes at umaalon-alon din ang kaniyang buhok. Mukhang tama si bakla na madaming gwapo dito. Sabagay, high-end bar ito.   "I won't waste my time para lang sa 'yo, Sir. Iyong oras na isasayang ko para samahan kayo, itatrabaho ko na lang iyon para may tip pa ako,"   Napaarko ang aking kilay nang walang salitang dinukot nito ang wallet sa kaniyabg bulsa. Dumukot ng ilang libuhin saka inipit sa kamay kong hawak niya.   "Now stay, please,"   Kusa na akong umupo sa tabi niya- sapat na iyong hindi magdaiti ang aming mga hita. Pasimple kong binilang ang perang binigay niya, halos manlaki ang mata ko nang mabilang kung ilan lahat ito.   "Ano bang pwede kong ipaglingkod sa inyo, sir?"   Total naman ay napakalaki ng tip na binigay niya; mabuti pang pagsilbihan siya.   "Drink," iminiwestra niya ang kulay asul na alak.   Ngumisi ako at inabot iyon. Napangiwi pa ako nang gumuhit iyon sa aking lalamunan.   Kalahating oras na siguro kaming nag-iinuman na dalawa pero hindi pa namin alam ang pangalan ng isa't isa. Nagtatawanan lang kami habang may pahampas-hampas pa ako sa balikay niya.   Hindi ko alam na nagiging malandi pala ako kapag lasing. Letse!   "It's getting hot in here,"   And he's becoming touchy. Kung saan-saan na nakakarating ang kamay niya na hinayaan ko lang dahil gusto iyon ng pakiramdam ko. Maya-maya ang paghaplos niya sa aking hita habang panay ang halik sa aking panga.   Nag-iinit ang pakiramdam ko. Marahil ay impluwensya ng alak.   "Anong pangalan mo?" naiusal ko habang sabu-sabunot ang malambot niyang buhok.   "The name's Rad, babe. And I'm horny,"   Napahagikhik ako. Letse! Hindi ko na makilala ang sarili ko. Nag-iinit ako na gusto ko ng maghubad.   "May pera ka pa ba?"   "Why babe?"   Gusto ko na kasing umuwi at matulog. Baka naman pwede niya akong bigyan ng pang taxi. Ayoko naman bawasan iyong tip niya. Gusto ko kapag binilang ko ulit iyon bukas, dapat kompleto.   "Gusto ko ng umuwi,"   Kahit iba na ang aking pakiramdam, pinilit ko pa ring tumayo saka inilahad ang kamay sa harap niya. "Pengeng pan-taxi. Uwing-uwi na ako,"   Malabo man ang aking paningin, nakita ko pa rin ang pagtayo niya saka pag-alalay sa akin palabas ng bar.   Inalalayan niya akong makapasok sa isang sasakyan. Agad kong pinikit ang mga mata ko dahil sa antok.   Nagising na lamang ako kinabukasan sa hindi pamilyar na silid. Walang saplot - at may bahid ng dugo sa kobre ng kama.   To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD