HBS 3
Rad
Kung ga'nu kinalaki ng kinita ko nang unang nagtrabaho ako dito sa bar, ngayon naman ay halos hindi na mangalahati ang mga tip na inaabot sa akin.
Iisipin ko na sanang matumal ang ganda ko ngayong gabi kung hindi ko lamang narinig ang usap-usapan na binayaran lamang daw ni Bakla ang mga nagbigay sa 'kin ng tip noon (maliban dun sa gwapo ngunit gagong lalake). Anito'y para matuwa ako at bumalik ulit dito.
Nakaka-tang ina lang dahil kung sana pinautang niya na lang sa 'kin 'yung pera, baka natuwa pa ako at hindi nagalit sa kaniya.
Ayoko sa lahat ay 'yong niloloko-loko ako!
"Sofia? Ba't nakabungasot iyang maganda mong mukha?" kausap sa 'kin ng isa sa katrabaho ko. Siya lang iyong may lakas ng loob na kausapin ako kahit na hindi ko siya pinapansin. Hindi ko nga alam ang pangalan niya pero kung makatawag sa 'kin ng Sofia, akala mo natutuwa ako sa kanya.
Sofia's my screen name here in The Vad Boy Bar. Si Bakla ang unang nagtawag sa 'kin ng ganun dahil aniya'y confidential ang totoong pangalan namin. Inirapan ko na lang ito dahil wala namang sense ang gusto niya. Sofia's my second name kaya ano pang saysay?
I don't know, what's his point of hiding our real identity, the fact that nakikita naman ang mukha namin. We're not even in some strips clubs na naka-maskara para hindi makilala.
Natapos ang shift ko na hindi man lang ngumingiti sa mga customer na lumalandi sa akin. Tapos na akong bigyan ng pera ni Bakla kaya napagdesisyunan kong umuwi na. Madaling araw na din at kaylangan ko ng magpahinga. Papasok pa ako bukas dahil baka bumagsak ako.
"Bye Sofia! Balik ka ah!"
Irap ang tugon ko sa Bakla. Wala naman kasi sa usapan na regular na ako dito. Magtatrabaho lamang ako kapag kinakailangan ko na ng pera. Mabuti nga at pumayag si Bakla sa ganung usapan. Naiiintindihan naman siguro na hindi ako pwedeng gabi-gabi dito.
"Ang sungit mo talagang babae ka! Ako ang boss mo pero iniirap-irapan mo lang ako! Pambihira! O siya, layas na, baka matagal na naman kitang hindi makita! Pasalamat ka at gandang-ganda ako sa 'yo, malakas ang hatak mo dito!"
Oh well! Salamat sa ganda ko.
Napangisi ako sa naiisip. Advantage talaga madalas ang ganda sa panahon ng kagipitan!
Mabait naman ako sa kaniya sa totoo lang. Hindi lang ako showy sa kaniya.
Sumakay ako sa dyip saka nagpahatid sa boarding house. Binilang ko ang perang kinita ko ngayon pati na din ang tip na nakuha ko.
Napabuntong hininga ako. Hindi sapat ang kita ko dahil hindi naman ako regular na waitress ng bar. Maliit lang din ang tip na nakuha ko at hindi ako pumayag sa alok na magpa-take out. Hindi pa ako nahihibang para gawin ang bagay na 'yon. Minsan ko nang ginawa 'yon at wala lang akong napala. Pasalamat pa nga ako at buo pa rin ako hanggang ngayon.
I think, I have to go back to that bar at mag-ipon pa. Hindi ko muna bibilhin ang mga gusto ko, sa ngayon ay iyong mga pangagailangan ko muna.
"H-hindi na daw nila matatanggap ang perang 'to,"
Nakabitin pa rin sa ere ang kamay kong may hawak na apat na libo kinabukasan. Heto nga at tumutupad na ako sa usapan, ayaw pang tanggapin ang pera ko.
"At bakit? Dinoble ko na nga di'ba?" umarko ang aking kanang kilay.
What's with this nerd? Binabayaran ko na nga pati iyong sa kaniya, choosy pa.
"It's long overdue na kasi. Madami na sila ulit nagastos,"
"Exactly! Mas kaylangan pa 'to ng grupo sa mga gastusin para sa thesis natin. Iabot mo na lang sa kanila," ngiti ko ng matamis saka tinapik ang balikat niya.
Dumiretso ako sa cafeteria saka nag-meryenda. Matapos ay nagtungo ako sa library dahil isang linggo din akong hindi pumasok. Madami akong kaylangang aralin para sa mga quizes na hindi ko natake.
Gusto kong bumawi sa sarili ko sa mga araw na wala akong natutunan sa klase. Sa panahon ngayon, wala ka ng ibang makakapitan kundi ang sarili mo. Kahit pa nar'yan si Marga, wala naman akong maaasahan sa kaniya. Iniiwasan ko din ang isang 'yon dahil ayoko muna ng ingay.
"Barbara,"
Natigil ang mata ko sa pagbabasa at napaangat ng tingin sa taong nasa aking harapan ngayon.
"What now, Dos?"
Matagal ko na ding hindi nakikita ang isang 'to. Marahil ay abala sa pag-aaral dahil matalino din si Dos. Asides from courting me, he prioritize his studies.
"Bulaklak para sa 'yo,"
I arched my brow. Sumandal din ako sa upuan at pinagkrus ang dalawang braso. "Para saan naman 'yan?"
"Sa panliligaw ko sa 'yo,"
Bumalik ako sa paglilipat ng pahina ng libro saka nagbasa. "Oh? Nanliligaw ka pa pala? Hindi ko na kasi maramdaman 'yong sincerity mo,"
"Pasensya na. Naging abala kasi ako sa klase,"
He's an engineering student. At dito sa Unibersidad namin, tinitingala ang kurso nila. Bakit? Bukod sa madami ang gwapo, mataas din ang kurso nila dahil ibig sabihin kapag nakapasok ka sa department, matalino ka.
And Dos is one of those college boy na pinipilahan ng kababaihan kahit hindi mayaman.
Madami din ang nagagalit sa'kin dahil sa bukod sa 'kin siya nanliligaw, may mga nangyayari ding discrimination dito sa University namin.
Mababa ang tingin nila sa kursong kinukuha ko. Bagsakan ng mga estudyanteng hindi nakakapasa sa mga kursong gusto nila ang department namin. Ganun kababa ang tingin nila sa mga Agriculture students. Pero ang hindi nila alam, mahirap ang kursong 'to! You have to memorize the scientific name of crops and animals. Even their parts, dapat alam mo! You have to measure the land and identified what nutrients the plants could get from it!
"Alam mo Dos... imbis na bulaklak ang inaabot mo sa 'kin, bakit hindi ka na lang magpaka-praktikal?"
Nangunot ang noo niya. Napailing naman ako.
Hindi ka papasa sa panliligaw sa 'kin Dos. Masyado kang inosente sa larangan ng pag-ibig.
"Masakit man kasing sabihin, Dos.... naghihirap na ako ngayon. Hindi naman siguro lingid sa kaalaman mo na naglayas ako di'ba? Kaya be practical--"
Kinuha ko mula sa kamay niya ang bulaklak saka inilagay sa unang vase na nakita ko.
Lumapit na din ako sa S.A at inabot ang libro. Matapos iabot ang aking library card, umalis na ako.
Nakasunod pa rin sa akin si Dos kahit nasa labas na ako ng library. Sinubukan nitong kunin ang bag ko na hinayaan ko lang din.
"-bigas na lang ang ibigay mo sa 'kin. Magkano ba ang bigas ngayon kumpara doon sa bulaklak na binigay mo?"
Inagaw ko sa kaniya ang bag ko saka nilagpasan nang hindi pa rin siya nagsasalita. Gusto kong humagalpak ng tawa sa mga pinagsasabi ko sa kaniya.
Wala akong paki kung ma-turn off siya sa akin. Iyon nga ang gusto ko, ang tumigil na siya sa panliligaw. Sa dami ng iniisip ko, hindi ko na siya mabibigyan pa ng oras.
Dos's a big catch pero hindi ko kaylangan ng tulad niya sa ngayon. Aral muna bago landi.
Dumiretso ako sa bar nang tumungtong ang alas-dyes ng gabi. Pasalamat na lang din ako at wala si bakla kaya walang nang-aasar sa 'kin. Hindi ko alam kung anong meron sa'kin at bakit ako paboritong asarin ng baklang 'yon.
"Sofia, nakikita mo iyong lalakeng naka-upo sa bar stool? Panay ang tingin dito sa pwesto natin. Hindi kaya kursunada ako?"
Punyeta! Kinikilig pa. Hindi man interesado sa sinasabi niya, nagawa ko pa ring lingunin ang tinutukoy niya dahil na rin sa paghampas niya sa balikat ko.
At napaikot ako ng aking mga mata dahil matandang panot ang nakita kong nakatingin sa kaniya.
"Alin ba? Iyong panot?" tila bagot na saad ko at pinikit-pikit ang aking mga mata.
Alas dos na din kasi ng madaling araw at inaantok na ako. Ilang gabi na akong puyat dahil sa mga problema ko.
"Anu ka ba!? Anong panot?!" halakhak nito saka muli akong hinampas sa balikat.
Napaayos naman ako ng tayo saka siya pinanlisikan. "Wala akong panahon sa kalandian mo, Kina! Magtrabaho na lang tayo!"
Tinalikuran ko ito. Hindi naman kapanipaniwala ang sinasabi niya. Madilim dito sa parte namin kaya paanong titingnan siya nung matandang panot? Saka wala ba siyang tatse? Eww!
"Teka lang, Sofia! Tingnan mo kasi ang tinutukoy ko! Lakihan mo ang mga mata mo!"
Pinigilan ako nito saka muling pinaharap sa bar counter. Sa una'y kumukunot pa ang noo ko pero nang lumagpas ang paningin ko kay panot, pakiramdam ko ay nag-init ang ulo ko at tumaas ang lahat ng dugo sa katawan ko dahil sa nakikita ko.
Ang punyetang gwapong lalake na naman! Kahit alam kong hindi ito nakatingin sa amin, nag-iinit pa rin ang ulo ko. Nakaharap lang ito banda sa pwesto namin pero hindi kay Kina nakatuon ang paningin nito. Mukha itong problemado sa lagay niya katulad nang una ko siyang nakita.
Agad akong tumalikod nang matauhan sa tili ng katabi ko. Punyeta talaga. Hindi ako pwedeng magkamali. Tandang-tanda ko pa ang itsura ng lalakeng 'yon.
Itim na itim ang kaniyang mata, mahaba ang pilik mata at umaalon din ang kaniyang itim na itim ngunit kulot na buhok. Gwapo talaga! Pero kahit na!
"Uy teka lang Sofia, saan ka pupunta?"
Habol ang hiningang napasandal ako sa loob ng powder room. Tangina! Kumukulo ang dugo ko sa galit dahil sa lalakeng 'yon.
Matapos ang higit dalawang linggong kahihiyan, makikita ko pa siya?
Makikita ng punyetang gwapong 'yan. Siguraduhin niya lang na hindi magkrus ang landas namin dito sa loob dahil talagang makakatikim siya sa 'kin!
Natapos ang trabaho ko na hindi ko na pinansin si Kina. Wala na siyang ibang ginawa kundi ang tampalin ako. Nakakalimutan niya ata na hindi naman kami close. Makapal lang talaga ang make up niya.
"Una na ako Sofia, iba naman ang direksyon ng sakayan natin,"
Kahit sa pagpapaalam ay kinikilig pa rin ito. Tinanguhan ko na lamang at lumabas na din ng bar.
Hindi pa ako nakakalayo nang maramdaman ang pagdantay ng isang braso sa balikat ko.
Awtimatikong napaatras ako at inundayan ng suntok sa tyan ang mapangahas na punyetang nilalang.
Napaungol ito at napaluhod sa sahig. Hindi ko nakikita ang mukha niya pero base na din sa suot nitong itim na polo, mukhang alam ko na kung sino ito.
"What the hell is your problem woman?!" uubo-ubong sigaw niya saka ako tiningala.
Kahit na alam ko nang ang punyetang gwapo ito, nagulat pa rin ako.
"Punyeta ka! Kilala ba kita para akbayan mo ako?"
Bahagya pa akong natulala habang pinagmamasdan ang kaniyang mukha. Isa lang ang sigurado ko, hindi ito purong Filipino.
"Oh c'mon! Are you trying to get back on me dahil hindi kita pinansin last-last week?"
Nagsalubong ang kilay ko. "So naaalala mo?"
Ngumisi ito at sinubukang tumayo. "Y-yea-holy f**k! Ouch."
"'Wag na 'wag mo akong ngingisian punyeta ka!" akma ko itong aambahan ng suntok nang may pumigil sa kamay ko. "Oh panot? Anong ginagawa mo dito?" halakhak ko. Magkasama pala sila ng gago.
Wala naman itong naging reaksyon kaya nang senyasan ito ng gago na umalis, sumunod din kaagad ito.
Napailing na lang ako saka ito tinalikuran. Hindi ko alam kung anong meron sa lalakeng 'to at kung makaakto ay tila kilalang-kilala niya ako.
"Wait up babe!"
Nagpatuloy ako sa paglalakad. Asa namang lilingon ako dahil sa tawag niya. Hindi ko naman siya kaanu-anu para magpatawag sa kaniya ng baboy.
"Babe! I said wait up!"
"Ano ba talagang problema mo sa akin? Do I even know you? Are you one of my flings? Coz I don't remember flirting with you," panggagaya ko sa mga linyang sinabi din niya sa akin noon.
May gumuhit na gatla sa kaniyang noo. "You don't have originality. Manggaya ka ng linya," bahagya itong tumikhim matapos ay sumeryoso. "I should file you a case-plagiarism."
Napaikot na lang ako ng mata saka muli itong tinalikuran. Nakapagtataka ang mga inaakto niya ngayon kumpara sa pagsusungit niya sa akin noon.
Nakakailang hakbang pa lang ako nang muli na naman niya akong tinawag. Hindi ko na ito nilingon kaya nagulat ako nang sabayan niya ako sa paglalakad.
"Uuwi na ba tayo?"
Pinanlisikan ko siya dahil sa tanong niya pero hindi pa rin ito natinag. "Uuwi lang pero walang tayo!" naalibadbaran na ako sa pagmumukha niya kaya nang may tumigil na taxi sa harapan ko, agad ako ditong sumakay.
Punyeta! Mapapamahal pa ang pamashe ko dahil lang sa lalakeng 'yon.
Ngunit bago pa ako tuluyang nakapasok sa taxi, kita ko ang gulat sa mukha niya pero nangibabaw din ang pag-halakhak nang makuha ang pinupunto ko. Iiling-iling ito, tila namamangha sa sinabi ko.
Napaikot na lang ako ng mata at hindi na ito nilingon pa. Bahala siya. Ngayon alam niya na ang pakiramdam ng binabalewala.
Nakakagulat ang mga biglaang pangyayari sa buhay ko pero ang mas nakakagulat ay ang makitang may mamahaling sasakyang nakaparada ngayon sa harapan ng University. Gusto kong mapairap sa kung sino mang hambog ang may-ari ng sasakyan. Masyadong pasikat, alam naman na public school 'to dito pa irarampa ang sasakyan niya.
"Anung meron at parang may artistang napadpad dito?"
Tanong ko sa babaeng nakikiusyoso.
"May bisita ang President ng school. Pamangkin ata..."
"Wala bang parking lot sa loob at dito pa naisipan ipark iyang sasakyan?"
Nangibitbalikat lang ito kaya hindi ko na kinausap pa. Dumiretso ako sa boarding house at naligo. Gumawa na din ng business proposal na hanggang ngayon ay hindi pa natapos-tapos.
Nang pumatak ang alas dyis, nag-ayos ako at nagtungo sa paradahan ng dyip para pumasok sa bar. Kalahating oras ay nasa loob na ako ng bar at nagtatrabaho.
Masyado pang maaga at nagsisimula pa lamang dumami ang dagat ng tao dito sa loob. Kung kanina ay nakakapagpahinga pa ako, ngayon ay halos hindi na magkaundaugaga ang katawan ko sa pagkilos.
"Sofia dear! Napapadalas ata ang punta mo dito ngayon? Ganun ka na ba talaga kagipit?" puno ng pang-iinsulto nito.
Gusto kong irapan ang malanding bakla na akala mo'y isang donyang nakaupo ngayon sa couch kasama ang tatlong lalakeng kung titingnan ay parang anak niya na.
May ibinulong ang isa sa katabi niya at tinuro ako. Pinasadahan ako ni bakla ng tingin bago inilingan ang katabi niya.
Nangilabot ako, iba ang tingin sa akin ng isang 'yon.
Umalis ako sa harapan nila at bumalik sa ginagawa kahit na ba'y pakiramdam ko kanina pa may nakatingin sa akin.
Nang matapos ang shift ko ay dumiretso agad ako sa pag-uwi. Hindi na ako nagpaalam kay Kina dahil hindi ko naman gawain 'yon.
Katulad ng nakagawian, dumiretso ako sa paradahan ng dyip. Pero ilang minuto na ang nakakalipas ay hindi pa rin ako nakakasakay. Maya-maya din ang paghaplos ko sa aking magkabilang braso dahil sa kinikilabutan ako sa hindi malamang dahilan.
Humikab ako ngunit naputol iyon nang may humawak sa magkabilang kamay ko. Una kong nilingon ay ang sa kanan ko at halos kilabutan ako nang mamukhang ito 'yong lalakeng kasama ni bakla sa loob ng bar kanina. Namumula ang mga mata nito at makahulugan ang ngisi.
"W-what?" I stepped back ngunit agad ding napahinto dahil sa isa pang kamay na nakahawak sa aking kabilang palapulsuhan.
I composed myself kahit na kinakain na ng kaba ang dibdib ko. "Anu?" gulat na napalingon ako kay panot at itinanong ito.
Tumikhim ito at inilipat ang tingin sa katabi ko bago ito muling inilipat sa akin. "Sumabay na po kayo sa 'kin, ma'am," may isinenyas ito sa isang kasama niya at lumapit sa amin. Kinausap nito ang lalakeng basta na lamang ako hinawakan sa aking kanang kamay dahilan para mapabitiw din ito.
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil dun at sumama na lang sa kanila dahil sa kaba. I can't think straight. Natakot ako sa uri ng titig sa akin ng lalakeng 'yon dahil pakiramdam ko'y anumang oras ay may gagawin ito sa aking masama.
"Hi!"
Hindi na ako nagulat nang tumambad sa akin si-ang gwapong punyetang lalake sa backseat ng sasakyan. I just nodded at him saka ikinabit ang seatbelt sa akin. Sumandal ako sa upuan saka ipinikit ang aking mga mata. I mentally shook my head at hindi na inisip pa ang kaninang nangyari.
Delikado ang trabaho ko, dahil madaling araw na akong umuuwi, alam na alam ko 'yon. Pero ano bang magagawa ko? Kaylangan kong panindigan ang mga desisyong nagawa ko kahit na minsa'y gusto ko na lamang sumuko. Mahirap palang sa sarili mo lang ikaw umaasa.
"Uh, I said hi!"
Imbis na tugunin, sinabi ko na lamang ang address ng boarding house na tinutuluyan ko. Wala akong panahong isipin kung anu ang ginagawa niya (pagtutukoy ko sa gwapong katabi ko) sa paradahan ng dyip kanina. Hindi na ako magtataka kung galing siya sa bar, pero iyong nagkita kami, pakiramdam ko ay sinadya.
He seems to notice that I don't want to talk to him kaya hindi na ito muling nagsalita pa. Maya-maya'y huminto ang sasakyan kaya idinilat ko ang aking mga mata.
"We're here," aniya.
Kinalas ko ang seatbelt sa aking katawan saka akmang bubuksan ang pintuan ng sasakyan nang makitang bukas na ito. Naunahan niya na pala akong buksan ito at ngayo'y nga'y napakalaki ng ngiti nitong ibinungad sa akin. Umirap ako at nilagpasan ito. "Careful, Miss-walang-tayo,"
Napalingon ako dahil doon. My forehead creased at him but he just shrugged his shoulder saka muli akong nginitian. Muli ko siyang inirapan nang tila-I don't know, it might sound corny but, tila nahipnotismo ako sa magagandang ngiti niya nang mapagmasdan ko ito ng mabuti. Matunog itong humalakhak at napasipol pa nang mapansin ang aking kilos.
Pinagtatampal ko ang pisngi ng ilang beses nang maramdaman ang pag-iinit nito. I don't know whats in me but I will not deny it na sa una ko pa lang siyang nakita sa bar noon, ay tila attracted na ako sa kaniya.
Pero hindi pwede! Galit ako sa lalakeng 'yon dahil sa pamamahiya at pambabalewalang ginawa niya sa akin. But... this is what I'm talking about; I maybe look brave outside, pero madali akong mahulog. Kahit na ba ay... kinakainisan ko ang lalakeng 'yon.
At saka, iyon din naman ang rason kung bakit ko siya kinausap noon sa labas ng fastfood chain. Natakpan lang nang-when he showed me how jerk he was. Pero... punyeta! Wala akong oras sa mga ganitong bagay! Naglayas ako sa amin kaya iyon ang dapat kong isipin.
"Go to f*****g hell, Barbara! Ang gulo mo!"
DAHIL sa graduating student ako, mas dumami at dumagdag pa ang bayarin ko sa eskwela. Nar'yan na ang sa thesis, hand outs, business proposal at idagdag pa ang nalalapit na pictorial. Dahil doon ay halos gabi-gabi na din akong nagtatrabaho sa bar. Hindi na rin ako nakakapasok tuwing umaga kaya ang iilang quizzes ko ay bumagsak na. There's a changes in my life as a student at hindi iyon maganda. At sa pagbabagong 'yon, may isang taong dumating sa buhay ko; it's him-Rad.
Mula nang ihatid niya ako sa amin, isang linggo na ang nakakalipas, walang palya niya na akong hinahatid pauwi sa boarding house. Kung hindi siya nakakasama, madalas ay ang mga bodyguard niya.
Sa tuwing tinatanong ko siya kung bakit niya iyon ginagawa, parati niya lang sinasabing 'I want to make it up to you. Sa pamamahiya ko sa 'yo and for leaving you at the hotel without waiting for you to wake up'.
Kaya iyong galit ko ay unti-unti ng nawawala-nalulusaw. Natatawa na din ako sa sarili ko dahil halos hindi na mawala ang ngiti sa mga labi ko sa tuwing binibigyan niya ako ng bulaklak. Pero nung si Dos ang nag-abot sa 'kin ng bulaklak, halos ipagduldulan ko dito na bigas na lamang ang ibigay sa 'kin.
You're crazy, Barbara!
"What's with the smile?" Rad asked and caressed my right hand.
It's Saturday night and he took me to a fine dining restaurant. Hindi ko alam kung bakit niya ako inayang mag-dinner sa labas at hindi ko rin alam kung bakit napapayag niya ako.
"By the way, you looked lovely," ngumiti siya at mas pinisil pa ang aking kanang kamay.
I averted my gaze dahil alam kong, kung hindi ako iiwas, mas lalong mamumula ang aking pisngi dahil sa kaniyang papuri. I'm wearing a pink dress na umabot lamang sa aking tuhod ang haba. Siya na rin mismo ang bumili at pumili nito para sa akin. Siya naman ay nakasuot ng longsleeve polo na itiniklop hanggang siko, paired with a slacks and black leather shoes. He looks more handsome.
"S-salamat," ani kong hindi pa rin nakatingin sa kaniya.
He groaned frustratedly dahilan para mapalingon ako sa kaniya. "Oh c'mon, Sofia! This is not you. Halos nung nakaraan lang ay dambahin mo ako ng galit mo pero ngayon naman ay halos hindi ka makatingin sa akin ng diretso. What's wrong with you or... sa 'kin ba may mali?"
"R-Rad naman e'!" s**t! Ang pabebe ng boses ko! Punyeta ka Barbara! Umayos ka nga!
Mas lalo kong naramdaman ang pag-iinit ng aking pisngi nang matunog na humalakhak ito. Muli nitong ginagap ang kamay ko at dinila ito sa mga labi niya.
Nilakasan ko ang aking loob saka tumingin sa kaniya ng diretso. Ngumiti ako at pasimpleng binawi ang kamay ko. Hindi naman niya ito inintindi at tumikhim lamang. "Arent you comfortable here? We can leave now and look for another resto,"
"H-hindi, ayos lang," iniwas kong muli ang tingin sa kaniya at itinuon sa menu'ng hawak.
Sa totoo lang ay alam kong dalhin ang sarili kahit ano pang sitwasyon ang kinalalagyan ko. It's just that-it's his presence, I'm not comfortable with.
Totoo naman ang sinasabi niya na halos dambahin ko na siya sa galit pero iyong mga kinikilos niya ngayon ang bumabagabag sa akin. Iba na ang mga ikinikilos niya. He acted different since we kissed-accidentaly, last Thursday night. Natapilok lang ako, sinalo niya ako at kapwa kami napahiga sa couch sa loob ng bar. Siya nasa ilalim at ako naman nakapa-ibabaw sa kaniya-and the kiss just happened. It may sound cliché pero talagang ganun ang nangyari sa aming dalawa.
After that, we said sorry to each other saka balik normal na. Pero... itong mga kinikilos niya ngayon ang hindi ko maintindihan.
To be continued...